21

106 2 0
                                    

NANDITO kami ngayon sa isang sikat na pasyalan dito sa Paris.

The Eiffel Tower.

Hindi kami mismong nasa tower dahil nasa ibaba lang kami nito. Para siyang park. Maraming tao ang nandito ngayon.

Nag pipicture akong mag-isa habang si Kleo naman ay may kung anong ginagawa sa cellphone niya. Hindi ko na lamang ito pinansin at nag picture na lang.

Hinubad ko ang suot kong bag at inilagay ito sa baba. Sinandal ko ang cellphone ko doon at nag set ng timer.

Pinindot ko na at nag simula ng mag count down kaya tumakbo na ako papalayo.

Tinaas ko ang dalawa kong kamay at nag smile. Agad naman akong tumakbo ng matapos ito.

Napahagikgik ako dahil sa pose ko.

"P-post ko ito sa ig" saad ko sa aking sarili at pumunta sa app na iyon nang tawagin ako ni Kleo.

"Yaya" tawag nito.

Nilingon ko naman ito at lumapit ako sa kaniya.

"Hmm?"

"Gusto mo umakyat tayo?" Tanong nito.

Aakyat kami sa Eiffel Tower?

"Pwede ba?" Tanong ko pabalik.

"Of course, let's go" hinawakan niya ang kamay ko at pumunta na kami sa Eiffel Tower.

Hindi na ako nag pumiglas at nag pahatak na lang sa kanya.

Nasasanay na akong lagi niyang hinahawakan ang kamay ko. Nung una ay naiilang pa ako ngunit kalaunan ay nasanay na rin ako.

Nandito na kami ngayon sa mismong tower grabe ang ganda! Kitang-kita mo ang buong lugar!

"You like it?" Tanong ni Kleo sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya at hindi ko rin alam basta bigla ko na lang siyang niyakap.

"Thank you señorito" saad ko dito habang nakayakap. Kumalas na agad ako sa pagkakayap dahil baka naiilang na ito.

"Let's take a picture!" Sabi ni Kleo at kinuha ang cellphone niya.

Inakbayan niya ako at inilagay sa harapan niya. Inilagay niya pa ang isang braso niya sa balikat ko at itinaas ang camera.

"Say cheese" at ngumiti kaming dalawa. Nag picture pa kami ng ibang anggulo.

Nang mag sawa ay bumaba na kami.

"Saan tayo next señorito?" Tanong ko dito. Hapon na rin ngayon at madami-dami ng sasakyan ang nasa kalsada.

"Hmm sa Musée du Louvre" sagot nito. Tumango na lamang ako dahil hindi ko na alam kung saang lugar iyon.

"Maganda kasi kapag sunset tayo pumunta doon" dagdag pa nito. Tumingin naman ako sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa daan.

Ang gwapo mo.

Traffic ngayon kaya mabagal ang daloy ng mga sasakyan.

ILANG minuto ang lumipas at huminto kami sa isang museum pero mukhang palasyo ito.

"A sumptuous palace that was once the home of France's kings" saad ni Kleo.

May pa lesson si bruhildo, baka mamaya may recitation ah, hay nako. Bumaba na kami at hindi ko na siyang hinintay na pag buksan ako ng pinto.

May dalawang Pyramid ang nasaharapan ng palasyo o museum isang maliit at isang malaki.

Gawa yata ito sa glass dahil may mga ilaw ito sa loob. Marami-rami din ang tao dito pero mas marami ang nasa Eiffel Tower.

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now