10

153 4 0
                                    

"ANG tagal mo naman mag cr" bungad ni marl.

"May nakita kasi akong kakilala ko kaya ayun medyo nag kwentuhan" sabi ko. Hindi ko sinabi na si kleo dahil mainit pa naman ang dugo ni marl kay kleo.

"Yuni! Marl, halika kayo kumain muna kayo bago tumungga" sabi ni zeyla at binigyan kami ng pagkain.

"Nag abala kapa, pwede naman kaming kumuha. Bait mo talaga" sabi ni marl at kumain na.

"Hindi nga ako mabait marl" sabi naman ni zeyla at tumawa silang dalawa.

Ako? Tamang kain lang ako dito habang iniisip kung paano ko sasabihin kay marl na hindi ako makakauwi sa condo niya dahil nag sabi na si kleo.

Tuwing mag d-day off kasi ako ay kila marl ako natutulog. Kung hindi man sa condo ay sa bahay naman nila. Tuwang-tuwa ang mama niya non tuwing nakikita niya ako.

Akala niya nga asawa ako ni marl e.

Natapos ko nang kainin at nabusog naman ako. Wala akong sa mood uminom lalo na't nasa paligid lang ang bruhildo.

"Yuni, halika na" aya ni claire. Kaklase din namin na ubod ng lakas uminom.

"Pass muna, may gagawin pa ako bukas e" sabi ko.

Iinom sana ako kaso medyo nawawala ako sa sarili kapag nalasing. Tapos nandyan pa yung alaga ko.

"Umiinom na naman pala yun" bulong ko at napahilamos sa sarili.

"Huh? Halika na kasi. Kahit soju lang" pamimilit nito. Wala talaga akong takas sa babae na to.

"Sige na nga"

"Yey halika nandun sila carla" hinawakan niya ang braso ko at hinigit ako.

"Yunia!" Tawag ni zeter sa akin na mukhang lasing na.

"Pre yuni hindi yunia" pag tama naman ni marl.

"Sino na naman si yunia zeter" dagdag pa nito.

"Yuni ba pare akala ko yunia" sabi ni zeter

"Lasing ka lang, tigilan mo na yan baka mag sabog kapa sa kasal ko!" Sabi ni zeyla.

"Hindi ako lasing kaya you shut down" sabi ni zeter at nilagay niya ang isang daliri niya sa bibig.

"You shut down SHUT UP YON!" Sigaw naman ni marl.

Tumabi naman ako kay marl at sa pwesto naman pala no'n ay kitang-kita ako ni kleo.  Lilipat na sana ako ng pwesto pero mga naka upo na silang lahat.

"Yuni, oh alam mo namang namiss ka namin" sabi ni haston. Kinuha ko naman ang baso at tinungga ito. Pag ka baba ko ng baso ay nakita kong nakatingin sa akin si kleo.

Masama ang tingin nito sa katabi ko...kay marl.

"Hoy kayong dalawa yuni at marl e kailan ba ang kasal?" Tanong ni maesis. Nag ka tinginan naman kaming dalawa ni marl.

Mag sasalita sana ako ng mag vibrate ang phone ko.

Bruhildo:

Masyado kayong maingay. Naiinis ako.

Text nito sa akin tumingin naman ako sa gawi niya at sabay no'n ang pag baba ng cellphone niya sa table.

"Tanga busted nga ako dito eh" sagot ni marl.

"Gago ka kasi kaya ka binusted" sabi ni jake.

"Mas gago ka jake, ginayuma mo lang si zeyla eh" sabi naman ni marl.

"Muntik ko na ngang sagutin yan e" sabat ko sa usapan.

Tumingin naman sa akin ang lahat. At kahit hindi namin siya kasama sa table ay pati siya napatingin. Si kleo.

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon