5

206 6 0
                                    

"Yuni..."

"Yunii!"

"Yuni 'wag mo kong iwan!"

"Yuniiiiii!!!!"

"YUNII!" nagising ako sa isang malakas na sigaw.

"Fvck, are you okay??" Tanong sa akin ni bruhildo. Anong klaseng panaginip yon? Sino, sino yung babae na yon?

"Hey yaya! Dadalin na kita sa hospital kapag hindi mo ako sinagot!" Sigaw ng tao sa harapan ko.

"Wala, binangungot lang ako. Ikaw kasi" sabi ko dito at tumayo na.

"Ako pa ang may kasalanan ngayon buti nga ginising pa kita eh!"

"Mag ayos kana nga aalis tayo may tulo laway kapa" sabi nito sabay alis sa kwarto ko.

Pano nya nabuksan yung pinto ng kwarto ko? E lagi ko naman itong nilolock.

"Hay nakoooooo" nag unat muna ako bago kumuha ng tuwalya at lumabas.

Pupunta na sana ako sa cr ng tawagin na naman ako ni señorito.

"Yayaa!"

"Ano ba?! Maliligo lang ako!" Sigaw ko dito.

Hindi ko na hinintay yung sasabihin nito at pumasok na ako sa banyo.

Tapos na akong maligo at nakapag bihis na rin ako. Pinusod ko na lang ang buhok ko.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Kakatok na sana ako sa kwarto ni kleo ng biglang bumukas ito. Mukhang nag mamadali.

"Sorry, hindi tayo matutuloy may importante lang akong pupuntahan" sabi nito at nag mamadaling bumaba.

"Teka señorito saan ka pupunta?" Sigaw ko dito ngunit naka labas na ito ng bahay.

Tinignan ko naman ang damit na suot ko.

"Sayang naman tong outfit ko na toh kung hindi mailalabas" bulong ko.

Naisipan kong mamasyal kaya lumabas ako ng bahay at nilock ito. Tutal wala naman na akong gagawin. Gawin ko nalang day off.

Nag hanap ako ng masasakyan ng may pumarada na kotse sa harapan ko. Bumaba naman ang bintana nito at nagulat ako kung sino ito.

"Marl!"

Kaibigan ko siya ng college at muntikan ko na rin siyang maging boyfriend. Nanligaw kasi siya at nung sasagutin ko na tsaka ko naman nalaman na gago siya.

"Yuni! Long time no see, lalo kang gumanda" sabi nito.

"Sus, wala kang pag babago bolero pa rin" sabi ko dito at inirapan.

"Saan ba punta mo? Hatid na kita o kaya samahan na rin kita"

"Ah mamasyal lang, day off ko kasi eh. Wag mo nakong ihatid o samahan baka may pupuntahan ka" sagot ko.

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now