24

106 2 0
                                    

"CHILLAX lang mga brother" saad ni dawson.

Ano ba itong nangyayari sa dalawa, ngayon na nga lang sila nag-kita ganyan pa.

"What should I be jealous?" Tanong ni Kleo kay dawn.

Tumingin ako kay Kleo, tumingin din ito sa akin. Agad nya naman siyang nag iwas ng tingin.

Ba't parang bigla akong nawalan ng gana? Sawa naba ako sa brioche? Mag try kaya ako ng bago?

"Mukha ka kasing nag seselos, bro." Cool na sagot ni Dawn sabay higop ng iced coffee niya.

"Yuni, free kaba mamaya?" Tanong ni Dawn sa akin.

"Hindi naman, bakit?"

Tumango-tango naman ito habang naka-tingin kay Kleo.

"Bro, pwede ko bang hiramin mamaya si Yuni?"

_________________________________________

Kleo's Pov

Bakit pa kasi bumalik itong lalaki na ito. Pagkatapos niya akong sapakin sa bar tapos mag papakita siya dito. Hindi ko tuloy malaman ang sarili ko. Nababaliw nako.

Flashback

Nandito kami ngayon sa isang sikat na bar sa manila. Kasamahan ko si Dawn dahil inaya niya akong uminom. Hindi sana ako sasama sa kanya dahil ang dami ko pang gagawin sa opisina kung hindi lang dahil sa sinabi niya.

"Sasabihin ko kay Yuni yon bro." Sabi nito. Agad naman akong tumingin sa kanya at sinamaan ng tingin.

"Fine!"

Kaya ngayon ito ako, nasa bar kasamahan ang gag* kong kaibigan.

"Ano ba kasing problema at bigla-bigla kang nag aaya at mag wawalwal diyan" sabi ko dito at uminom ng beer.

"Masyadong masakit mag salita si Els bro" sagot nito.

Sabi na nga ba eh.

He likes els. Simula nung bata pa kami.

"Umamin kana ba?" Tanong ko, tumango naman ito at tinungga ang alak na nasa kamay niya.

"Ano sabi?" Tanong ko muli dito.

"Basta busted ako tapos" inis na sagot nito at biglang tumayo.

"Mag c-cr lang ako saglit, mag mumuni-muni" sabi nito at gegewang-gewang kung lumakad.

Ha? Mag mumuni-muni sa cr? Lakas ng amats ng p*ta.

Bumuntong hininga na lamang ako at nag isip-isip.

Kung umamin din kaya ako sa kanya? Kaso baka maging Dawn 2.0 ako. At naalala ko may girlfriend din nga pala ako.

Ang tanong mahal 'ko ba ang gf 'ko?

Ibinaba 'ko ang hawak 'kong beer sa table at sumandal.

Hindi ako iinom dahil hindi ko nagugustuhan ang nagagawa 'ko tuwing lasing ako. Ayoko ng masaktan siya.

Ilang minuto ang nakalipas at nakabalik na si Dawn. Seryoso ang mukha nito 'di gaya kanina na mukhang natatae.

"Kleo" tawag nito sa akin bago umupo.

"I think"

"You think what?" Tanong ko.

Ano na naman bang tumatakbo sa utak nito.

"I think I like her " sagot nito kaya napatingin ako sa kanya. At kumunot ang noo. Sino na naman ba ang sinasabi nito. Kaka reject lang may bago na agad.

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon