Chapter 38

8.9K 597 188
                                    



Hiraya's POV

"Hiraya!" tumingin kaming lahat kay Arya, nasa pintuan sya ng gym namin. Ang laki ng ngiti nya at kumakaway samin.

"Ang hyper talaga ni Arya." nakangiting sabi ni Ember.

"Kaya nga, hindi ba sya napagod sa training nila?" tanong naman ni Unice.

"Magkaiba naman ang training natin sa kanila." sagot naman ni Chase. Napangiti ako.

"Hiraya!" tumakbo sakin si Arya at niyakap ako.

"Pawisan ako." nakangiting sabi ko sa kanya pero niyakap ko pa rin sya since pawisan din naman sya.

"Gala tayo." pag-aaya nya. Sunday ngayon at half day ulit kami. "Sama kayo." lumingon sya sa mga kasamahan ko.

"Hard pass. Magpapahinga kami. Pagod na pagod kami sa training namin." sabi ni Nyx.

"Ayaw ninyo man lang mag-enjoy?" inosenteng tanong ni Arya. Para syang bata na nagtatanong.

"May isang linggo naman kaming bakasyon pagkatapos nitong training." sagot ni Venus.

"Kaya magpapahinga na lang kami. Hindi biro ang training namin dito, akala nyo lang." sabi ni Yael.

"Oh? kaya pala pagod na pagod kayo." sabi ni Arya habang tinitignan ang mga kasamahan ko.

"Hindi lang sila physical na pagod, pati na rin mental nila." sabi ko na ikatingin nya sakin. Nagtatanong naman ang mga mata nya. "Trashtalk kung trashtalk ang training nila rito. Alam mo na, kailangan palabasin ang dragon nila."

"Ang brutal naman ng training ninyo. Kailangan nga ninyo ng pahinga." sabi nya. "Ikaw lang sasama?"

"Hindi, isama natin si Siera at Zed." sabi ko at nilingon ang dalawa. Napakunot naman ang noo ng dalawa.

"Gusto kong magpahinga." sabi ni Zed. May inis pa rin si Zed sakin hanggang ngayon. Humuhupa naman ang inis nya sakin araw-araw pero bumabalik ang inis nya kapag pinapahirapan ko. Alam ko na gusto nyang bumalik sa pagiging pilya pero hindi ko sya hinahayaan hangga't hindi natatapos ang training namin dito. Gusto kong magseryoso sya sa buong training.

"Tsaka ka na magpahinga pagkatapos ng training. Papauwiin kita sa inyo para makapagpahinga ka ng isang linggo." nakangiting sabi ko. Kahit naman na magpahinga sya sa kanila ng isang linggo, hindi iyon mangyayari dahil sinabihan ko na si Lala Kennie na turuan si Zed. Hindi rin mapapakali si Zed na walang ginagawa pagkatapos ng matinding training dito.

"Paano naman ako?" nakataas ang kilay na tanong ni Siera.

"At kami?!" sigaw nila Venus.

"Three days sa inyo habang two days sayo, Siera."

"What? two days lang?" nakakunot ang noong tanong nya.

"Kapag napalabas ninyo ang dragon ninyo sa training dito, isang linggo kayong bakasyon." nakangiting sabi ko sa kanila. Umangal naman silang lahat pero hindi ko sila pinakinggan.

"Uuwi pa kayo, hindi ba? magkita na lang tayo sa Mall of America." sabi ni Arya.

"Sa Mall of America tayo pupunta?" hindi ko naman nalibot ang buong mall pero kakapunta ko lang doon. Mamaya puntahan din namin ang pinuntahan namin ni Raquel.

"Yup. Magsisibilihan sila ng sapatos." sagot nya. "Message na lang kita kung nasaan na kayo. Bye~." hinalikan nya muna ako sa pisngi bago tumakbo palabas ng gym.

"Parang kailangan kong magpabili ng sapatos." pagpaparinig ni Dion na sinundan ng iba.

"Umuwi na tayo." hindi ko pinapansin na sabi ko.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now