23

123 3 0
                                    

HINDI ko alam kung maganda ba gising ko o pangit. Dahil ala-singko palang ng umaga ay ginising na ako ni Kleo!

Nung una ay hindi agad ako bumangon dahil baka mamaya ay niloloko lang ako nito. Pero nung yugyugin niya ako ng napakalakas ay dun na kaming nag simulang...

Mag hampasan ng unan. Hanggang sa mag sawa kami.

Ngayon ay nandito kami sa isang pasyalan din sa Paris, iilan lang ang mga tao dito dahil masyado pa ngang maaga.

Musée Rodin.

Maraming mga bulaklak at halaman dito. Kumabaga isa siyang garden.

Ang ganda at ang tahimik pa. Kung gusto mo na mapayapa na lugar ay dito ka lang pumunta.

Kaya hanggat nandito kami ni Kleo at patuloy niya parin akong binabangayan, dito lang ako pupunta.

6:30 na ng umaga at may konting araw na rin. Hindi ko alam kung anong next na plano ni Kleo pag nag sawa na kami dito.

"Yuni, saan mo gusto pumunta next?" Tanong nito sa akin.

Tutal hindi pa kami nag b-breakfast dahil nag mamadali kaming pumunta dito. Hindi ko alam kung bakit.

"Hmm, gantong oras bukas naba yung cafe ni Dawson?" Tanong ko dito. Tinignan niya naman ako at nakita ko pa itong umirap.

Ano na naman bang inaarte nito?

"Oo, bakit?" Sagot at tanong nito sa akin.

"Dun muna tayo mag breakfast nagugutom na ako Señorito" sagot ko dito.

Tinitigan pa ako nito at nag buntong hiningang umiwas sa akin.

Bakit parang araw niyang pumunta? Okay naman sila kahapon ni Dawson ah?

"Yaya, sa iba na lang tayo mag breakfast o kaya kung gusto mo pag luluto kita" sabi nito.

Pag luluto kita
Pag luluto kita
Pag luluto kita

Umiling ako at bumuntong hininga. 'Wag mong lagyan ng malisya yuni, baka ayaw lang ng taong pumunta doon.

"Ayaw mo bang pumunta doon? Nag ka tampuhan ba kayo ni Dawson?" Tanong ko dito.

"What? Hindi naman kami nag ka tampuhan ni dawson" sagot nito.

"E, bakit parang ayaw mong pumunta doon?" Tanong ko dito.

Tumayo ito at hinawakan ang kamay ko.

"Let's go"

"Teka saan tayo pupunta?" Tanong ko

Nasisinagan ng araw ang mukha ni Kleo at kitang-kita ko ang pag ka seryoso nito.

"Pupunta na tayo, bakit ayaw mo naba?" Tanong pabalik sa akin.

"Señorito" tawag ko dito.

"What?"

Umiling na lang ako at kinuha ang kamay ko na hawak-hawak niya.

Gusto ko lang namang matikman ulit yung kape at tinapay doon. Tapos parang pilit pa ang pag payag ng kasamahan ko syempre ang masusunod,siya, siya ang amo ko e.

Hinabol niya naman ako at hindi pa ako nakakalabas sa lugar ng hinawakan niya ulit ang kamay ko at patakbo kaming umalis doon.

Nag-taka ako kung bakit kami tumatakbo pero nakisabay na lang din ako sa trip nito.

Nasa loob na kami ng sasakyan at hindi parin kami umaalis.

"Señorito, kung ayaw niyo pong pumunta ay okay lang po" sabi ko dito at tinignan ito. Nakatingin ito sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon