45

95 2 0
                                    

Pagkatapos 'kong malaman ang lahat ay naisipan 'kong lumabas ng kwarto at pumunta sa rooftop ng hospital.

Hindi 'ko parin matanggap na kayang gawin 'yon ni Dawn sa amin. Lalo na sa kapatid ni Kleo. Pagkatapos ng lahat niyang ginawang tulong sakin sa mga panahong down na down ako hindi 'ko alam na siya pala ang nasa likod no'n kung bakit ako ganoon.

Muntikan na niyang mapatay ang kapatid ni Kleo para lang makasama niya ako. Para maagaw sa kaibigan niyang si Kleo. Hindi 'ko alam kung kaibigan pa 'ba ang itatawag sa kaniya pagktapos ng lahat.

Nag mumuni-muni lang ako dito habang naka tingin sa city lights at sinamahan pa ng malamig na hangin.

"Kamusta ka?" Agad akong napabaling sa nag salita. Si Claire pala, sinundan ako.

"Hindi 'ko alam. Hindi 'ko alam kung anong mararamdaman 'ko sa lahat ng nalaman 'ko" sagot 'ko. Dahil kung iisipin pati pag kakaibigan namin ni Claire ay muntikan ng mawala.

"Lahat tayo ay naloko ni Dawn. Magiging honest na ako sayo. Nung kasal nila Zeyla and Jake? Nung dinare niyo ako na kumandong sa kabilang table at si Kleo ang nakandungan 'ko? Na attract na ako sa kaniya" pag k-kwento nito.

"Tapos nalaman 'ko na yun pala ang alaga mo kaya naisip 'ko na madali akong makikipag kilala sa kaniya. Pero kinabukasan ay nakita 'ko siya I mean si Zil. Grabe ang kahihiyan na ginawa 'ko nung araw na iyon dahil akala 'ko si Kleo 'yon 'yun pala Kakambal niya" kwento nito at bahagyang tumawa.

"Wait, 'yan ba yung araw na umuwi sa Pinas si Cassy and Zakx?" Tanong 'ko dito. Tumango ito at ngumiti.

"Na kwento ni Cassy na may Bf siya na Zil ang pangalan. Hindi kaya?" Tanong 'ko dito. Baka mamaya ay iisang tao ang nagustuhan nila.

"Tama ang iniisip mo, Yuni. That time Boyfriend ni Cassy si Zil" sagot nito kaya natakip 'ko ang aking bibig.

Omg.

"Kaya tinigilan 'ko na si Zil no'n. Kaso lang, nag kahiwalay sila" sabi nito.

"Bakit?" Tanong 'ko dito.

"Ikakasal na si Cassy" sagot nito.  Lalo akong nagulat sa sinagot nito.

Gano'n na 'ba ako katagal nawala?!

"Sino ang mapapangasawa niya? Maayos 'ba o ano?" Tanong 'ko dito.

"Hindi 'ko kilala eh ang alam 'ko arranged marriage ang naganap" sagot nito. Pamilya niya na naman ang nasunod sa buhay niya.

"Kailan ang kasal?" Tanong 'ko.

"Wala pang date eh" sagot nito. Tumango ako at katahimikan ang bumalot sa amin.

"Minsan 'ba napag bintangan mong si Zil si Kleo?" Tanong 'ko habang hindi naka tingin.

"Oo, ilang beses na. Kaya ngayon alam 'ko na kung sino ang kausap 'ko sa dalawa. Masungit kasi si Kleo sa akin habang si Zil naman ay jolly" sagot nito. Tumango tango naman ako.

Nag usap pa kami ng nangyari sa loob ng walong buwan habang wala ako at nalaman 'ko na nasa ibang bansa pala si Marl doon daw siya nag pagawa ng sarili niyang kumpanya at ang building niya naman dito ay ginawa nalang na commercial building.

Nag kwentuhan pa kami ng kung ano-ano hanggang sa gumaan gaan ang aking pakiramdam.

"Tara pasok na tayo sa loob, masyado ng malamig baka masipon pa tayo hahaha" saad ni Claire.

"Sige mauna kana muna" sagot 'ko naman. Nginitian lang ako at pumasok na. Ayoko munang pumasok dahil alam 'kong panay sorry na naman si Kleo kahit wala naman siyang kasalanan. Ilang minuto akong naka tambay sa rooftop bago 'ko napag pasyahan na pumasok na dahil umaambon ambon ng konti.

Sakto namang pag bukas ng elevator ay ang pag labas ni Kleo.

"Hon, akala 'ko hindi ka na papasok susunduin na sana kita" saad nito.

"Umaambon na kasi kaya pumasok na ako" sagot 'ko. Bumuntong hininga ito bago lumapit at niyakap ako ng marahan.

"Sorry-"

"Ayan na naman eh, kaya ayoko munang pumasok dahil mag s-sorry ka ng mag s-sorry kahit wala ka namang ginawang kasalanan" pag putol 'ko sa sasabihin niya at niyakap 'ko siya pabalik. Buti nalang at walang tao dito sa lugar na ito.

"Kahit na, hindi kita na protektahan" bulong nito.

"Naiisip 'ko na what if hindi agad kita nahanap, tuluyan kana kayang mawawalay sa akin?" Dagdag nito at mas lalo akong niyakap ng mahigpit.

"Alam mo Hon, yung text mo na 'yon sakin hindi ako sumasang ayon. Ang nangyari lang satin ngayon ay cool off lang. Walang nangyaring hiwalayan" sabi nito at hinalikan ang labi 'ko.

"I love you" aniya

"I love you too"



Isang linggo ang tinagal ni Zil sa hospital kaya ang routine namin ni Kleo ay dadalaw kami tuwing gabi. Ngayon ang pang isang linggo kaya naman on the way na kami sa Wilton Hospital.

"Natatandaan mo 'ba Hon yung nalaman mong na hospital ako?" Tanong ni Kleo. Nag isip ako kung kailan nangyari 'yon dahil matagal na panahon ang nag daan.

"Ahh! Oo kinginang 'yan akala 'ko pa naman malala ang aksidente mo jusko tatanga ka lang pala" sagot 'ko at tumawa. Hindi na siya pwede mag reklamo dahil sa aming dalawa ako na ang amo ngayon. Ani nga niya "mukhang nabaliktad ang sitwasyon"

"Grabe ka talaga sakin. Paano kung malala yung pag kaka bunggo sakin? Makakatawa pa kaya ng ganiyan" sabi nito at ngumuso. Lumapit naman ako dito at dinampian ito ng halik.

"Ik-kiss na lang kita" saad 'ko dito at tinignan ito sa mga mata.

"Hon, baka tayong dalawa na ang mabunggo, mamaya na please. Papakasalan pa kita" saad nito kaya lalo akong tumawa. Napaka Oa talaga nito.

"Gusto 'ko mag alaga ng pusa" bigla akong sabi. Hay nako napaka random 'ko talaga.

"Gusto mo 'ba?" Tanong nito. Agad naman akong tumango ngunit agad ring umiling.

"'Di 'ba ayaw mo sa pusa? 'Wag na lang pala" saad 'ko.

"Wala na 'yon, ang pwede na ngayong kumagat sa akin at ikaw kaya hindi na ako mag papakagat sa pusa" sabi nito. Umirap naman ako, daming alam sa mundo. Pakagat 'ko pa siya sa aso eh.

Nag kwentuhan, nag asaran pa kami hanggang sa maka dating sa hospital.

Mag kahawak ang aming mga kamay habang papunta sa kwarto ni Zil.

"Wait Hon, na j-jingle ako. Mauna kana muna sa kwarto susunod ako" sabi ni Kleo.

"Sige" hinalikan ako nito bago pumunta sa banyo na tumatakbo. Tumawa naman ako sa inakto niya.

Kumatok muna ako bago buksan ang pinto. At hindi 'ko inaasahan ang bisita ni Zil.

"D-dawn..."

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum