Chapter 45

6.9K 475 278
                                    




Hiraya's POV

Isang linggo kaming naging busy ng buong Dragon Empire dahil sa mga interview at guest sa mga tv shows. Dahil kami ang nanalo sa Winter Cup at naibalik ang championship, maraming gustong mag-interview samin at inaaya kaming mag-guest. Araw-araw na lang ay trending kami sa dami ng humahanga samin.

Dumagdag pa ang topic na aalis na sila Ember na ikinagulat ng karamihan. Maraming na-touch na bago man umalis sila Ember ay nagawa nilang maging champion. Dahil doon ay maraming umimbita sa kanila sa mga shows na silang lima lang para malaman ang mga pagsubok na naranasan nila sa Dragon Empire.

Marami rin ang gusto akong lumabas sa mga shows dahil sa mabilis kong pagsikat. Maraming tanong tungkol sa pag-handle ko ng team at kung paanong sobrang galing ko raw. Natanong din nila kung paano ako nagsimula sa basketball kaya naman nalaman din nila kung gaano ako ka-close sa pamilyang Walker. Nakakagulat nga rin na walang topic tungkol samin ni Ame pero meron samin ni Raquel. 

Nitong mga nakaraang lumipas ay lagi kaming nagkikita ni Raquel. Hinahatid't sundo nya ako dahil nanliligaw sya. Sinabihan ko na sya nung umpisa pa lang na hindi kami break ni Ame kaya wala akong balak na magpaligaw sa kanya. Pero pinipilit nya na gusto nyang ipakita ang pagkagusto nya sakin at sinabi nya rin na ito na ang pagkakataon nya kaya hindi nya ito sasayangin.

Dalawang araw ko syang pinagsasabihan pero ako ang napapagod sa kakulitan nya dahil sobrang mapilit sya. Binalaan ko na lang sya na sya rin ang masasaktan kung ipagpapatuloy nya ang gusto nya dahil hangga't si Ame ang gusto ko ay wala akong ibang pipiliin. Hinayaan ko na lang sya sa gusto nya at umiiwas na lang na dagdagan ang pagkagusto nya sakin. Ayoko syang mahulog ng sobra sakin dahil masasaktan sya lalo.

Sa mga balita tungkol samin ni Raquel ay nag-aalala ako para kay Ame kung ano ang iniisip nya sa tuwing nalalaman nya ang tungkol samin ni Raquel. Parang bumaliktad lang ang sitwasyon namin na kung dati ay ako ang nakakarinig ng tungkol sa kanila ni Ingrid, ngayon ay sya naman. Mas selosa pa naman sya kaya nag-aalala ako.

Gusto ko syang kausapin saglit para sabihin sa kanya na walang namamagitan samin ni Raquel. Gusto kong mapatanag sya habang cool off kami. Ayokong madagdagan ang hidwaan naming dalawa. Pero isang linggo na rin akong walang balita sa kanya dahil naging busy ako. Ang alam ko lang ay inaaya nila Arya si Ame na lumabas labas. Sana ay nakakapag-unwind sya.

"Hiraya, malapit na raw mag-umpisa." sabi ni Raquel pagbukas nya ng van namin.

Guest kami ngayon ni Raquel sa isang cooking show sa bahay ng isang sikat na artista. Sa pagkakaalam ko ay dapat isa si Ame na maggu-guest pero ayaw ni Ame na lumabas sa mga tv shows ngayon at nasa bakasyon ngayon si Katsumi kasama si Iris kaya hindi rin sya pwede. Ang gusto ng show ay team captain ng Miracle at Dragon Empire kaya inimbitahan nila ako at dahil wala yung dalawa, si Raquel ang napili nilang kapalit. Plus pa na mainit ang balita saming dalawa.

Lumabas na ako ng van at tumungo sa mga staff. Inayusan nila kami ng mic at ni-retouch ang make up. Pagkatapos kaming ayusan ay naghihintay na lang kami ng cue para sa part namin. Live rin itong show kaya dapat maayos ang lahat.

"Sa pintuan na po tayo." sabi ng isang staff samin ni Raquel. Nagtungo naman kaming dalawa sa pintuan ng bahay.

"Ano kaya iluluto satin ni Sharina?" tanong ko habang naghihintay. Naka-off naman ang mic namin kaya okay lang na mag-usap kami habang naghihintay.

"Sya ba ang magluluto para satin? akala ko magluluto rin tayo?" nakakunot ang noong tanong nya.

"Ay akala ko kakain lang tayo at makikipagchikahan." tinaasan nya ako ng kilay at napailing.

Melting Ice Princess 4Where stories live. Discover now