Chapter 27

8.3K 703 423
                                    



Hiraya's POV

"Kinakabahan ako!" hindi mapigilang sabi ni Unice habang panay ang lakad sa locker room namin.

"Wag kang kabahan dyan." sabi naman ni Yael pero hindi naman mapigilan ang pagkuyakoy sa kanang binti nya.

"Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga tao dito." sabi ni Ember.

"Ano ang pakiramdam na nakaabot ulit ang team sa final?" nakangiting tanong ni Chase.

"It's so surreal. Ang tagal tagal naming inasam 'to." napangiti ako sa sagot ni Aki.

"Hindi ko aakalain na mararanasan kong makarating ng final bago ako umalis ng team." halos maiyak na sabi ni Chantal.

"Hindi pa tayo tapos. Magcha-champion pa tayo!" sabi ni Zed na ikahiyaw naman ng iba.

"Thank you talaga." nakangiting sabi ni Ember. Umiling ako.

"Sinabi ko na 'to nung una pa lang, hindi dahil saming mga bago ang dahilan kaya tayo nakaabot dito. Lahat tayo na naghirap sa training natin ng dalawang taon kaya thanks iyon sating lahat." sabi ko.

"Kaya nga, natalo ninyo ang Zebra Jacks ng walang kapuntos puntos at nakalaban ninyo pa ang Shakers at Meteorite. Be proud naman sa inyo." sabi ni Venus. Ngumiti naman ang limang seniors.

"Pero seryoso ka bang kami ang unang lalaban sa Miracle?" tanong ni Ember sakin.

"Gusto kong ipakita sa lahat na hindi dahil saming mga bago kaya malakas na ang Dragon Empire. At hindi ko hahayaan na hindi makakalaro ang lahat sa big game na 'to." sagot ko.

"Kaya nga ako kinakabahan eh!" sigaw ni Unice na ikatawa namin.

"Kaya natin 'to girls. Show off your skills." pagpapalakas loob ni Siera.

Napatingin kami sa pintuan nung pumasok si coach Keira at sinabihan kami na tumungo na sa court. Mas lalong kinabahan si Unice at hindi mapakali ang iba. Natatawa na lang ako na naunang naglakad palabas ng locker room.

Habang palapit sa court ay naririnig ko ng mas malakas ang sigawan ng mga tao. Hindi muna kami lumabas at hinihintay na tawagin ang team namin. Unang tinawag nila ang Miracle na dumadagundong pa sa sigaw ang mga tao sa sobrang suporta nila sa team. At dahil don ay mas kinakabahan ang mga kasama ko na baka mapahiya kami at walang sumoporta. 

Napapailing na lang ako sa kanila dahil masyadong madaming iniisip ng mga 'to.

Nung tinawag kami ay naglakad na kami palabas. Nauuna si coach Keira at nasa likuran nya ako. Nakangiting kumaway ako sa mga tao dahil nag-cheer sila samin. Hindi lang ganon kalakas sa Miracle pero marami naman na ang nagche-cheer samin ngayon.

Nagsimula na rin kami mag-warm up. Pinag-warm up ko ng maayos ang limang seniors dahil sila ang unang maglalaro. Kinakabahan pa ang iba sa kanila.

"Akalain mo nga naman na makakaabot kayo ng final." tumingin ako sa likuran at nakita si Heidi at Clea.

Nginitian ko sila. "Winarningan ko naman kayo, ayaw nyo lang maniwala." sabi ko.

"Pero hanggang dito na lang kayo." nakangising sabi ni Clea.

Ayaw talaga nilang magpatalo. Mas lumala ang kayabangan nila ngayon.

"Kayong dalawa, mag-warm up kayo." tumingin kaming tatlo kay Katsumi.

"Hindi na namin kailangan 'yon." sabi ni Heidi. Napailing ako. Kawawa pala talaga si Katsumi sa Miracle. Kailangang pagtyagaan ang ugali nila Heidi.

"Ang Dragon Empire dapat ang mag-warm up ng maayos." nakangising sabi ni Clea na tumingin sakin bago naglakad paalis na sinunod naman ni Heidi na may tawa sa sinabi ni Clea.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now