Chapter 42

7.6K 559 421
                                    



Hiraya's POV

"Bakit kasi hindi ka sumama?" tanong ni Iris sa kabilang linya. Nasa Batangas sya ngayon na kasama ang buong crew ng movie nila Ame. Sya ang nag-uupdate sakin kung ano ang nangyayari sa Batangas. Inaasar ng buong crew nila sila Ame at Ingrid dahil bagay raw ang dalawa.

"Nah, baka isipin pa ng mga tao d'yan ay masyado akong mahigpit kay Ame para bantayan sya." alam ng buong crew nila na girlfriend ako ni Ame dahil sinabi nya ito para tigilan sila sa pagkukudya sa kanila ni Ingrid pero hindi pa rin tumigil ang mga ito. Hindi rin lumabas ang balita na 'yon lalo na mainit init ang mga balita pagdating kay Ame pero pinipigilan ng buong production ng movie nila na lumabas ang balita na 'yon dahil baka raw walang tumangkilikin sa movie nila.

Nakiusap pa nga sakin ang director nila na wag munang ipagkalat na mag-girlfriend kami ni Ame para raw sa ikasisikat ni Ame kung gusto ko raw iyon mangyari. Nasabi pa nga nya na wag ako masyadong magselos dahil panghakot lang nila ang issue na nangyayari ngayon sa dalawa para maraming manood ng movie nila. Sana raw ay maintindihan ko. Sa tono ng boses nya habang kinakausap ako ay parang inii-scam na minamaliit ako. As if naman na ang babaw at ang kitid ng utak ko para paghigpitan si Ame na wag gawin ang mga hindi ko gusto sa nangyayari sa movie nila. Wala rin naman akong magagawa kung ayun ang kailangan sa movie nila.

Nasabi rin sakin ni Iris na narinig nyang pinag-uusapan ako ng mga crew ng movie nila na ako ang dahilan kung bakit hindi tinanggap ni Ame na maging main lead dahil hindi ko gusto ang bed scene na mangyayari. Parehas kami ni Ame na hindi gusto ang ganong scene pero diniin nilang lahat na ako ang dahilan.

Napapailing na lang ako dahil nasisira ang image ko sa kanila. Halata kasing mas kinakampihan nila si Ingrid lalo na pinupush nila ang dalawa kahit na alam nilang may girlfriend si Ame. Masyado nila kaming pinagkukumpara. Purkit mas maganda sakin si Ingrid ay maliit liitin nila ako na hindi kami bagay ni Ame. Hindi ba nila alam na ako lang ang may kayang tumunaw kay Ame? hindi sa dala ng itsura 'yan.

Bumuntong hininga ako dahil nadadala ako sa inis sa mga 'yon. Dumagdag pa kasi si Ingrid na masyado ng maraming ginagawa para mapalapit kay Ame. Halata rin na sya ang may kagagawan ng mga nangyayari sa taping nila. Kontrolado at plando na ang lahat. Magaling talaga sya. Ano pa kaya ang kaya nyang gawin para makuha nya si Ame?

"Masasapak ko rin minsan si Ame." sabi ni Iris. Natawa naman ako.

"Masyado lang mabait si Ame sa pamilyang Davies." minsan hindi ko na rin gusto na hindi makapaghindi si Ame sa pamilyang Davies. Parang masyadong superior ang pamilyang Davies para hindi kayang tumanggi ng mga Walker at Levinson. Parang nung dati lang ay mas tinitinggala ang dalawang pamilya.

"Tsk. Ang hina nila ni Katsumi." ngumiti naman ako. "Sige na, lalabas na ako para makita kung ano na kalandian na ginagawa ni Ingrid kay Ame." napailing ako.

"Thanks Iris."

"Yeah, whatever." mas lalo akong pangiti. Cute talaga nya.

Pumasok ako sa loob ng bahay nila Lala Dite. Nagpunta ako rito para bisitahin sila. Baka kasi magtampo na pumupunta lang ako kapag nandito si Ame. Sakto naman nandito rin si Tita Aria kaya naman mas lalong humahaba ang kwentuhan namin.

"Matanong ko lang. Bakit parang mas malakas ngayon ang Davies kumpara sa Walker at Levinson?" tanong ko. "Parang may mga utang na loob pa sila sa Davies."

"Hindi naman sa ganon. Sadyang madiskarte lang si Daniel. Matalino sya kaya marami syang natutulungan at nagiging utang na loob iyon." sagot ni Tita Aria.

"Wow." react ko. "Tulong na may kapalit."

"Suwapang ang Davies na 'yan." sabi naman ni Lala Dite nahalatang hindi gusto ang Davies. "Akala mo kapantay nya na ang Walker at Levinson."

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon