2

246 6 0
                                    

DALAWANG buwan na ako dito sa bahay ng pamilya Buenavista. Minsan may dumadalaw na kamag-anak ni bruhildo at minsan naman mga tropa nitong kay popogi. At minsan na rin akong napag kamalan na girlfriend ni bruhildo.

Nung tinawag ko siyang sir minsan ay nagalit ito sa akin. Nag kalat siya sa bahay. May tama talaga sa ulo yon kahit kailan. Pero nasasanay na rin ako sa ugali no'n talagang pag titimpi lang ang kailangan.

Tumawag na din minsan sila ma'am wena at tinatanong nito kung kamusta ang pakikitungo sakin ng anak niya. Lagi namang positibo ang sinasagot ko baka mamaya pag may nasabi ako, ako pa mag mukhang masama sa ubod ng bait niyang anak.

Kasalukuyan akong namimili dito sa palengke ng mga kakainin namin ni bruhildo dahil paubos na ang mga pagkain do'n.

Pinadala na rin ni ma'am wena yung sahod ko kaya makakapamili ako ng damit:) iba yung pambabayad ko sa pagkain sa damit. Sa pagkain si bruhildo sa damit syempre aking pera.

Natapos ko nang ikutin ang palengke at ang mga nabili ko ay gulay,prutas at ibang mga karne. Mas mura kasi sa palengke ang mga ito kesa sa mga supermarket.

Hindi ko na lamang sasabihin sa señorito na galing sa palengke ang mga kakainin niya. Ang arte pa naman no'n.

Ngayon ay balak kong pumunta sa mall dahil mamimili ako ng damit. Konti lang kasi yung nga formal kong damit.

Tatawid na sana ako ng may tumawag sa cellphone ko.

Bruhildo

Ano na naman bang kaartehan ito?

Sasagutin ko na sana ngunit biglang namatay ito. Ano bang trip ng lalaking yon? Kitang namamalengke yung tao.

Nakatawid na ako dahil katapat lang naman ng palengke yung mall.

Malapit na ako sa entrance ng tumawag ulit ang kupal.

Sinagot 'ko na ito.

"Hello!" Sigaw ko. Naiinis na kasi ako eh

[Anong klaseng bungad yan sa naaksidente?]

Para akong nabingi sa narinig ko.

"Anong sabi mo?"

[Yaya naaksidente ako.]

"Tangina nasaan ka? Pupuntahan kita!"

[Nandito ako sa Wilton Hospital]

"sige sige pupuntahan na kita"

Nag mamadali akong humanap ng sasakyan.

"Teka anong pangalan m-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng babaan ako nito. Pucha paano ko malalaman kung saan yung kwarto niya?! Hay nakoo kahit kailan talaga ang lalaking yon!

Nakasakay na ako sa jeep na madadaanan nito ang hospital na sinasabi ni bruhildo.

Pumara na ako dahil nandito na kami sa tapat ng hospital. Bumaba na ako at muntikan ko ng maiwan ang mga pinamili ko. Buti nalang tinulungan ako ng isang pasahero.

"Salamat po!" Tinignan ko siya ngumiti naman ito at nginitian ako. Lumabas naman ang mga dimples nito. Shit ang pogi.

Yuni, tama na sa kahibangan yung alaga mo nag aagaw buhay na!

Ay oo nga pala. Tumakbo na ako ng mabilis at pumasok na sa hospital.

So ano sasabihin ko dine? E hindi ko naman alam kung ano pangalan non at itatanong ko na sana ngunit binabaan naman ako.

Ang itatanong ko e bruhildo Buenavista po? Ganon?

Habang iniisip ko ang itatanong ko ay may kumalabit sa akin. Nang tignan ko ito ay si bruhildo!

"Yaya ano bang ginagawa mo diyan? Halika na sa kwarto masyadong madaming tao dito" sabi nito at iika-ikang lumakad. Kinuha ko ang mga dala ko at tinulungan ko itong mag lakad.

Jusko naman.

Naka punta na kami sa kwarto nito at nadatnan namin ang isang babae at isang lalaki. Ngayon ko palang sila nakita.

"Gosh kleo! Akala ko tumakas kana!" Sabi ng babae at inilalayan si bruhildo.

Ahh, kleo pala.

Kleo buenavista.
Pogi ng name, pogi din ng itsura, ang pangit naman ng ugali.

"Nag cr lang ako" sabi ni kleo

"Cr? E bro ere ang cr gusto mo pa sa malayo at madumi" sabi ng kaibigan na lalaki nito.

"Pakialam mo ba?" Barumbadong sabi ni kleo. Minsan sarap tampalin ng bibig nito.

"Pananalita mo po señorito" sabi ko dito. Nako kung narinig niyan ni nanay nako tampal yan sa bibig.

"Pakialam mo rin ba?" Sagot pa nito sa akin. Hindi na lamang ako nag salita at dahan-dahan namin itong inihiga. Padabog kong nilagyan ito ng kumot.

"Aray yaya kita mong naaksidente na ako pinagdadabugan mo pa ako" reklamo nito.

"Sorry hindi sadya"

"Hindi sadya" bulong nito.

"So ikaw ang yaya ni kleo?" Tanong ng babae.

Hindi niya ba narinig na tinawag ako ni bruhildo ng 'yaya'.

"Opo" sagot ko.

Tumaas naman ang kilay nito at tumango-tango tumingin naman ito kay kleo.

"What?! Pwede bang umuwi muna kayo lalong sumasakit yung ulo ko sa inyo eh!" Sigaw nito.

Siya na nga tong binabantayan siya pang may ganang mag paalis!

"Chillax bro aalis narin kami at nandito na rin naman yung yaya mo. Els halika na baka ihagis pa satin yung hospital bed" sabi nito sa babae.

"Diba sabi niya lahat? So kasama din yung yaya niya" sabi nung els. Sige, pwede din naman akong umalis at iwan tong lalaki nato mag isa.

"Pwede ba els? Umalis na nga kayong dalawa except kay yaya, kaka bwisit." Reklamo ni kleo.

"Ito na aalis na, els halika na nga. Ah what's your name?" Tanong ng lalaki sa akin.

"Call her yaya, dawn" matigas na sabi nito.

"Okay okay, yaya ikaw muna ang bahala kay kleo huh? Nakita mo naman na pinapalayas na kami" sabi nito sa akin at sabay kaming tumingin kay kleo. Nag taas naman ito ng kilay.

"At tsaka mamaya pupunta yung doctor ni kleo. Balitaan mo na lang kami sa sasabihin ng doctor" sabi nito sa akin.

"Ah sige po, mag iingat po kayo!" Sabi ko.

"Ah ito nga pala yung numb-" hindi natuloy ang sasabihin nito ng mag salita si kleo.

"May gusto kaba kay yaya?" Tanong nito kaya nanlaki ang mata ko. Ano na naman ba to bruhildo!

"Bro what the fvck? Binibigay ko lang yung phone number ko para balitaan niya kami sa sasabihin ng doctor about sayo" paliwanag ni dawn.

"No need, andyan naman yung cellphone ko. Umalis na kayo mabuti naman na yung pakiramdam ko" sabi ni kleo.

"Mabuti na daw pero iika-ikaw kung mag lakad" sabi ni els.

"Shut up els" sabi ni kleo.

"Tara na els namumula na yan sa galit. Iwan na natin silang dalawa" sabi ni dawn at ngumiti sa akin. Ngumiti din naman ako pabalik.

"Okayy, bye kleo" sabi ni els sabay halik sa pisngi ni bruhildo.

Wiw

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon