Chapter 17 - Part two

Magsimula sa umpisa
                                    

“Eh, bakit andito ka ngayon?” naguguluhang ni Ana.

“Ano ba pa? Baguio. Malamig. Therefore, andito ako para magpalamig.” Ang tono ng boses pa nito ay yung tipong matanda at ang kausap ay bata na dahan-dahan ang pagakakasabi para maintindihan talaga. Nananadyang mang-asar.

Sanay na siya sa pang-aasar ni Ethan. Lalo pa siyang nasanay ng makasama niya si Ace. Kahit papaano ang tolerance level niya against pang-aasar ay tumataas na.

Mariing tinitigan ni Ana ang kaharap, hoping to find out the answer in his face. Sino ba naman kasing maniniwala sa dahilan nito? Napakawalang sense na reason ang binigay nito. He should have come up with a more believable reason why he suddenly came up all the way up here in Baguio.

“Huwag mong sabihing nakabuntis ka?” nagdududang tanong niya.

“Anong kala mo sa akin, hindi maingat? I always use protection for your info,” nakangising turan nito.

“Ewww! Pinatuyan mo lang na kung sinu-sino talaga kinakanti mo,” puno ng disgustong wika ni Ana.

“Not my fault. Palay na ang lumalapit sa tandang. At magagandang klase ng mga palay, mind you.”

“Yuck ka talaga! Maging choosy ka naman ano. Mamaya sa katutuka mo, iyong palay na para talaga sa iyo, tuluyan mo ng hindi makita. Lagot ka niyan.”

“You believe on those things now?” kunot-noong tanong nito.

“About what?” hindi gets ni Ana ang ibig sabihin ng katanunang nito.

“About finding the right one. Destiny. Soul mate. Love. The cheesy stuff.”

“I didn’t mention anything about those things,” she emphasized.

“Hmmm… Talaga? I was sure I just heard you a while ago talking about it.”

“Pinaandar mo na naman pagiging deep mo,” wika na lang ni Ana.“You’re putting much meaning in my words that doesn’t mean anything at all,” she added.

Nasa mukha ni Ethan na hindi ito kumbinsido sa kanyang sinabi. Hindi nito iyon pinalaki pa at sa halip ay yung ayos niya ngayon ang muling pinagdiskitahan.“You are dressed up. So, are you really on a date tonight?” curious nitong usisa.

“Hindi ito date. Sasamahan ko lang iyong…” Ana paused. Hindi niya itinuloy ang sasabihin sana dahil parang mali kasi kapag ang sasabihin niyang sasamahan niya ay boyfriend niya. Kasi kung ang sasamahan niya ay boyfriend niya, date iyon di ba? Pero hindi naman talaga sila magdedate ni Ace. Sasamahan lang niya ito sa party ng Mommy ni Honey. Pero may katotohanan din na boyfriend nga naman niya si Ace. Kaya lang, hindi nga sila madedate. Ay, ang gulo!

Sabihin kaya niyang kaibigan….Kaibigan? Ngunit hindi nga niya kaibigan ang tukmol na iyon eh!

So ano nga ba talaga sila?

“…ka-MU ko.”

Muntik ng batukan ni Ana ang sarili ng iyon ang lumabas sa bibig. Nag-isip pa siya. Fail din lang naman naging sagot niya.

“EM.YU? Pinapatawa mo naman ako Ana niyan eh. Uso pa ba iyon?”

“Sa uso sa aming dalawa! Bakit ba? Paki mo!” pinanlakihan niya ito ng mata.

“Wala na ngang MU-MU ngayon. Ang uso ngayon ay I like you. You like me. So tayo na. Ganun.”

“Sige ikaw na ako. Marunong ka pa sa akin,” puno ng pagtitimping tugon ni Ana.

“Lumalaki na butas ng ilong mo pangit. Galit ka na yata sa akin,” pang-iinis pa nito.

Patience Ana. Patience.

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon