15

121 2 0
                                    

"EYY LET'S PARTY!" Sigaw ko at nag sasayaw sa dance floor. Kami-kami nalang mag kakaibigan ang natira pero hindi ako sure.

Sinayaw ako ni zakx kanina at hindi ko na lamang pinansin ang nag text sa akin. Marami ng scammer ngayon kaya dapat hindi agad tayo mag pauto o maniwala.

Grabe parang bumalik ako sa pag ka teenager nang isayaw ako ni zakx. Naisayaw niya naman ako noon pero iba ang sitwasyon noon. Ako ang nag-ayang sumayaw at napilitan lang siyang isayaw ako noon dahil may girlfriend siya noon. Wala nga yun dito ngayon eh. Ni hindi ko rin nakita kaya hindi ko alam kung sino siya at ano ang pangalan niya.

Apura ang sayaw ko sa dance floor na tipong may natutunggo na ako.

"Lasing na si yuni pre, iuwi mo na yan" rinig kong bulong ni jake kay marl ngunit hindi ko na lamang ito pinansin at sumayaw na lamang.

"Nashan ba yung hawak kong basho?" Lasing kong tanong habang hinahanap ang baso kong may laman na alak.

"Yuni, tara na lasing kana e-"

"You shut up hindi ako lasi nabibilang ko pa yung darili ko" pag putol ko sa sasabihin ni marl.

Masakit lang ang ulo ko pero hindi ako lasing duh.

Napakamot naman ito ng ulo at umiling-iling.

"Eyy, eyy eyy!"

Nang tumunog ang magandang tugtog ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Twerk dito, twerk doon.

Pati si cassy ay nakikisabay kaya panay hiyawan ng mga tao.

Nang mapagod ay bumalik ako sa pwesto namin at uminom ng uminom hanggang sa sumakit ang ulo.

Nakabalik na sila sa pwesto namin at agad naman akong nilapitan ni marl.

"Yuni tama na" sabi nito at inagaw sa akin ang hawak kong baso.

"Ano ba marl hindi nga ako lasing!" Sigaw ko at pilit na kinukuha ang baso sa kanya. Nilagay niya ito sa lamesa at akmang kukuhanin ko ito ng harangin niya ako kaya ngayon ay nakadagan siya sa akin.

Nagkatitigan kami at dumadalawa ang paningin ko. Nakaramdam ako na parang may gusto lumabas sa bibig ko at maya-maya pa ay sumuka ako...sa dibdib ni marl.

"Fvck!" Mura nito at umalis sa harapan ko. Hindi na ako naka hingi ng tawad kay marl nahiga na lang ako sa couch.

"Ow gosh, marl!"

"Pumunta ka sa pangalawang kwarto pagkaayat mo ng hagdan may mga damit doon" narinig kong saad ni cassy kay marl.

Sobrang sakit ng ulo ko at ito na naman nasusuka na naman ako. Agad akong bumangon at lalo pang sumakit ang ulo ko ngunit nilabanan ko na lamang ito at dire-diretsong pumunta sa banyo. Narinig ko pang tinawag ako ni cassy.

Nang maisuka ko na ay nag hugas ako at naghilamos na rin nag babakasakaling mawala ang pag ka hilo.

Pagkalabas ko ay nakaabang pala sa akin si cassy. Inalalayan niya ako pabalik at nang makabalik na kami ay nakita kong iba na ang suot ni marl...teka si marl ba yon? Parang si kleo eh.

Kinuha ako ni kleo at pinaupo ako sa tabi nito.

"Huwag ka ng uminom" sabi ni kleo ngunit kaboses niya si marl. Tinignan ko ang mukha niya at hinaplos ito.

"Kleo..." bulong ko. Nagulat naman ito at mukhang hind bulong ang nagawa ko dahil maraming nakapansin sa sinabi ko.

"Who's kleo?" Tanong ni zakx. Hindi ko pinansin ang tanong niya at tinitigan si kleo. Ang gwapo niya sobra. Nakakahulog.

"Amo niya" sagot ni marl. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng antok kaya ginawa kong unan ang hita ni kleo at natulog.

Marl's Pov

"Kleo..." sabi ni yuni kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Mukha ba akong si kleo?! E mas gwapo pa ako dun eh.

Teka bakit niya sinasabi yang pangalan na yan sa harapan ko? Lasing na lasing na talaga tsk tsk ayaw paawat.

Nakatulog ito sa kandungan ko dahil sa kalasingan.

"Amo niya? Pamilyar kasi yung pangalan" sabi ni zakx sa tabi ko at tumingin kay yuni na mahimbing na natutulog. Ang ganda niya parin kahit sabog.

Nag palit ako ng damit dahil nasukahan ako ni yuni, dun sa kwarto na pinag palitan amoy lalaki. Baka dun yung kwarto nung boyfriend ni cassy. Pero pamilyar yung amoy.

Ngayon ay nag k-kwentuhan na lang kami at kami na lang ang nandito sa bahay dahil ang iba ay umuwi na pero ang iba ay nandito parin nag k-kwentuhan din.

"Sayang nga e dapat ipapakilala ko sainyo yung boyfriend ko" sabi ni cassy.

"Ano ba pangalan?" Tanong ni zeyla.

"Zil" sagot ni cassy.

"Wow pangalan palang mukhang gwapo na" sabi ni claire.

"Ay sobra mars!" Sabi ni cassy at kinilig.

"Saan kayo nag kakilala?" Tanong ko.

"Nung nag meeting kami about sa business you know" sagot nito. Tumango na lamang ako at sinuklay ang buhok ni yuni.

Nag kwentuhan pa kami at maya-maya ay naisipan ko naring umuwi dahil ihahatid ko pa si yuni.

"Pwede naman kayong matulog dito" sabi ni cassy sa akin buhat-buhat ko ang tulog na si yuni. Nasa labas kami ngayon at iniaayos ko ang pwesto ni yuni.

"May trabaho din kasi eh, babawi kami sa susunod. At sa susunod na party dapat kasamahan mo na yang jowa mo" sabi ko dito at niyakap ito. Niyakap niya rin ako pabalik.

"O siya sige ba, pag uwi niya mag p-party ako agad haha" sabi nito at humiwalay sa yakap.

"O sya mauna na kami ah? Alas-tres na ng umaga"

"Ingat kayo mag text ka kapag nakauwi kana at naihatid mo na si yuni" sabi nito. Tumango ako at sumakay na sa sasakyan.

Bumusina ako at tuluyan ng umalis sa lugar. Ngayon iniisip ko kung paano ko pakikitunguhan si Buenavista ng hindi nag iinit ang ulo. Hays bakit pa kasi siya yung inalagaan ni yuni, pwede naman ako.

Nandito na kami sa tapat ng bahay at sakto namang pag buhat ko kay yuni ay siyang pag labas ni kleo.

Sinarado ko ang pinto ng kotse at hinarap siya.

Naka hoodie ito at hawak niya ang susi ng kotse niya. Parang aalis.

"Tabi, ihahatid ko si yuni sa kwarto niya" sabi ko dito at tinignan siya. Nakatingin siya kay yuni kaya tumingin siya sa akin.

"Akin na, ako na. Ayokong may ibang nakakapasok sa bahay ko lalo na sa kwarto niya" madiin na pag kakasabi nito. Nag sisimula na naman siya.

"Pwede ba Buenavista"

"At pwede rin ba Mr. Marl? Ibigay mo na sa akin si yuni" sabi nito sa akin.

"Ba't ko ibibigay sayo? E akin toh"

"At kailan naman naging sayo ang pagmamay-ari ko?" Tanong ni kleo.

"Hindi mo pag mamay-ari si yuni Buenavista tulog kapa yata" sagot ko dito at natawa.

"Hindi mo sure" madiin na pagkakasabi nito.

Kinuha niya sa akin si yuni at wala na akong magawa dahil baka masaktan si yuni kung aagawin ko pa ito sa kamay niya.

Nang makuha niya ito at tumalikod na ito.

"Umuwi kana marl, hindi kana kailangan ni yuni" sabi nito sa akin.

"May gusto kaba kay yuni ha Buenavista?" Maangas na tanong ko. Akala mo kung sino kung makapagsalita e ALAGA lang naman siya ni yuni.

Ngumisi lang ito sa akin at tuluyan ng pumasok.

"Ah ganyan pala. Mas maganda kung umpisahan na natin Buenavista" bulong ko bago sumakay sa sasakyan.

-khyznara

Ow my gosh!

Happy new year everyone!

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now