30

97 2 0
                                    

𝗠𝗜𝗡𝗨𝗟𝗔𝗧 'ko ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ang magagandang mata ni Kleo.

"I'm sorry, kailangan kitang gisingin kasi hindi kita basta-bastang buhatin at dalin na lamang sa kwarto. Mapapatay ako ng magulang mo" mahinang saad nito.

Natawa naman ako ng konti at umayos na ng upo.

"Buti naman at ginising mo 'ko dahil tama ang hinala mo, mapapatay ka nga nila" panakot 'ko pa dito. Namutla naman ito kaya lalo akong natawa.

Lumabas na kami ng sasakyan. Isang malamig na hangin ang bumungad sa akin. Kinuha naman ni Kleo ang mga gamit namin at pumunta na kami sa bahay.

Simple lang ang bahay namin, hindi s'ya kalakihan. Para s'yang kubo pero malaki-laki at matibay. Gawa ang bahay namin sa bato, pinalibutan na lamang ito ng mga kawayan dahil iyon ang gusto ni nanay.

Nasa harap na kami ng pintuan, nasa likod 'ko naman si Kleo. Kumatok ako ng tatlong beses at

"Nay! Tay! Nandito na po ako!"

"I think they are sleeping" bulong naman ng nasa likod 'ko.

"Anong oras na 'ba?" Tanong 'ko.

"10pm, maaga pa naman ah" sagot nito.

"Maaga kasi natutulog sila nanay kasi maaga silang nagigising para pumunta sa bukid" sabi 'ko dito. Kakatok pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Nanay!" Agad 'ko naman s'yang niyakap. Nagulat pa ito sa ginawa 'ko pero agad rin akong ginantihan ng yakap.

"Jusko, hindi ka nag sasabi na uuwi ka" sabi nito pagkatapos ay nag hiwalay na kami sa pag kakayakap.

"Biglaan din nay!" Sagot 'ko naman. Naka tingin ito sa likuran 'ko kaya naman tumingin din ako do'n.

Alanganin namang ngumiti si Kleo kay nanay.

"Jusko anak! Hindi ka rin nag sasabi na may nobyo ka na!" Sigaw ni nanay.

"Nako nanay hindi po! -"

"Asawa? Jusko anak! Bakit hindi mo sinasabi sa amin ng tatay mo? Ano? Umuwi ka dito dahil buntis ka?!" Sigaw pa nito.

Ano ba 'tong iniisip ni nanay!

"Sinong buntis?" Tanong ni tatay at pumunta rin sa pinto. Ngayon naka harang silang dalawa sa pinto habang kaming dalawa ni Kleo ay nasa labas.

"Tay, Nay, walang buntis! Walang may asawa! Walang may nobyo, o kung ano pa man!" Iritang sagot 'ko.

"Ito po si Kleo, s'ya po yung anak ng boss 'ko na inaalagaan 'ko" pinakilala 'ko si Kleo at nag palit kami ng pwesto. S'ya naman ngayon ang nasa harap ako naman ngayon ang nasa likod.

"G-good evening po, sorry po sa abala...I'm Kleo Zil Buenavista" pakilala nito at nag lahad ng kamay.

"Akala 'ko mag kaka apo na 'ko" bulong ni nanay. Akala n'ya siguro walang nakarinig sa kanya.

"Bakit hindi mo naman agad sinabi anak! Halika pasok kayo, pasok kayo!" Masiglang masigla si nanay habang kinakamayan si Kleo. Pumasok naman kaming dalawa.

Umupo kaming lahat. Katabi 'ko si Kleo habang kaharap naman namin sila nanay.

"Uhm...isa po sa dahilan kung bakit sumama po ako kay Yuni dito sa probinsya...mang hihingi po sana ako ng permiso kung...pwede 'ko pong ligawan ang anak n'yo" sabi ni Kleo.

Hindi 'ko akalaina na dati 'kong inaalagaan, ngayon nag papaalam sa magulang 'ko na manligaw.

Nagulat naman si nanay sa sinabi nito habang si tatay naman ay mariin ang pag kaka tingin kay Kleo.

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now