Chapter 54

7.4K 359 117
                                    




Hiraya's POV

"Paano ninyo nahaligilap ang mga ebidensya laban kay Mr. Davies?" tanong ko kay Tita Ziva na nandito sa bahay nila Lala kasama si Zed.

Nandito kami ngayon sa sala kasama si Lala Dite, Lala Kennie, Zed, Ame at Tita Ziva. Hindi umuwi si Tita Aria kagabi dahil inaasikaso nya ang kasong sinampa nila kay Mr. Davies habang dumalaw naman sila Lala Kennie rito.

"Kung maraming connection ang Walker, mas marami ang Levinson." nakakindat na sagot nito.

Bakit ko nga ba nakalimutan 'yon. Kung hindi umeepal ang Davies, ang Levinson lang ang may kayang pabagsakin ang Walker.

Napangiti ako. "Mabuti na lang pala ay may kaibigan at girlfriend akong Levinson." sabay tingin ko sa magpinsan.

"Wag mo akong asahan. Isa man akong Levinson, mas nangangalantay sakin ang pagiging De Vera." sabi ni Ame.

"How so?"

"Lahat ng Levinson ay binibigyan ng business or something na kailangan nila sa buhay. Tinanggihan ni Ame iyon dahil mas gusto nyang tumayo sa sarili nyang paa." si Zed ang sumagot.

"Talaga? may ganon pala sa Levinson family. Hindi ko alam." kakaiba rin pala ang trip ng pamilya nila. "Eh kung ganon meron ka?" tanong ko sa kanya.

"Katulad ni Mama, connection lang ang hiningi ko. Hindi ako tumanggap ng pagkakaabalahan like business."

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit tumulong si Tita Ziva kanila coach Keira. Marami itong connection na ikinadali ng imbestigasyon nila laban sa Davies.

"Alam mo na, Zed." kinindatan ko sya para sabihin sa kanyang aasahan ko sya sa mga bagay-bagay. Natawa naman sya sakin.

"Magsisimula na rin bang ulitin ng pag-take ng movie ninyo?" tanong ni Tita Ziva.

Hindi natapos kagabi ang pasabog nila Tita Aria sa kalaban. Kaninang umaga lang ay nabalita ang pag-aresto kay Director Chua sa panonobotahe nito sa movie ni Sallie. Maraming nagulat nung maibalita iyon lalo na hindi naman alam ng mga tao ang nangyari. Katulad ni Mr. Davies, maraming nahalukat na krimen kay Director Chua na mas lalo pang ikinagulat ng mga tao dahil sa pananantala nya sa kapangyarihan nya sa industriya.

Inanunsyon din ni Sallie na pansamantalang ide-delay ang movie dahil nalalapit na rin ang Summer Cup. Kahit na may ilang linggo pa kami para mag-take ng movie ay hindi na tinuloy pa dahil mahihinto lang din.

"Nope, after na lang ng Winter Cup namin sisimulan ulit." sagot ko.

"Winter Cup pa?" takang tanong nito. Tumango ako.

"Kasama si Katsumi at ang iba pa sa napiling member ng Philippine team so.." nakitbitbalikat ako.

"Hindi ka kasali?"

Umiling ako. "Tumanggi ako since kasama naman na nila si Ame. Kaya na nila 'yon." nakangiting sagot ko. "Pero sasama pa rin ako sa kanila para manood ng live." dagdag ko.

"Sayang naman." bahagyang malungkot na sabi nya. "Ayaw mo bang mas sumikat pa?"

"Gusto ko lang talunin ang nagnu-number one sa pilipinas." nakangiting sagot ko. 

Naranasan ko na rin naman maging sikat noon kaya hindi ko gagawin sa buhay na ito. Gusto ko lang maging number one ulit dito. Gusto ko lang makamit ang sinasabi ni Kiwi noon na may mas mataas pa akong mararating sa kakayahan ko. Nakamit ko naman iyon pero kailangan ko pang mamaster ito.

"Ohh...si Aria?" tinignan ko si Tita Ziva. Mukhang alam nyang si Tita Aria talaga ang Queen at hindi si Ame. "Sa lagay mo ngayon? mag-practice ka pa." nakangiting sabi nito.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon