25

106 3 0
                                    

NANDITO na kami ni Kleo sa party at iniintay na lang namin sila Dawn and Dawson.

"Kleo!" Sigaw nang tumatakbong lalaki papunta sa gawi namin.

"The f*ck, wala kang pinag bago napaka ingay mo parin" saad ni Kleo at niyakap ang lalaki.

Siya siguro yung 'mayor'

"Uy, girlfriend mo pre?" Tanong nito kay Kleo at tumingin ito sa akin. Nag iwas naman ako ng tingin.

Hindi niya ba alam na may girlfriend na si Kleo? O hindi niya pa nakikita?

Lowkey genern?

"U-uhm y-" hindi natuloy ang sasabihin ni Kleo nang may biglang umakbay sa akin.

"Nandito kana pala" tinignan ko ang nag salita at si Dawn ito!

Ang gwapo niya! Lalo siyang gumagwapo kapag naka formal attire siya. Nasa likod niya naman si Dawson kinawayan niya naman ako kaya kinawayan 'ko siya pabalik.

"Owwwww... haha I thought gf ni Kleo yan, gf mo ba yan?" Tanong nito kay Dawn.

P*cha lasing ba ito? Lahat nalang na pag kakamalan akong gf ng kasamahan ko baka mamaya si Dawson na ang sunod.

"Mano naman kung kay Dawson eh may nililigawan nyan na manhid hahaha" sabi nito sabay tawa.

"B*gok ka talaga" sabi ni Dawson. Hindi parin sinasagot ni Dawn ang tanong. Sana maiba na ang usapan.

"Ah ano pasok na tayo? Nagugutom na kasi ako e" saad ni Dawson.

Isa ka talagang Anghel Daws.

"Sus nagugutom baka kamo alak na alak kana!" Sabi nung kaibigan nila Kleo at inakbayan ang kapatid ni Dawn.

"Let's go" sabi ni Kleo sabay hatak sa akin papalayo kay Dawn.

Wow bahay pa ba ito? Mukhang palasyo eh!

Pag pasok mo may red carpet ang bubungad sayo at doon kayo mag lalakad sa gitna ng maraming tao, may harang din sa gilid para hindi matabunan ang red carpet. May nakatapat naman na ilaw sa harap ng bahay nila.

Nandito kami ngayon sa loob ng bahay nila dahil masyadong magulo na sa labas sabi ni Kleo kaya ito nasa loob kami.

Kumakain kaming tatlo dahil si Dawson ay lumabas dahil may nakalimutan daw siya sa sasakyan habang si Jayzee naman ay lumabas dahil may dumating na bisita.

Kaya ito ang awkward naming tatlo wala sa kanila ang umiimik.

"Uhm Dawn kailan ka pala uuwi sa Pilipinas?" Tanong ko dito.

"Pinag iisipan ko pa kung kailan ako uuwi eh, kayo ba kailan?" Tanong nito sa amin kaya tinignan ko si Kleo.

"Kung kailan gusto ni yaya" sagot nito at pinag tuunan ng pansin ang pagkain.

"Ganon ba eh kung sumabay nalang kaya ako sainyo pauwi?" Tanong nito sa akin.

Nagulat naman ako ng biglang ibinagsak ni Kleo ang kutsara't tinidor.

"Mag tatagal pa kami dito baka hinahanap kana rin nila tita, mauna kanang umuwi" sagot nito at masama ang tingin nito kay Dawn.

Ito na naman siya.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sakin? Ano bang nagawa ko sayo?" Tanong naman ni Dawn.

"Hoy ano ba tumigil nga kayo! Ano ba kumakain tayo tapos ganyan yung inaasal niyo!" Tigil ko sa dalawa dahil alam ko na ang ibubuga nitong si Kleo.

Tumayo si Kleo at iniwan kaming dalawa ni dawn.

"Sorry Yuni, hindi ko lang alam kung bakit ganon ang asal ni Kleo sakin, pati na rin sa kuya ko" sabi nito sa akin. Ngumiti naman ako ng konti.

"Okay lang, hindi 'ko rin alam bakit ganon na lang ang pakikitungo sayo ni Kleo. Parang bobo lang" sabi 'ko dito at tumawa naman kaming dalawa.

Ano kaya ang nangyari at bakit ganon na lang ang trato ni Kleo kay Dawn? Kausapin 'ko nga mamaya pag-uwi.

Tinapos na namin ni Dawn ang pagkain at nag kwentuhan nalang kami pagkatapos.

"Ay oo nga pala may magandang spot dito sa bahay nila Jayzee dun kasi ang tambayan namin dati nila Kleo" sabi ni Dawn.

"Talaga? Saan? Pwede ba natin puntahan?" Tanong 'ko dito.

"Oo naman, tara" aya nito sabay kuha ng kaliwa 'kong kamay.

Umakyat kami sa ikalawang palapag at may pinasukan kaming isang kwarto. At tumambad naman saamin ang isa pang hagdanan pataas.

"Kami-kami lang kasi ang nakakaalam ng lugar na yon" sabi nito habang paakyat kami.

Isang pinto ulit ang tumambad sa amin kaya binuksan na ito ni Dawn. Malamig na hangin ang sumalubong sa aming dalawa.

Nasa rooftop na pala kami.

May mga upuan pa dito. Halatang tambayan talaga nila.

"Tuwing stress ako, dito lang ako pumupunta" sabi nito habang nakatingin sa view.

"Wowww, kita pala dito ang Eiffel Tower!" Namamangha 'kong saad. Agad 'kong kinuha ang cellphone 'ko at kinuhanan ito ng litrato.

"Ang ganda dito, parang ayaw 'ko ng bumaba HAHAH" sabi 'ko kaya natawa naman ang kasamahan 'ko.

"Cute" bulong nito.

"Yuni" tawag ni Dawn sa akin kaya tumingin ako sa kanya.

"Hmm?"

"Hindi naman ganon si Kleo dati sa mga kasambahay, ibang-iba talaga yung trato n'ya sayo" sabi nito. Kaya kumunot naman ang noo 'ko.

"Hay nako Dawn, hindi mo sure" sabi 'ko dito sabay iwas ng tingin.

"Sure ako. Alam mo bang nakakaanim na yan na yaya, at ikaw ang pang anim. Kadalasan sa mga nagiging yaya niya ay hindi tumatagal ng isang buwan. Himala na lang ang tumagal ng dalawang linggo" sabi nito.

Naguguluhan naman ako sa sinasabi nito. Bakit gusto niya ba akong mag resign?

"Bakit mo naman sinasabi sakin yan? Gusto mo ba akong mag resign?" Tanong 'ko dito at tumawa naman ito.

Umiling ito bago mag salita "Ayoko siyang pangunahan Yuni. Pero nakakahalata na ako" sabi nito kaya lalong kumunot ang noo 'ko.

Lasing ba 'to?

"Hindi talaga kita maintindihan" sabi 'ko dito.

"Kung ayaw niyang mauna, pwes ako na ang mauunang mag sabi" sabi nito sa akin at tinitigan ako.

"Yuni"

Kleo's Pov

Lumabas ako at iniwan sila Yuni at Dawn sa loob. Baka hindi 'ko mapigilan sarili 'ko at sugurin yang epal na yan.

Hindi 'ko alam bakit naiinis ako ng ganon. Lalo na pag nilalapitan niya si Yuni AT LALO NA KAPAG HINAWAKAN NIYA parang gusto 'ko na lang siyang biglang sapakin sa tuwing hahawakan niya si Yuni.

Umiinom ako ng beer habang nakatingin sa mga nag sasayawan. Halos lahat ng tao dito ay kilala 'ko kaya maraming bumabati sa akin, pero wala akong sa mood na batiin sila pabalik. Well hindi 'ko naman talaga sila binabati kahit kailan.

"Dude nag iisa ka dyan, nasan sila Yuni and Dawn?" Tanong ni Jayzee. Narinig 'ko na naman ang pangalan na yan.

Hindi 'ko siya sinagot ang tinungga na lamang ang hawak kong beer.

"Kleo, may problema ba kayo ni Dawn?" Tanong nito. Hindi 'ko ulit sinagot ito. Wala akong sa mood. Gusto kong manapak, kaya kapag hindi tumigil 'to siya ang masasapak 'ko.

"Wala ka talagang pinag bago" sabi nito at iiling-iling na tumawa.

"Ilang buwan o taon o linggo o araw o ilang minuto na kayong mag kakilala ni Yuni?" Tanong nito sa akin.

"5 months" sagot 'ko.

"Wow ang tagal nyo na palang mag kakilala" sabi naman nito.

"Pero sa tingin ko may gusto si Dawn kay Yuni, ano sa tingin mo pre?" Tanong nito sakin kaya napipi 'ko na ang hawak kong beer.

Dahil totoo ang hinala ni Jayzee

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon