Chapter 15

10.5K 728 512
                                    



Hiraya's POV

"Ang laki ng isla na 'to tapos gagamitin lang para sa Empire tournament." sabi ni Nyx habang nakasunod kami sa mga seniors namin papunta sa dorm na tutuluyan namin.

"Habang tumatagal, dumadami ang mga training ground dito at ginagamit rin bakasyonan ng mga may ari nito." sagot ni Violet. 

"Sa pagkakaalam ko, pwede natin ito gamitin kahit hindi pa Empire tournament." sabi ko.

"Okay girls, asahan na ninyong babalik tayo dito." sabi ni Venus kaya may mga natawa. Napailing na lang ako sa kanila.

"Pero maganda dito ah." rinig kong sabi ni Milli. 

Totoo, parang hindi sya ginagamit pang training sa ganda ng isla. Sobrang linaw ng tubig at hindi masakit sa paa ang buhanganin kanina sa may tabi ng dagat. Parang resort sa Boracay ang itsura ng isla. Kaya siguro hindi lang pang-training ang ginagawa dito, ginagamit rin pangbakasyunan ng mga may ari.

"Wala pa tayo sa training ground kaya maganda pa na parang bakasyunan talaga pero kapag nasa training ground na tayo ay parang nasa camp na ang itsura." sabi ni Aki.

"Sayang talaga at wala tayong rest day dito. Hindi natin mae-enjoy ang ganda ng isla." sabi ni Yael.

"Well, napag-usapan namin na bigyan kayo ng isang araw na bakasyon bago umuwi kaya maeenjoy ninyo ang isla." sabi ni Ember.

"Talaga?!" sabay-sabay na sabi nila.

"At tsaka, kapag nanalo tayo overall, magbabakasyon tayo sa Laguna para mag-hot spring." sabi ko sa kanila.

"Ilang araw tayo don?" tanong ni Tiffane. 

"Three days but the rest of the week ay hahayaan muna namin kayo na umuwi sa inyo." sabi ni Ember at lumingon samin. "Dahil sa natitirang buwan ay wala na munang dadalaw sa camp. Sa graduation ninyo ulit sila makikita."

"Mukhang paghahandaan pa natin lalo ang Summer Cup." kahit hindi ko lingunin ay ramdam ko ang ngiti ni Zed sa sinabi nya.

"May excited." nang-aasar na sabi ko. Nilingon ko ang mga nasa likuran ko. Halos nasa likuran lang ako ng mga seniors habang ang mga iba kong kasamahan na rookie ay nasa likuran ko.

"Sinong hindi mae-excited? makakalaro tayo sa Summer Cup!" sigaw ni Nyx.

"Kaya nga! hindi lang tayo maghihintay ng matagal para sa Winter Cup pero makakasama rin natin ng dalawang Cup tournament ang mga seniors!" masayang sabi ni Unice.

Natawa naman ang limang seniors namin. Kahit hindi nila sabihin ay pati sila ay natuwa na makakalaro kami ng Summer Cup.

Kahapon lang ay ina-announce ang date ng Summer Cup kahit halos kakatapos lang ng Winter Cup ay nag-set na sila ng date at sakto pang tapos na ang graduation namin non kaya naman makakasali kami sa Summer Cup.

Tuwang tuwa kami dahil hindi na namin kailangan pang maghintay para sa Winter Cup bago makalaro at katulad nga ng sinabi ni Unice, makakasama pa namin sila Ember hanggang Winter Cup. Kaya naman kahapon pa lang ay nag-decision na kami ni Ember na tuloy-tuloy ang training na wala munang bibisita hanggang matapos ang training namin para mapaghandaan ng maayos ang Summer Cup.

At sumang-ayon naman sila na mas magseseryoso kami sa training na humingi pa kami ng mga tulong sa dating mga player para pag-practice-san namin. At ang nakakatuwa pa ay lahat ng hiningan ng tulong ni coach Keira ay pumayag na tulungan kami dahil kahit sila ay excited din sa pagbabalik ng team. Kaya mas lalong na-motivate ang team sa pagtraining dahil makakalaro na kami sa Cup.

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon