41

84 1 0
                                    

"Els"

Hindi 'ko akalain na makikita ko ngayong araw si Els. Matured na matured na siya'ng tignan at malaki na ang tiyan niya. Ngumiti ito sa akin.

Naka upo ako ngayon at si Els ang nasa harapan 'ko. Umiinom ng kape na inorder niya.

"Nabalitaan 'ko yung nangyari" simula nito. Ngumiti naman ako ng mapait.

"Humihingi ako ng tawad sa nagawa ni Kleo, Yuni"

"Ano ka 'ba, past is past. Kamusta ka?" Tanong 'ko at ngumiti sabay higop ng kape. Siya kaya kamusta na? Walong buwan na ang nakakaraan. Wala na rin kasi akong balita sa kanya.

"Babalik ka pa 'ba?" Tanong nito sa akin. Kumunot naman ang noo 'ko. Saan? Sa kaniya or sa lugar?

"I mean, babalik ka pa 'ba sa lungsod? Hinahanap ka sakin ni Marl hindi 'ko naman siya masagot dahil pati ako hindi 'ko alam kung nasaan ka" dagdag nito. Lalong kumunot ang noo 'ko nang mabanggit niya ang pangalan ng kaibigan 'ko.

Paano sila nag kakilala?

"Kilala mo si Marl?" Tanong 'ko dito. Umiwas naman ito ng tingin at uminom ng kape. Nakaligtas siya sa sagot 'ko dahil may pumasok na customer kaya inasikaso 'ko muna ito.

"Saglit lang" paalam 'ko nginitian naman ako nito.

Pagkatapos 'kong asikasuhin ang customer ay bumalik ako kay Els.

"Mabalik tayo, paano kayo nag kakilala ni Marl?" Tanong 'ko ulit.

"Sa bar" sagot nito.

"By the way, simula pala nung nawala ka pati si Dawn hindi na rin nag pakita. Mag kasama 'ba kayo?" Tanong nito sa akin at tinitigan ako.

Hindi 'ba nila alam na mag kasama kami ni Dawn? Hindi niya sinabi. Anong rason? At anong isasagot 'ko?

Sasagutin 'ko na sana nang may tumawag sa cellphone niya.

"Excuse me" tumayo ito at lumabas saglit. Ang laki na talaga ng tiyan niya. Sino kaya ang ama? Tanungin 'ko pag kabalik niya.

Ilang minuto ang lumapas pumasok na ulit siya. Mukhang nag mamadali.

"I need to go na, Yuni! Pupunta na lang ulit ako bukas dito! Babye" paalam nito at hinalikan ako sa pisngi. Hindi na ako nakapag sabi ng "babye" sa kaniya dahil masyado siyang nag mamadali.

Nilinis 'ko ang lamesang pinag kainan namin at bumalik na ako sa trabaho.

Malaki ang sweldo 'ko dito kaya sulit narin ang pagod.





Tapos na ang shift 'ko at tinext 'ko na si Dawn na pauwi na ako. Lagi niya kasi akong sinusundo dahil kahit anong oras naman daw siya pwedeng lumabas pasok sa trabaho niya. Palibhasa siya ang may ari. Siya ang may ari ng isang sikat na clothing brand dito sa lugar.

Agad naman itong nag reply ng "otw, wait for me, babe"

Lagi niya akong tinatawag na babe, wala naman kaso sa akin 'yon dahil dito sa lugar na ito sikat siya daig pa ang artista at maraming nakakakita na mag kasama kami kaya maraming nag aakalang mag karelasyon kami. Kaya itong mokong ito sinasakyan rumors. Tinatawag niya akong babe sa public minsan naman kahit kaming dalawa lang. Nasanay lang daw siya.

Habang hinihintay 'ko siya ay may tumabi sa aking lalaking misteryoso. Lumayo ako dito pero lumapit ito. Lumayo ulit ako peo lumalapit parin siya sa akin. Nag sisimula na akong matakot kaya nag lakad na ako ng mabilis malayo lang sa lugar na iyon. Nang tignan 'ko ang likod 'ko ay naka sunod parin siya sa akin! Tumakbo ng mabilis sa abot ng makakaya 'ko!

Wala pa namang tao sa lugar. Kung saan-saan na akong sumuot maligaw lang siya pero pati ako naliligaw na rin! May napasok ako na mukhang pribadong lugar. Isa itong dagat pero may ubod na malaking bahay ang naka tayo sa gawing kaliwa. Tinignan 'ko ulit may sumusunod parin siya sa akin. Nang tignan 'ko mas lalo akong nangamba dahil kung kanina ay isa ngayon DALAWA NA! Wala akong choice kung hindi ay pumunta sa bahay na 'yon at humingi ng tulong.

Habang tumatakbo ako ay nadapa pa ako sa buhanginan. Nagasgas ako pero hindi 'ko ito ininda. Gasgas lang 'yan magagamot parin 'yan pero paano kung mahuli ako nang dalawang GAGO 'DI 'BA?! Bumalik ako sa pag takbo hanggang sa nakaabot ako sa pinto ng bahay.

"Tulong!! Tulungan niyo po ako!!!" Sigaw 'ko at kinakalabog 'ko na halos ang pintuan.

"Tulong!!" Halos mag makaawa na ako sa sigaw 'ko dahil malapit na sakin ang dalawa at tumatawa pa ito.

Sisigaw at kakatok na sana ulit ako nang-

𝗗𝗮𝘄𝗻'𝘀 𝗣𝗼𝘃

Natagalan ako ng konti sa byahe dahil sobrang traffic. Halos 30 minutes siguro akong nasa byahe. Nandito na ako sa lugar na kung saan susunduin 'ko si Yuni pero wala siya dito. Kinakabahan ako pero inisip 'ko na baka may binili lang siya. Tinext 'ko siya na nandito na ako. Nag hintay pa ako ng ilang minuto pero hindi parin bumabalik si Yuni.

"Nasaan siya?" Tanong 'ko sa sarili 'ko. Nag simula na akong mag panic kaya sumakay na ulit ako sa sasakyan at habang nag hahanap sa lugar tinatawagan 'ko ang number ni Yuni. Nag riring ito pero hindi niya sinasagot!

"Fuck shit" mura 'ko at nag hanap nag babakasaling makita siya sa daan. Baka kasi sa sobrang tagal 'ko ay nainip na 'yon at nag lakad na. Sana ganoon ang nangyari dahil may dalawang tarantadong nag lilibot sa lugar na ito at ang ginagawa nila ay mang kidnap ng babae maraming nag sasabing mga rapist iyon at pagkatapos gawin ang gusto nila sa babae ay lulunurin naman daw sa dagat. Kinabahan ako sa nasa isip 'ko dahil hanggang ngayon hindi 'ko parin siya makita.

"No,no,no" nag papanic na ako. Triny 'kong tawagan ang cellphone niya. Naka tatlong ring ito bago sagutin. Agad 'kong nilapit sa tainga 'ko ang cellphone.

"Hello Yuni? Where are you? Nag aalala na ako nasaan ka? Are you okay? Where are you pupuntahan kita."

Walang sumasagot sa kabilang linya kaya lalo akong kinabahan ng sobra pinag papawisan narin ako.

"Yuni, babe please answer me"

"Fuck off" saad ng sa kabilang linya. Bigla 'kong nahinto ang sasakyan 'ko dahil sa narinig. Hindi si Yuni ang sumagot. Pero kilala 'ko ang boses.

"Nasaan ka? Ibigay mo sakin si Yuni!" Sigaw 'ko ngunit pinatayan lang ako. Tinawagan 'ko ulit ito pero hindi 'ko na macontact!

"Tangina!" Sigaw 'ko sa loob ng sasakyan at ginulo ang buhok 'ko.

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now