22

115 3 1
                                    

NAKAUWI na kami at ngayon ay nandito kami sa balcony ng bahay, nakatambay.

Tanaw na tanaw dito ang Eiffel Tower sabi ni Kleo ay may fireworks mamaya kaya kami nakatambay dito ay para panoorin iyon.

Matagal na kasi akong hindi nakakakita ng fireworks dahil tuwing bagong taon ay nasa apartment lang ako. Natutulog o kaya tinatawagan sila nanay.

"Anong oras daw ba yung fireworks?" Tanong ko kay Kleo na nakatulala sa kawalan.

Mukhang ang lalim ng iniisip nito ah.

"Señorito?" Tawag ko dito ngunit hindi niya pa ako napapansin.

"Señorito kleo?"

"Kleo!" Medyo napalakas ang boses ko kaya dun ko na naagaw ang atensyon ko.

"Yes? A-ano may masakit ba sayo o nagugutom ka? Gusto mo mamahinga ka muna" sunod-sunod na saad nito.

"O-okay lang ako señorito, ikaw ang dapat kong tanungin kung gusto mong mamahinga muna. Ang lalim yata ng iniisip mo" sabi ko dito.

Ngumiti ito at umiling.

"May iniisip lang" sabi nito.

"Ah, si Cina?" Tanong ko dito.

"No! Why should I think her?" Tanong nito sa akin.

"Baka kasi namimiss mo" sagot ko.

"Never, Alam mo naman na wala na kami kaya tumigil ka yaya ihuhulog kita eh!" Sabi nito kaya tumingin ako sa kaniya.

Wala na talaga sila ni Cina? Eh sino yung nag padala nung isang araw?

"Eh, yung package sino ang nagpadala no'n? Kung hindi na pala kayo ni Cina?" Tanong ko dito.

Hindi agad ito nakasagot at mukhang nag iisip pa ng isasagot.

Bakit kailangan niya pang mag-isip ng sagot?

"Yay-" hindi natuloy ang sasabihin nito ng may biglang pumutok.

Fireworks!

Napatayo ako sa mangha.

Ang ganda!

Grabe, parang first time kong makakita ng fireworks!

Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhan ito ng picture.

Ngayon lang ulit ako nakapanood ng fireworks at sa Paris pa!

Biglang kinuha ni Kleo ang cellphone ko at tumabi siya sa akin. Tumalikod kami sa view.

"Tanga hindi tayo makikita" saad ko.

"Okay lang, uso yon aesthetic kuno" sabi nito kaya palihim akong umirap.

Lumapit pa siya ng konti at idinukdok niya ang ulo niya sa ulo ko.

Para akong mawawalan ng hininga dahil sa ginawa niya.

Huwag kang mamula yuni sanayin mo na ang sarili mo

"One...two...three!" Kahit hindi kami kita at anino lang kami sa camera ay ngumiti parin ako.

Nakailang picture pa kami at pati sa cellphone niya ay nag picture din kami. Mas marami nga lang sa cellphone niya kesa sa akin.

Ade ikaw na maganda ang camera.

Tumigil ng saglit at maya-maya ay nag pasabog ulit.

Mas maganda ngayon kesa kanina.

"Y-yuni" tawag sa akin ni Kleo.

"Hmmm?" Hindi ko siya nilingon dahil busy ako sa pinanonood ko. Nakakaaliw!

"Yuni, i like-"

"Wahhhhj grabe ang ganda!" Sigaw ko nang mag pasabog ng sabay-sabay!

Señorito's maid (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt