Chapter 37

8.2K 588 175
                                    



Hiraya's POV

Tinitignan ko ang mga kasamahan ko na bumababa ng bus. Ang tahimik nila at halatang pagod na pagod. Pangalawang araw na namin sa training camp. Sa unang araw nila ay hindi pa ganong katindi ang training ni Dulce sa kanila lalo na napatakbo ng matagal si Zed pero kanina ay naramdaman na nila ang mapanakit na training ni Dulce.

Totoo nga ang sinabi nila Ember na mapanakit magsalita si Dulce. Kahit ako napapangiwi minsan at minsan din ay natatamaan ako kapag sinasabi nya na ano ang natutunan nila sa training namin kaya bakit ang hihina nila kung ako ang nagtra-training sa kanila.

Napapaisip tuloy ako kung hindi ba ako magaling magtraining. Kailangan ko pa ata dagdagan ang training.

At dahil din mapanakit si Dulce, dalawang araw na napapalabas ni Zed ang dragon nya. Buong araw ay nagagamit nya ang dragon nya kaya natatalo nya si Dulce pero hindi pa rin tumigil si Dulce sa pagmamaliit kay Zed. Hangga't hindi daw nakokontrol ni Zed ang dragon ay matatalo pa rin sya.

Hangga't hindi maayos ang communication ni Zed sa mga ka-team nya at naiinis pa rin sya sa mga masasakit na salita ay hindi nya kontrolado ang dragon nya. Apektado pa rin ng galit nya ang dragon nya. Pero sigurado bago kami umuwi ng pilipinas ay makokontrol na ni Zed ang dragon nya.

Sa ibang member ng team, si Siera ang nakikita ko na susunod kay Zed mapalabas ang dragon. Ayaw nyang magpatalo samin ni Zed kaya hahabol sya samin. Seryoso sya sa mga training at hindi sya sumusuko kahit na alam nyang hindi nya kaya. 

Napapansin ko na magkaiba sila ni Zed kung paano mapapalabas ang dragon nila. Si Zed ay napalabas ang dragon nya sa galit at pakiramdam ng pagkatalo. Sa tingin ko ay dumagdag pa sa kanya na isa syang Levinson. Kahit na magaling na sya, sa oras na maikumpara sya kay Ame ay mapangliliit sya. Lalo na nasa dugo nya si Kiwi na syang number one noon. Dahil doon ay naiinis sya sa mga pang-iinsulto sa kanya. Habang si Siera ay ang tipong hindi mo mapaparamdam ng panliliit. Kaya nyang rumebat at lumaban. Seryoso sya palagi at nag-iisip muna bago kumilos. Kaya nga bagay rin sa kanya maging vice captain ng team. Siguro ay hindi kailangan galitin si Siera para mapalabas ang dragon nya. Kailangan iparamdam sa kanya na nahuhuli na sya. Hindi sya nakakaramdam ng pagkatalo dahil hindi nya hinahangad na manguna pero ayaw nyang nahuhuli sya. Dahil isa syang San Jose, sapat na sa kanya na sasabayan nya ang ibang may pangalan sa basketball. Kaya dapat iparamdam sa kanya na nahuhuli na sya at para gawin 'yon ay kailangan may magpalabas ng dragon sa ibang members.

Kakausapin ko si Dulce bukas sa planong gagawin ko para mapalabas ni Siera ang dragon nya.

Kinabukasan ay nagtungo kami sa malaking field. Nagtataka pa kami na nasa field din ang Miracle. Kahit sila ay nagtataka nung dumating kami. Masayang lumapit ako kay Ame at binigyan sya ng mabilis na halik sa pisngi. Marami ngang umeepal na PDA kaming dalawa.

Hindi pa namin sinasabi na kami na ni Ame. Ilan lang sa kaibigan namin ang nakakaalam. Ayaw lang namin na masyadong atensyon ni Ame kapag nalaman na ng lahat ng mga tao na may relasyon na kami kaya hinahayaan lang namin sila sa mga iniisip nila.

"Anong gagawin ninyong training dito?" tanong ko kay Ame.

"Hindi ko pa alam. Pinapunta pa lang nila kami dito." sagot nya. "Kayo?"

"Tatakbo lang kami paikot ng field."

"Ayun lang?" singit na tanong ni Katsumi.

"Hanggang magtanghalian." nakangiting sagot ko. "Gagawin lang namin yung unang training sa mga hindi nakakuha ng bola."

"Oh.." napatangong sabi ni Katsumi.

"Ano bang ginawa nila?" tanong ni Ame.

"Lahat ba kayo nakakuha ng bola nung nakaraan?" imbis na tanong ko. Tumango naman sya.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now