32

84 2 0
                                    

𝙆𝙡𝙚𝙤'𝙨 𝙋𝙤𝙫

Pangalawang araw na namin ni Yuni dito sa kanila at dalawang araw 'ko na rin s'yang nililigawan.

Hindi ako na inform na ganito pala paraan ng panliligaw sa probinsya. Ang nababasa 'ko kasi sa internet at nalalaman sa aking mga kaibigan ay ang pag bibigay ng regalo. Pero hindi ganito ang inaasahan 'ko.

Hindi sa nag rereklamo ako dahil kahit papaano ay gusto 'ko ang ginagawa 'kong ito. Para kay Yuni.

Ngayong umaga ay nag sisibak ako ng kahoy para may pang gatong mamaya. Habang nag sisibak ako ng kahoy hindi 'ko maiwasang isipin kung ganito rin ba ang ginagawa ng mga dating nanligaw kay Yuni.

"Señorito!"

Agad naman akong lumingon sa direksyon ni Yuni.

"Good morning!" Masigla 'kong bati ang kinawayan s'ya. Nakita 'ko naman itong natigilan at napa lunok.

Bakit? May nakikita 'ba s'yang hindi 'ko nakikita? Agad naman akong tumingin sa likuran 'ko at sa paligid.

"Wala naman" bulong 'ko.

"G-good morning"

"O-okay na 'yan, mamahinga ka na at aalis pa kayo ni Tatay mamaya" sabi ni Yuni. Ibinababa 'ko na ang hawak 'kong itak at kinuha ang damit 'ko. Wala kasi akong suot ng damit pang itaas dahil naiinitan ako.

Kinuha 'ko na ang mga kahoy na sinibak 'ko at inilagay sa sako.

"Tara na" aya 'ko kay Yuni at dinala ang sako.

Pag dating namin sa bahay dumiretso agad si Yuni sa kusina dahil s'ya mag luluto. Sumunod naman ako sa kanya at lumabas ng kusina para ayusin ang mga nasibak na kahoy.

𝙔𝙪𝙣𝙞'𝙨 𝙋𝙤𝙫

Hindi 'ko alam kung bakit tuwing pag gising 'ko naka tabi sakin si Kleo, pero kapag matutulog naman kami sa kama s'ya natutulog. Hindi 'ko malaman yung dahilan bakit s'ya lumilipat at tumatabi sakin.

Kaninang umaga pinuntahan 'ko s'ya sa likuran ng bahay namin dahil nag sisibak s'ya ng kahoy.

Alas kuwatro na ng hapon at aalis ngayon sila Kleo at Tatay. Hindi 'ko alam kung saan sila pupunta. Pati si Nanay ay walang ideya kung saan sila pupunta.

"Anak, aalis na kami. Mahal, aalis na kami!" Paalam ni Tatay sa amin.

"Mag-iingat kayo. Umuwi kayo kaagad ha" saad ni Nanay.

Nilapitan 'ko naman si Kleo at tinapik ang balikat nito.

"Kung iniisip mong kinakabahan ako, pwes nag kakamali ka" bulong nito.

"Bulol" bulong 'ko at inirapan pa ito.

Umalis na sila ng bahay at naiwan kaming dalawa ni Nanay dito.

"Anak, ano gusto mong ulamin mamayang hapunan?" Tanong ni Nanay.

"Sisig 'nay" sagot 'ko.

"O sige, sige, maiwan muna kita d'yan o gusto mong sumama sa akin?" Tanong nito.

"Hmm, sige 'nay sama ako" sagot 'ko. Tutal wala naman akong gagawin dito sa bahay.

Kinuha ni Nanay ang isang basket at lumabas na kami ng bahay. Ni lock n'ya ang pinto at nag simula na kaming mag lakad papunta sa estasyon ng traysikel.

Nakarating na kami sa palengke at sinundunan 'ko lang si Nanay kung saan man s'ya mag punta.

Huminto kami sa nag titinda ng mga karne ng baboy.

"Uy mare, 'yan na 'ba ang anak mo?" Tanong nung tindera kay nanay.

"Ay oo mare. Nag bakasyon sila ng amo n'ya rito" sagot naman ni Nanay.

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now