28

98 2 0
                                    

ILANG araw na ang lumipas pagkatapos ng confession ni Kleo sa akin. Ngayon, talagang pinapahalata n'ya na gusto n'ya ako. Halos lahat ng gawain 'ko para sa kanya, ay ginagawa n'ya sa akin.

"Yuni, anong gusto mong kainin?" Tanong nito sakin pagkatapos mag linis ng bahay.

"Maupo ka muna, Señor-" he cut me off.

"Uhh, uhh, uhh, I said call me by my name" sabi nito.

"Kleo, mamahinga ka muna ako na bahala sa dinner" sabi 'ko dito at pinaupo s'ya.

"No-" ngayon naman ay s'ya ang hindi 'ko pinatapos sa pag sasalita.

"Shh, mamahinga ka d'yan, ilang araw ka ng ganyan. Ako na yata ang amo at ikaw ang katulong eh." Sabi 'ko dito. Umupo naman s'ya sa tabi 'ko.

"Ginagawa 'ko 'yan kasi para naman mabawasan yung gawain mo. Tsaka kaya 'ko naman, big boy nako 'no" sabi nito at ngumiti pa.

"Big boy na daw pero may yaya" sabi 'ko dito at tumayo. Pupunta na'ko sa kusina para makapag luto.

"Yaya na soon to be my girlfriend" sabi nito at kumindat.

"Ulol" bulong 'ko.

Habang nag luluto ako ay may biglang yumakap sakin patalikod.

"Hmmm, ang bango naman n'yan" bulong ni Kleo na s'yang nakapag patayo ng balahibo 'ko.

"Syempre luto 'ko 'yan e" proud na sabi 'ko dito. Dapat maging proud ka sa luto mo. Kahit nasobrahan pa yan sa betsin.

"Maluluto na'to umupo kana" sabi 'ko dito at pilit kinakalas ang mga brasong nakapalupot sa akin.

"Noooo" bulong nito at mas lalo pang hinigpitan ang pag kaka yakap sa akin. Wala na akong nagawa kundi hayaan s'ya.

Nakaluto at nakahain na ako ngunit ito parin s'ya at nakayakap parin s'ya sakin.

"Kleo hindi kaba nangangawit d'yan?" Tanong 'ko dito habang nilalagyan ng tubig yung dalawang baso.

"No"

Iisa lang ang sagot n'ya sa lahat ng tanong 'ko.

NO

"Ikaw ba nangangawit kana?" Tanong nito.

Oo kanina pa.

"N-nagugutom nako" sagot 'ko agad-agad naman s'yang kumalas at pinaupo ako. Nilagyan n'ya na rin agad ng ulam yung pinggan 'ko.

"I'm sorry, ito oh kain kana" sabi nito at umupo rin sa katabi 'kong upuan.

Nag simula na kaming kumain. Maya-maya ay nag salita si Kleo.

"Yuni, kailan mo gustong umuwi sa Pilipinas?" Tanong nito sakin habang kumakain.

"Hmm, ikaw ang bahala, Kleo, bakit ako ang mag dedesisyon?" Sagot 'ko dito at tumawa ng bahagya.

Hawak 'ko ba pera n'ya? Pambili ng ticket pauwi?

"Yes, ikaw ang mag dedesisyon" sabi naman nito kaya tumingin ako sa kanya, seryoso naman s'yang naka tingin sa akin.

"Hindi naman sa minamadali kita, gusto 'ko lang kasing mag paalam sa nanay at tatay mo" dagdag pa nito.

"Mag papaalam? Saan?" Tanong 'ko dito. Bakit naman s'ya mag papaalam?

Bumuntong hininga muna ito bago sumagot. "Mag papaalam akong manligaw sayo" sagot nito, bigla naman akong natawa sa sinagot nito.

"Hey, what's funny?" Taas kilay na tanong nito.

"Ha? Hahaha. Hoy Kleo Zil, naranasan mo na bang manligaw?" Tanong 'ko dito at tumawa ulit.

Hindi nako makakain ng maayos dito.

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now