17

126 3 1
                                    

NAG iimpake ngayon ako sa kwarto na may ngiti. Excited na excited ako!

Bukas pa naman kami aalis ng madaling araw pero pinag impake niya na ako dahil maaga kami aalis. Naka impake na rin yung mga gamit niya.

Dapat daw ay ngayon kami aalis kung hindi ako nag inom kagabi. Mamahinga muna daw ako dahil may hangover pa ako at baka mapano pa daw ako sa byahe.

Wow concern. Siguro masanay na rin ako.

Hapon ngayon at nag luluto ako ng turon para sa aming meryenda. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ito ni señorito dahil ngayon ko palang siya pinag luto ng turon.

Nang matapos ko ng lutuin ay dinala ko na ito sa kwarto niya. Kumatok muna ako at binuksan ko na ang pinto.

Pagpasok ko sa kwarto ay tinapay este si kleo agad ang bumungad sa akin. Wala siyang suot pang itaas! Naka tuwalya lang siya sa tinatakpan ang kinabukasan niya. Mukhang kakaligo lang nito.

Agad akong nag iwas ng tingin at dire-diretsong pumunta sa table nito at dun nilagay ang pagkain.

"Huling beses mo ng gagawin yan sakin yan yaya" saad nito at naramdaman ko namang papunta ito sa direksyon ko.

"Hindi kita maintindihan, señorito" sabi ko dito at hinarap ito. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Hindi ako masyadong makatingin dahil sa mga tingin niya at samahan mo pa na wala siyang suot na damit pang itaas.

"Gusto mo malaman kung bakit ako nag kakaganito sayo?" Tanong nito sa akin.

Tumango at hindi pa rin ako nakatingin. Hindi kakayanin ng tuhod ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at hinarap sa kanya.

Nag labanan kami ng tingin. Ang ganda ng mga mata niya, brown eyes, nakakaakit, nakakalunod, nakakaadik tignan. Hindi ko alam at kusa na lang gumalaw ang aking mga kamay at hinaplos ang pisngi nito.

Hahawakan pa sana ng isa kong kamay ang pisingi niya nang tumunog ang cellphone nito.

Baby

Agad naman ako lumayo sa kanya.

"Ah, kainin mo na yung turon pagkatapos mo hindi masarap ang turon kapag hindi na mainit. Mag bihis kana rin" saad ko dito at umalis na ako sa kwarto niya.

Yuni, anong nangyari sayo! Bakit ganon!
Bakit...bakit nabitin ako? Bakit bigla akong nainis ng may biglang tumawag sa kanya. At bakit mas lalo akong nainis kung sino ito.

Nag seselos ba ako? No, naaakit ka lang yuni. Huwag kang mabibihag sa mga tinginan niya.

KAKATAPOS ko lang maligo at nag pupunas pa ako ng buhok ng may kumatok sa kwarto ko.

"Yaya"

Binuksan ko naman ito at bumungad sa akin si kleo.

"May problema ba señorito?" Tanong ko.

"May nag padala ba kaninang umaga ng isang box? Na may note?" Tanong nito sa akin. Ngayon ko lang naalala may package nga palang dumating kanina.

"Ah teka" saad ko at sinara ulit ang pintuan. Dinala ko sa kwarto ko yung package.

Kinuha ko ito sa gilid ng cabinet at binuksan ulit ang pinto.

"Ito oh" sabay bigay ko sa kanya. Kinuha niya naman ito at tinignan ako.

"Are you okay?" Tanong nito.

Hindi agad ako nakasagot, hindi ko alam kung bakit. Okay naman ako ah?

Nawala lang ako ng sa mood sa nangyari kanina. Ito na naman ako nababaliw.

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now