4

203 7 0
                                    

TATLONG araw na ang nakakaraan nang mangyari ang aksidente na iyon.

Ipinaalaman ko na din kay ma'am wena ang nangyari dahil hindi mapapanatag ang loob ko kapag hindi ko sinabi ang nangyari sa anak niya.

Sinabi ko sa kanya na wag na lamang banggitin kay kleo dahil panigurado ay ako ang malalagot.

Wala siya ngayon sa bahay kaya ako lang ang mag-isa sa bahay.

Kaming dalawa lang ang nakatira dito sa bahay, walang ibang mga kasambahay sila ma'am wena.

Nag papaalam naman sa akin si bruhildo kung ito ay aalis o sa'n sya pupunta. Simula nung naaksidente sya ay nag papaalam na ito. Nadala na siguro, aba dapat lang.

Nag lilinis ako ngayon ng kwarto ni kleo. Hindi naman sya madumi at magulo. Ma organize din sya sa mga gamit niya. Pinunasan ko na lang ang ibang mga sulok ng kwarto at nag walis.

Nang itatapon ko na ang basura ay may nahulog na papel.

Binuklat ko ito ngunit wala namang naka sulat kaya inilagay ko na ulit ito sa trash bag.

Pababa na ako ng hagdan ng may mag doorbell. Pumunta ako sa pinto at binuksan ito.

"Uy dawn, napadalaw ka?"

"Ah hi, oo eh kabored sa bahay"

"Pasok ka, pasok ka" binuksan ko ng maigi ang pinto pumasok naman ito.

"Wala dito si kleo, may pinuntahan" sabi ko dito.

"Akala ko nga kasamahan mo sya" dagdag ko.

"Ow, saan siya nag punta? Ilang araw din kaming hindi nag kakausap kaya pinuntahan ko siya rito" sabi nito at umupo sa sofa.

"Akala ko ikaw yung kakulitin niya tuwing gabi, ang ingay nga eh"

Tumahimik naman ito at nag isip-isip.

"Anyways, mamaya-maya nandiyan na si kleo. Pumunta lang sa mall" sabi ko dito.

"Ah sige hihintayin ko na lang siya dito. Ano bang gagawin mo diyan sa trash bag?" Tanong nito.

Nakalimutan ko na may dala pala akong trash bag!

"Ah itatapon mga basura toh ni kleo, e bigla ka kasing dumating kaya inuna muna kita" sagot ko.

"Naabala pa kita" sabi nito.

"Nako hindi, hindi mo ko naabala. Pagkatapos nito ay manonood na lamang ako ng t.v dahil wala na akong gagawin bukod sa pag luluto ng hapunan mamaya."

Tumayo ito at lumapit sa akin.

"Akin na ako na ang mag tatapon" sabi nito at kinukuha sa akin ang trash bag.

"Nako hindi na, nakakahiya maupo kana lang doon at manood ng t.v" sabi ko at inilalayo sa kanya ang trash bag.

"No ako na, naabala kita kaya ako na ang mag tatapon niyan" sabi nito at pilit kinukuha nito sa akin.

Ang ending nalaglag yung trash bag.

"Tsk, sabi ko sayo ako na. Ikaw nalang ang manood ng t.v ako na dito" sabi nito at kinuha na ang trash bag. Wala na akong nagawa kaya pumunta ako sa sala at binuksan ang t.v wala na kasi akong gagawin.

Bumalik naman agad ito at tumabi sa akin.

"Mahilig ka pala sa romance" sabi nito.

"Yep, sobra" sagot ko naman.

"Teka, kukuha lang ako ng pagkain" paalam ko at pumunta na ako sa kusina.

Kumuha ako ng ilang junk foods at juice. Nilagay ko ito sa isang tray at pumunta na ulit sa sala.

DALAWANG oras na ang nakakaraan ngunit wala pa si kleo. Natapos na rin namin yung pinanonood namin at ngayon ay nag k-kwentuhan na lamang kami ni dawn.

Marami na rin akong nalaman tungkol kay kleo. Takot siya sa pusa dahil nung bata daw ito at kinagat daw ito at grabe daw ang takot ni kleo sa pangyayaring iyon. Ikinuwento ko nga ang nangyari nung isang araw na may naligaw na kuting sa kwarto niya at takot na takot kako si kleo. Tawa naman ng tawa si dawn.

At nalaman ko rin na may girlfriend ito.

"Akala ko nga si els yung girlfriend eh" sabi ko dito.

"Nako po iyon? Yung dalawa na yon? hahahahah asa. Aso't pusa nga yung dalawang iyon. Bata pala kaming ay mag kakaibigan na kaming tatlo kaya kilalang-kilala na namin yang ugali ni kleo. Masama talaga, pero mabait naman siya sadyang sa ugali niya e ganoon." Sabi nito.

"Nasasanay na nga ako e, isip bata nga para sa akin" natawa naman ito sa sinabi ko.

"Siguro hindi mo pa alam" sabi nito kaya nangunot ang noo ko.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Na may company si kleo" sagot nito. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

Shuta, nag t-trabaho na pala ito akala ko nag aaral pa! Sa sobrang pag ka isip bata e hindi ko nalalaman na nag t-trabaho na pala ito.

"Talaga? Grabe hindi ko alam. Sa bagay ayaw niya namang ipaalam pati nga pangalan nya ay ayaw niyang ipaalam narinig ko lang sainyo ni els yung pangalan niya kaya nalaman ko" kwento ko.

"Grabe naman yon, pero siguro dahil hindi ka pa niya lubusang nakikilala. Pero yuni, mabait si kleo. Gago nga lang" sabi nito at sabay kaming natawa.

Bigla Namang bumukas ang pinto at kaya tumigil kami sa pag tawa ni dawn at tumingin kami sa biglang pumasok.

Nandito na pala si bruhildo.

"Sup bro!" Bati ni dawn

Tinignan lang siya ni kleo at nag deretso sa kwarto nito.

"Tss, may sapak na naman" bulong ko.

"Always naman e hahahah, puntahan ko lang siya. Mag luto kana rin baka hindi pa kumakain iyon" sabi nito at umakyat na sa kwarto.

Pumunta na ako sa kusina at inilabas na sa ref ang mga sangkap dahil ang lulutuin ko ay sinigang.

Nag papalambot ako ng baboy ng may tumawag sa cellphone ko.

Unknown number

Sino naman ito?

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?" Bungad ko.

Hinintay ko na may mag salita sa kabilang linya ngunit wala akong nadidinig ni hinga.

"Kung scam toh, tigilan mo ako wala kang mapapala sa akin" sabi ko dito at binaba ang tawag. Iba na talaga ang panahon ngayon delikado na.

Nag patuloy ako sa pag luto.

Someone's pov

Babae?
Bakit may phone number siya sa bag niya?
Mukhang hindi niya naman ito kliyente.
Bakit parang narinig ko na ang boses na ito.

-khyznara

Omggggg

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now