Chapter 2

11.4K 797 927
                                    



Kristoff's POV

"Mapapabilib ka talaga sa kanya, Daddy. Ang tapang nya para sabihin iyon sa lahat." natutuwang sabi ni Kalvin. Nasa hapagkainan kami at kinukwento nya sakin ang nangyari kanina. Nakakatuwa na hinamon ni Hiraya si Ame.

"Bilib na ako sa kanya umpisa palang kaya mas napabilib nya ako na nakayanan nya yung pressure ng tatlong team." sabi ko.

"Mukhang hindi nagpapatalo si Hiraya kahit anong sabihin sa kanya na masasakit na salita. Parang wala lang iyon sa kanya eh." napangiti naman ako.

"Siguro dahil alam nyang mali ang mga nagsasabi non sa kanya. Hindi talaga ako nagkamali na isali sya sa Dragon Empire."

"Mabuti na lang talaga ay nakilala ninyo sya. Mukhang may chance na manalo ngayon ang Dragon Empire dahil kay Hiraya." sabi nito.

"Hindi lang may chance, siguradong mananalo na ulit tayo." sabi ko na may tiwala sa kakayahan ng mga napili kong trainee ngayon. "Kaso sa loob ng dalawang taon ay hindi na muna makakasali ang Dragon Empire girls." malungkot na sabi ko.

"Bakit po?" takang tanong nya.

"Maraming umalis. Lima na lang silang natira." pagkasabi ko non ay nagulat sya.

"Lima na lang ang natira sa twenty na miyembro ng team? fifteen Daddy ang umalis?" nagugulantang nyang tanong. Tumango ako.

"Pinilit ko pa silang pakiusapan na manatili pero ayaw na daw nilang maglaro pa. Sasali na yung iba sa WPBA at yung iba ay magpapatayo na lang daw ng business." sabi ko at napahawak ng sentido.

"The heck? alam kong may ilan na aalis pero hindi ko aakalain na seventy five percent ang aalis sa kanila." parang pati sya ay namoblema. "Kasama ba si Ember?"

"Hindi, nanatili sya kasama sila Aki."

"Yung magkakaibigan?" tumango ako. "At least nanatili yung mga may tiwala na maibabalik sa Dragon Empire ang championship."

"Titignan ko kung kaya kong mapaikli yung training ng Dragon Empire para hindi magtagal na hindi kasali ang team sa Cup tournament pero malabong mangyari iyon dahil kasabayan lang natin yung ibang Empire team at may sinusunod tayong flow."

"Hayaan na ninyo na dalawang taong wala ang Dragon Empire para mas pagbutihan nila ang training at para kapag bumalik sila ay magugulat nila ang ibang team sa galing nila lalo na si Hiraya." sabi nya na pinag-isipan ko.

"Kakausapin ko si Ate kung anong input nya dito." bigla naman akong naistress dahil kakausapin ko na naman si Ate.

"Ano pala sabi ni Auntie Keira nung nalaman nyang ang daming umalis?" tanong ni Kalvin. Kilala nya ang Ate ko kaya alam nyang hindi nagustuhan ni Ate ang pag-alis ng fifteen na miyembro ng Dragon Empire.

"Babalik sya sa pagiging coach." nanlulumong sabi ko pero ang anak ko ay tinawanan lang ako.

"Mukhang pinagalitan ka ng sobra ni Auntie ah." pang-aasar nya pa.

"Sino ba namang hindi? ang daming umalis. Yung hindi pagpasok ng top four ng Dragon Empire ay pinalagpas nya pero ngayon ay hindi nya na ito hahayaan pang maliit liitin ang Dragon Empire." sabi ko. "Sinabihan pa ako na ako ang may kasalanan ng lahat dahil hindi ako naghihigpit sa mga bata. Parang sinasabi nya na hindi ako magaling mag-handle ng team."

"Actually parang ganon na nga." sinamaan ko sya ng tingin dahil patuloy sya sa pang-aasar. "Eh kasi naman kahit na hindi nananalo ang Dragon Empire sa Miracle nung hawak nya ito, kayang naman labanan ng team yung dalawang team. Nung ikaw na yung humawak, wala eh."

Melting Ice Princess 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon