Chapter 17 - Part two

Start from the beginning
                                    

Teka, paanong sa kanya nga ba napunta ang usapan? At bakit yata siya na ang ini-interrogate ngayon? Hindi iyan puwede!

“Ay naku, hindi ka puwede dito hangga’t di mo sinasabi kung bakit bigla kang umakyat ng Baguio.” Binaliktad na niya ngayon ang flow ng kanilang conversation. Siya na ulit ang interrogator. Hindi ang ini-interrogate.

“Nagpapalamig nga ako.”

“I’m not buying that.”

“Of course you can’t, it’s not for sale.”

“Hahaha…patawa ka,” sarcastic na wika ni Ana. “Seryoso ako Ethan.”

“Kuya Ethan,” pagtatama nito. “Ikaw talaga, nakakalimot ka ng gumalang sa nakatatanda.”

Ana rolled her eyes. Isang minuto lang ang tanda ng kakambal sa kanya. At pinapaalala lang naman nito na ito ang mas matanda sa kanilang dalawa kapag ganitong may argumento sila. Other than that, hindi talaga ito nagpapatawag ng Kuya.

“Okay KUYA Ethan for the last time, anong ginagawa mo dito sa Baguio, here in my apartment?” nagtitimpi na wika ni Ana. “Teka, alam ba nina Nanay na andito ka?” dagdag ni Ana ng maalala ang magulang nila.

“Hindi pa. I will call them later. Don’t worry about it.”

“Bahala ka,” Ana shrugged her shoulders.“So kamusta naman si Annisha?”

“Ayun, makulit pa rin. Iniispoil nina Tatay,” nakangiting sabi nito.

Ana also smiled upon hearing the news. Nakakamiss nga ang chikiting na iyon. Di bale, uuwi naman siya sa nalalapit na sports fest.

Bumaling si Ana sa kakambal at pinakiramdaman. Alam niyang may inililihim ito.

“Is Tatay asking you to manage again?” she asked in a soft voice.

Natigilan ito at sumeryoso ang mukha. “No…He is not.”

Katahimikan.

“I shouldn’t tell this, but Tatay was hospitalized last week,” basag ni Ethan sa katahimikan.

Takot kaagad ang bumalot sa puso ni Ana ng marinig ang nangyari sa ama.

“W-what? B-bakit hindi niyo ako sinabihan? A-anong nangyari? B-bakit?” sunod-sunod na tanong ni Ana.Kapakanan kaagad ng ama ang inalala ni Ana.

“Okay na si Tatay. Nakalabas na ng hospital. It was due to fatigue sabi ng doctor.”

“Bakit wala man langnagsabi sa akin? May nangyari na palang masama kay Tatay hindi niyo man lang ako ini-inform,” puno ng hinanakit at tampong wika ni Ana.

“Pinigilan kami ni Tatay na sabihin sa iyo. Ayaw kasi nitong malaman mo pa. Baka raw liparin mo mula Baguio patungong Manila kung sakali.”

“Of course I would! Si Tatay na ang pinag-uusapan dito.”

Ngumiti ito ng tipid. “We all know that you will. Kaya nga Tatay insisted on us not to tell you.”

“I’m mad right now,” she said fuming with anger. She even crossed her arms to show that she’s not kidding.

“You have all the right.”

Katahimikan ulit.

Muling pinakiramdaman ni Ana ang kapatid. Kahit may tampo sa nangyari, nababahala pa rin siya sa nararamdaman. Her twin is not telling her something that is bothering him. May tinatago pa itong iba. Yung tunay na dahilan kung bakit bigla itong umakyat ng Baguio.

Her twin is like that. Hindi ito magsasalita hangga’t hindi mo inuungkat kung may prinoproblema ba ito. Sinasarili na lang nito ang problema.

Ana kept thinking hard, reviewing her brother’s actions and the facts he told. There must be some clues behind those. It comes to handy that she loves playing Nancy Drew games, dahil nagamit na rin niya mga detective skills na natutunan kuno niya sa paglalaro. Because after putting all the clues together, she finally got the answer.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now