44

92 2 0
                                    

Grabe mag kamukhang mag kamukha talaga sila ni Kleo. Sa sobrang mag kamukha nila ay hindi 'ko maiwasang isipin na baka minsan ay siya ang nakasamahan 'ko at napag kamalan 'ko siyang si Kleo!

Naka bukas ng bahagya ang aking bibig habang pabalik-pabalik ang tingin 'ko kay Kleo at sa kakambal niya.

"Tsk, Sister-in-law alam 'ko namang naguguluhan ka pa pero tandaan mo mas pogi ako kay kuya" sabi nung kapatid ni Kleo. Tinaasan naman ni Kleo ang kapatid niya ng middle finger.

"By the way my sister-in-law, I am Kaleo Zil, Kleo's twin brother. Oh tandaan mo lagi mas pogi ako sa kanya" pag papakilala nito.

Pati sa pangalan mag kamukha sila. Ang nabago lang ay may dinagdag na A ang kay Kaleo.

"Ow, call me Zil nalang. Minsan kasi kapag tinatawag ako sa first name 'ko akala ko minsan si Kuya yung tinatawag. Alam mo na, kLEO kaLEO. Hays pwede naman kasing Caley nalang ih" dagdag nito at ngumuso. Natawa naman ako.

Medyo naiintindihan 'ko na. Medyo lang.

"Since nakilala mo na siya Hija siguro it's time to know the whole story?" Tanong ni Tita. Tinignan 'ko si Kleo na nakatingin pala sa akin.

"Tayo 'ba mag a-adjust, babe?" Bulong ni Zil kay Claire ngunit rinig 'ko parin. Natawa naman si Claire at tinignan kami.

"Nope, need din tayo dito" sagot naman ni Claire.

"Kasalanan mo rin kasi" dagdag nito.

"Ha?! Pa'no 'ko naging kasalanan? Jusko nadamay na naman ako" reklamo ni Zil. Tumawa naman kaming lahat dahil sa reaksyon niya.

"Bibili muna ako ng pagkain. Maiwan 'ko muna kayo" paalam ni Tita. Pagkasara ng pinto ay katahimikan ang bumalot sa buong kwarto.

Ang awkward.

Hinawakan ni Kleo ang kamay 'ko at dinala ako sa isang upuan at doon kami umupo. Sa gilid ito ng hospital bed kung saan doon nakahiga si Zil habang si Claire naman ay naka upo sa gilid nito.

"Paano 'ba 'ko mag sisimula. Prinactice 'ko 'to eh" bulong ni Kleo.

"Tsk, mahina kang nilalang, bro. Gotchu ma men" sabat ni Zil. Umupo ito, tinulungan naman ni Claire na umupo ng maayos.

"Oh teka, 'di 'ba may tama ulo mo?" Tanong ni Kleo.

"Kuya naman sa'n mo naman narinig 'yan. Kita mong natatandaan 'ko pa na mas pogi ako sayo" sagot nito.

"Walang tama ulo mo?" Ulit na tanong ni Kleo. Kumunot ang noo ni Zil at bumuga ng hangin.

"Grabe ka naman sakin Kuya" sambit nito at humawak pa sa dibdib nito.

"Anyways, kinukwento ka sakin ni Kuya simula nung kauna-unahang pag kikita niyo" simula nito.

Nung nag kabungguan yata ako no'n?

"Alam mo 'ba Sister-in-law na badtrip na badtrip si Kuya no'n sayo? HAHAHAHA. So fast forward na tayo ng sobra so bali dinala kaniya sa France right? That time umuwi ako sa bahay and pag bukas 'ko ng pinto may tumalon sakin na kuting. What the hell sa kuting pa pala ako aatakihin sa puso kesa sa bal- anyways so ayon since wala naman kayo do'n inuwi 'ko muna si muning" pag kwento nito. Nakikinig lang kaming lahat.

"Ako na ang mag tutuloy ang dami mo masyadong dada. Claire and I are not in a relationship. Yung nakita mo sa bar silang dalawa 'yon. That night may inaasikaso ako sa office kaya hindi agad kita na text and na lowbat narin ang cellphone 'ko no'n. Hanggang sa nabalitaan 'ko na nasa hospital ka daw kaya hindi 'ko na natapos ang ginagawa 'ko at iniwan 'ko. Pero huli na ang lahat, wala kana sa hospital. Hindi na kita mahanap. Chinarge 'ko ang cellphone 'ko at 1% palang inopen 'ko na at nakita 'ko ang text mo. Tinawagan kita pero cannot be reached. Kaya nung gabi na 'yon bumyahe ako pumunta ako sa possible na pupuntahan mo pero wala ka. Yuni, hinanap kita nung gabi na 'yon" pag k-kwento nito.

"Na tipong muntikan ng maaksidente si kuya sa pag hahanap sayo" bulong ni Zil. Agad akong tumingin kay Kleo.

"T-totoo 'ba 'yon?" Tanong 'ko habang nanginginig ang aking boses. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang guilt.

Unti-unting tumango si Kleo.

"Muntikan na akong mabangga ng kotse. Baka kung hindi ako naka ilag, baka hindi na kita tuluyang mahanap. Baka hindi na kita tuluyang makita" bulong nito.

"P-paano naman nasangkot dito si Dawn?" Tanong 'ko. Nakita 'ko ang pag igting ng panga niya at ang pag higpit ng kamao niya.

"Si Dawn ang sumira ng lahat. Nakita niya sila Zil and Claire na papunta sa Bar"

"Baka naman napag kamalan niya lang si Zil na ikaw?"

"Hindi hon! Nag kita kami nung gabi na 'yon at ang sabi niya pa titigilan kana niya! Pero hindi ako naniwala agad dahil nararadaman 'kong hindi totoo ang sinasabi niya sa akin"

"At dinala kana ng gago na yon sa Bar para i brainwash ka at ilayo ka sa akin" dagdag nito.

"H-hind-" hindi natuloy ang sasabihin 'ko ng mag salita si Kleo.

"Kung sasabihin mong hindi magagawa ni Dawn 'yon, nag kakamali ka. Dawn is so obsessed with you, Hon"

"Planado niya lahat. Planadong planado niya ang lahat" saad nito at tinakpan ang mukha. Nanginginig ang mga kamay 'kong pumupunta sa kamay niyang nakatakip sa mukha niya.

"H-hindi 'ko inaakalang m-magagawa niya sa akin 'yon. 12 years kaming mag kaibigan tapos-" hindi na niya napigilan ang pag iyak niya.

Hindi 'ko akalaing kayang gawin iyon ni Dawn sa matalik na kaibigan. Ayokong makasira ng pag kakaibigan lalo na't kung ako ang dahilan nito. Kaya lalo akong na guilty.

"Nalaman 'ko kay Els na nasa lugar ka niya at nag t-trabaho sa isang coffee shop. Agad agad akong pumunta doon at nakita kita. Naka ngiting pinag lilingkuran ang mga customer. Damn, I missed that sweet smile. Alam 'kong hindi mo ako lalapitan o kakausapin kaya naisip 'ko ang plano na 'yon. I'm so sorry hon" sabi nito at tinignan ako. Pulang pula na ang mga mata.

"Yun ang napaisip 'ko. Kahit hindi mo ako pinapansin alam 'ko naman na ligtas ka at malayo ka sa demonyo" kwento ni Kleo.

Hindi parin sumi sink in sa utak 'ko lahat. Talagang na brainwash ako ni Dawn.

"Nalaman 'ko rin na sikat si Dawn sa lugar na 'yon at pinag kakalat niya na Girlfriend ka niya. Tangina nang aagaw ng Girlfriend" dagdag nito.

Kaya pala ganon na lang ang tingin ng tao sa amin!

"At alam mo 'ba ang hindi 'ko matatanggap na ginawa niya? Ang patayin ang kapatid 'ko! Para malito si Claire at ako ang mapag bintangan niyang si Zil! Para mapasakanya ka niya!" Gigil na saad nito. Tinignan 'ko si Zil at blangko ang mukha nito na naka titig sa kawalan.



-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon