6

175 5 0
                                    

NANDITO kami ngayon sa prisinto at inaalam ng mga pulis kung ano ang nangyari at sa'n nag simula.

"Alam mo naman na mag p-park ako doon kaya bakit mo parin pinilit ipasok yang kotse mong bulok!" Sigaw ni kleo.

"Señorito!"

"Mr. Buenavista"

Tumigil naman ito at nag buntong hininga

"Mas bulok yang kotse mo! Nauna na akong mag p-park sayo ikaw tong umepal! Sino sa atin ang may kasalanan diba ikaw?!" Sigaw naman ni marl.

Nasa prisinto na maiinit pa rin ang mga ulo. Katabi na namin ang mga pulis pero ito sigawan pa rin sila ng sigawan. Nag pipigil na lang yatang hindi mag sapakan eh.

"Mr. Whoever you are! Nung isang linggo Sa cafe pinag bigyan na kita! Pero mag kikita na naman pala tayo! At ayan na nga nangyari na naman yung hindi dapat mangyari!" Sabi ni kleo.

"Alam mo, kung pinag bigyan mo sana ako ngayon hindi hahantong sa ganito Mr. Whoever you are" Dagdag pa nito.

Hindi na nakapag salita si marl at wala ng nag salita sa kanilang dalawa.

"Mga hijo, matuto kayong mag bigayan. Kung napag bigyan mo siya ng isang beses at umulit na naman ang pangyayari ikaw naman na ang mag paraya" sabi naman ng pulis sa kanila dalawa.

"Hindi po ako marunong mag paraya" sabay sabi ng dalawa kaya nag katitigan sila. Masama ang tingin nila sa isa't isa.

"Hay nako parang kayong mga bata na nag aagawan sa isang laruan. Humihingi na nga kayo ng tawad sa isa't isa" sabi ko sa dalawa.

"Ayoko" reklamo naman ni kleo.

"Señorito kailangan mo humingi ng tawad" sabi ko dito.

"YAYA SINABING AYOKO! at tsaka siya ang nauna hindi ako!" Sigaw nito sa akin.

Ayan na naman siya.

"HOY MR. BUENAVISTA WAG NA WAG MONG SINISIGAWAN SI YUNI!" Sigaw naman ni marl.

Hay nako mukha hindi matatapos ang gulo na ito.

"WALA KANG PAKIALAM! Hindi ako ang unang hihingi ng tawad!" Sigaw pabalik ni kleo.

Wala ng nagawa ang mga pulis at kumamot na lang sa ulo. Pati nga ako napapakamot sa ulo sa tigas ng mga ulo ng dalawang toh.

"Marl-"

"Ayoko yuni!" Reklamo ni marl.

"KUNG AYAW NIYONG MAG PATAWAD PWES BAHALA NA KAYO DIYAN!" Sigaw ko kanila at akmang aalis na ako ng hawakan ako sa kamay ng dalawa!

"Yuni" -marl

"Yaya!" -kleo.

"Oh ano? Ni pulis walang magawa sa inyo? Ano paba gusto niyong gawin? Mag patayan? Ayan kuhanin niyo yung mga baril ng pulis, mag paputok kayo. Mag putukan kayo!" Sigaw ko sa kanila. Nawawalan nako ng pasensya. Sakit na nga sa ulo si bruhildo dumadagdag pa si marl.

"Sorry" sabi ni marl.

"Señorito" tawag ko kay kleo. Tumingin naman ito sa akin at nag buntong hiningang umiwas.

"Sorry" sabi ni kleo.

HAY SALAMAT!

"Hindi ako satisfied" sabi ko sa dalawa

"What? Yaya ano pabang gusto mong gawin ko? Lumuhod sa kanya?" Reklamo ni kleo. Reklamador talaga ito kahit kailan.

"Sa tingin mo magagawa mo yon? Syempre hindi, ang gusto kong gawin niyo ay mag kamayan. Baka pag nag yakapan kayo baka mag sapakan ulit kayo kaya mag kamayan nalang kayo" sabi ko sa kanila.

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now