31

87 2 0
                                    

𝙔𝙪𝙣𝙞'𝙨 𝙋𝙤𝙫

Pasado daw. Hindi ka pa nag sisimula Señorito - saad 'ko sa aking isipan.

Nasa kwarto na kami ngayon, sila nanay bumalik na sa kwarto nila. Inaayos 'ko ang banig na hihigaan si Kleo naman ay inayos ang pag kaka park ng kotse n'ya dahil inutos na rin ni tatay na ipasok sa bakuran namin.

Pagkatapos 'kong ayusin yung higaan 'ko, inayos 'ko naman yung kay Kleo. Pinapag pagan 'ko ito at inayos ang mga unan.

Sakto namang pag pasok ni Kleo ay tapos nakong ayusin ang higaan n'ya.

"Mamahinga ka na, maaga pa tayo gigising bukas" sabi 'ko dito. Ngumiti naman ito at nag simula ng humiga sa kama.

Humiga na rin ako sa banig at mag sisimula na sanang matulog ng-

"Y-yuni"

"Bakit?"

"H-hindi ako...maka tulog" sagot nito. Tumingin naman ako sa kisame.

"Pasensya na Señorito, wala kasing aircon dito samin" saad 'ko.

"No, it's okay!" Sagot naman nito.

Bumangon ako at umupo, tinignan 'ko naman ito, tinignan n'ya rin ako pabalik.

Inaantok na 'ko Kleo kung alam mo lang.

"Ano gusto mo? Ihele kita?"

"Ihele? Ano yun?" Tanong nito. Napairap na lang ako umupo sa kama 'ko.

"Ihele yung parang kakantahan ka. Ganon ginagawa sa mga bata kapag hindi sila maka tulog" sagot 'ko naman.

"S-sige" sang ayon naman nito.

Ano bang trip nito sa buhay? Ganto ba s'ya kapag walang aircon? Tumayo ako at pumunta sa gilid ng kuwarto 'ko.

Kinuha 'ko ang electric fan. Matagal 'ko na 'tong hindi ginagamit kaya hindi 'ko alam kung buo pa ito.

Sinaksak 'ko at sa kasamaang palad ay hindi gumana. Tinanggal 'ko sa pag kaka saksak at nag hanap ng pamaypay.

Bumalik na ako sa kama at tinignan si Kleo'ng naka tulala.

Ano na naman ba iniisip nito. Sinimulan 'ko ng paypayan itong bruhildo na ito at hinele.

Habang ginagawa 'ko iyon naka tingin lang s'ya sakin.

"Close your eyes na bata" sabi 'ko dito. Tumaas naman ang isang kilay nito.

"Kapag hindi ka pa natulog mayayari ka bukas. Masyado kang mapapagod kaya mag ipon kana ng lakas ngayon" sabi 'ko dito. Kumunot naman ang noo nito.

Ilang minuto pa ay naka pikit na ito at mukhang natutulog na.

Umalis na ako sa kama at ako naman ang nag paypay para sa sarili 'ko.

At natulog na rin ako dahil maaga pa kami bukas.

Naramdaman 'kong parang may mabigat na bagay sa bewang 'ko. Nang imulat 'ko ang aking mga mata nagulat ako sa nakita 'ko!

"K-kleo!"

Nakayakap sakin si Kleo!

Paanong? Dahan-dahan 'kong inali ang brasong naka yakap sa akin. Nang maalis 'ko ay dahan dahan naman akong umalis sa tabi n'ya. Gumalaw ito at parang may hinahanap. Kinuha 'ko ang unan 'ko at inilagay ito sa dati 'kong pwesto. Agad n'ya naman itong niyakap.

Hindi 'ba talaga s'ya maka tulog sa kama 'ko?

Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa kusina. Alas kwatro ng umaga, mamaya-maya ay gigising na sila nanay. Kaya naman naisipan 'kong mag luto na ng almusal.

Sakto namang pagkatapos 'ko mag hain ay gising na sila nanay at tatay.

"Good morning nay, tay! Kain na po"

"Magandang umaga din anak. Si Kleo?" Tanong ni nanay.

Ay oo nga pala nandyan pala si Bruhildo.

"Gigisingin 'ko lang po, kain na kayo" paalam 'ko at pumasok sa kwarto.

Yakap yakap parin ni Kleo yung unan na nilagay 'ko.

Nilapitan 'ko ito at ginising.

"Kleo"

"Kleo, gising na kakain na"

"Hmm" ungot nito.

"Señorito, gising na kakain na" sabi 'ko dito at inuga uga pa ito para magising.

"5 minutes..." mahinang saad nito.

"Masamang pag hintayin ang pagkain Señorito" sabi 'ko dito. Maya maya pa ay minulat n'ya na ang mga mata n'ya at tinignan ako. Nginitian 'ko naman ito. Tumingin ito sa hawak n'yang unan at nangunot naman ang noo nito.

Tumayo na ito at aayusin sana ang pinag higaan nito ng pigilan 'ko.

"Ako na d'yan, pumunta kana sa kusina. Nandun na rin sila nanay kumakain" sabi 'ko dito at kinuha ang hawak n'yang unan. Nagulat naman ako sa sunod n'yang ginawa.

Hinalikan n'ya ako sa pisngi!

"Good morning" bati nito at iniwan na ako sa kwarto. Nag init naman ang mukha 'ko.

Kalma Yuni, hindi pa s'ya nag sisimulang manligaw.

Inayos 'ko na nga ang pinag higaan namin. Ngayon 'ko lang napansin na maayos na ang kamang pinag higaan ni Kleo.

"Inayos n'ya?" Tanong 'ko sa aking sarili.

Tapos na kaming kumain at si nanay na ang nag presintang mag huhugas ng pinag kainan namin.

"Ay nako! Josephino, wala na tayong tubig!" Sigaw ni nanay.

"Sige sige. Kleo, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ni tatay kay Kleo.

"Sige po!" Sagot naman nito. Umalis na silang dalawa na may dala-dalang galon.

"Naiisip mo ba ang naiisip 'ko, anak?" Tanong naman ni nanay.

"Opo, nay" sagot 'ko dito. Tumawa naman kaming pareho at sinundan ang dalawa.

Nandito kami ngayon sa ilog. Hindi naman kalayuan sa bahay namin. Naabutan naming nilalagyan ng tubig ang galon ni Kleo.

Umpisa na.

Nakatayo lang si tatay sa isang gilid, pinapanood lang si Kleo sa ginagawa.

"Hay nako ang tatay mo talaga walang pinag babago. O s'ya anak babalik na ako sa bahay" paalam ni nanay.

Nakaka dalawa ng galon si Kleo at may dalawa pang natitira.

Nang mapuno na ang isang galon binuhat n'ya na ang dalawang galong may tubig.

Nagulat pa s'ya ng makita ako. Nginitian ako nito, nginitian 'ko rin s'ya pabalik.

Aba, nakukuha mo pang ngumiti ah.

Sinabayan 'ko s'yang mag lakad papunta sa bahay.

"Kaya pa 'ba?" Tanong 'ko dito.

"Y-yes. Parang nag eexercise lang ako oh" sagot naman nito.

Parang lang - saad 'ko sa aking isip.

Nakarating na kami sa bahay at inilagay na ang mga galon sa tabi ng lababo.

"Nako hijo, ganyan talaga ang paraan ng tatay ni Yuni kapag may nanliligaw dito" sabi naman ni nanay.

"Ang pag iigib po ng tubig?" Tanong naman ni Kleo, natawa naman kaming dalawa ni nanay.

"Umpisa pa lang 'yan anak" sagot ni nanay. Umaliwalas naman ang mukha ni Kleo.

Nag aasume na naman siguro ito.

"Sige po nay! May dalawa pa pong natitirang galon do'n. Tatapusin 'ko lang po!" Maligayang saad nito at nakuhanan pa akong kindatan.

Ay nako, tignan lang natin kung makikindatan mo pa 'ko mamaya.

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon