Chapter 22

9.4K 791 661
                                    



Third Person's POV

Nagpatuloy sa pagpasok ang Dragon Empire sa loob ng arena. Nangunguna si Ember sa paglalakad na sinundan ni Siera at ng iba pang seniors habang nakasunod ang iba. Nasa gitna si Hiraya na pinapalibutan ni Yael at Nyx sa magkabilang gilid na pinagtaka ng lahat.

"Hindi ba dapat nasa unahan ka?" takang tanong ni Venus na nasa likuran ni Hiraya.

"Ayoko muna, baka maubusan kayo ng fans eh." nakangiting birong sagot ni Hiraya.

"So true, kita ninyo kanina nabihag nya lahat ng fans." natatawang sabi ni Unice at lumingon sa likuran nya kung saan sila Hiraya.

"Planado 'yon dahil alam nyang maiinis ang mga fans sa kanya dahil pinalitan nya si Ember. Nadala nung Empire tournament." nakangising sabi ni Zed na syang katabi ni Siera maglakad.

"Ngiting nagpapa-cute agad para walang masabi sa kanya." pagsasakay ni Yael.

Natatawa naman sa kanila si Hiraya. Bahagyang sinadya iyon ni Hiraya dahil baka wala ng sumopporta sa team nila at ayaw nya naman mangyari iyon lalo na kakabalik lang nila.

"Pero seryoso, bakit nandito ka sa gitna?" tanong ni Chase na nasa likuran din ni Hiraya.

"Eh kasi baka lapitan ako nila Iris at Arya. Kilala naman ninyo ang dalawang 'yon pagdating sakin. Ayoko munang lapitan sila na hindi tayo nakakalaro. Siguradong mai-issue ako."

"Ka-issue issue ka kasi." sabi ni Milli sa likuran na sinang-ayun ng lahat.

"Tsaka ayokong pag-usapan tayo dahil sa kanila. Alam naman ninyo ang plano ko kaya dapat ayun ang pag-usapan nila pagdating satin."

"May punto ka dyan lalo na pinag-uusapan tayo dahil inaakala nilang matatalo agad tayo sa Zebra Jacks." sabi ni Yael.

Lahat sila ay nakaramdam ng pangmamaliit at inis nung nilabas ang listahan ng Summer Cup. Pinapamukha ng lahat na matatalo agad ang Dragon Empire sa Zebra Jacks kahit na hindi pa nila alam kung sino-sino ang mga bagong miyembro ng team. Gustong gusto nilang ipamukha sa lahat na mali sila ng iniisip at papatunayan nilang mas malakas na sila ngayon sa lahat.

Habang naglalakad sila ay may ilan-ilang team ang nasa hall way na hindi pa pumupunta sa court. Napapatingin sa kanila ang lahat at hindi maiwasan mapuna ang bago nilang suot. Pinagmamasdan din nila ang mga bagong miyembro ng team at hindi maiwasan ma-curious kung sino-sino ang mga ito.

Pero ang iba sa kanila ay nakilala agad si Zed at Siera na syang kilalang kilala sa larangan ng basketball. Hindi nila maiwasan na pag-usapan na napabilang ang dalawa sa Dragon Empire.

Habang palapit sa court ay naririnig nila ang sigawan ng mga tao. Hindi nila ito maintindihan dahil kanya-kanya ito ng pagche-cheer sa mga team na iniidol nila. At kahit na ganon ay hindi napre-pressure ang Dragon Empire. Mas lalo pang lumakas ang kaba at excitement na nararamdaman nila dahil sa wakas ay makakalaro nila.

Huminto si Ember at humarap sa mga kasamahan nya. "Team, handa na ba kayo?" nakangiting tanong nya.

"Oo naman!" sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan nya.

"Then, let's go!" sigaw ni Ember at itinaas ang flag nila. 

Huminga ng malalim ang lahat bago tuluyan na lumabas. Bahagyang nasilaw ang ilan sa kanila pero na-adjust din nila ang paningin nila at bahagyang nagulat sa dami ng mga tao. Inaasahan naman nila na ganito talaga kadami ang mga tao pero ang makita ito sa mismong court ay hindi nila maiwasan matuwa at mapahanga.

May ilan na nakapansin sa kanila nung lumabas ito hanggang sa halos lahat na ay nakatingin na sa kanila. Nagulat sa bagong damit at logo ng team. Hindi maiwasan na pag-usapan ang team dahil inaakala nilang hindi na ito magpapakita sa tagal nilang dumating. Maraming nag-iisip na sinadyang magpahuli ng team para makakuha ng atensyon. At may ilan na curious sa mga bagong miyembro.

Melting Ice Princess 4Où les histoires vivent. Découvrez maintenant