8

153 4 0
                                    

"YUNI!"

"CINA!"

Bigla na lamang akong sinabunutan ng babae na ito!

"Cina ano ba!" Sigaw ni kleo at hinitak ito papalayo sa akin.

Itinayo naman ako ni dawn at ni els at pumagitna si els sa pagitan naming dalawa ng babae.

"Yuni are you okay?" Tanong sa akin ni kleo.

Bakit ako ang tinatanong nito? Dapat diba yung girlfriend niya? Lalo ako nitong pag iinitan eh!

"Babe! What the fvck?! Ako dapat ang tanungin mo hindi siya! Sino ang girlfriend mo dito?!" Sigaw nito kay bruhildo.

"O-of course you!" Sagot naman nito.

Tiklop.

"She's your poor maid and i'm you girlfriend!" Sigaw pa nito.

Wow maka poor siya pasalamat talaga siya at hindi ko siya pinatulan dahil girlfriend siya ng anak ng amo ko.

"Ano ba yung nangyari?" Tanong ni dawn.

"Eh-" hindi natuloy ang sasabihin ni els ng mag salita ang bruhilda.

"Siya! Yang katulong na yan ang nauna! Kita mo kinalmot pa ako!" Sisi ni cina.

Putangina ako pa ang nasisi. Kabwisit toh ah.

Mag sasalita na sana ako ngunit naunahan ako ni els.

"Hoy babaita ka! Nag uusap kami ni yuni ng sumugod ka! Nag pakilala lang sayo si yuni na yaya siya ng boyfriend mo tapos sinampal mo na, sinabunutan at kinaladkad!" Pag tatanggol sa akin ni els.

Natahimik naman si cina at tumingin kay kleo. Nag papaawa. Kawawa naman ang bata.

"What?! Cina did you do that? Kinaladkad mo si yuni?!" Sigaw ni kleo sa girlfriend niya.

"N-no!" Pag d-deny ni bruhilda.

"Ayaw pang umamin sige hoy kleo pumunta tayo sa room ng mga magulang mo at tignan natin ang cctv footage!" Sigaw ni els.

"Babe! A-ang gusto ko lang naman ay palayasin mo yang babae na yan" maamong saad nito kay señorito.

Bagay nga sila. Bruhilda at bruhildo.

"Hoy señorita! Hindi ikaw ang nag papasahod sa akin kaya wala kang karapatang palayasin ako dito! At wala ring magagawa yang boyfriend mo!" Sigaw ko dito hinawakan naman ako sa bewang ni dawn kaya napatigil ako.

Kakaiba yung nararamdaman ko. Komportable ako sa hawak niya.

Dumapo ang tingin ni kleo sa kamay ni dawn na nakahawak sa bewang ko. Tumaas ang tingin nito kay dawn at matalim na tinignan ito.

"I don't care! Name your price!" Sigaw nito sa akin kaya bumaling ang atensyon ni señorito sa kanyang girlfriend na bruhilda.

May pa name your price pa siyang nalalaman. Tignan nga natin kung hanggang saan ang kayabangan nito.

"50 million dollars" sagot ko. Ngumisi naman ako pero napadaing ako sa sakit. Para akong binira sa sakit. Oo nga pala medyo nasapak ako sa pagkakasabunot sa akin kanina nitong bruhilda na toh.

Tumawa naman si els at mahinang tumawa si dawn sa tabi ko. Nangiti naman si kleo habang si cina ay parang pinapatay na ako sa isip nito.

"50 million, kaya mo?" Tanong ko dito at tinaasan ko siya ng kilay.

Inirapan lang ako nito at hinatak na ang boyfriend papunta sa kwarto ni kleo.

"Tss, kala mo kung sinong mayabang bagay na bagay sila ni kleo. Parehong mayabang" sabi ko. Tumawa naman si els habang si dawn ay seryosong naka tingin sa akin.

"Are you hurt?" Tanong ni dawn natigil ang pag tawa ni els.

"Ano yan? Hoy dawn umayos ka kung gusto mo pa humaba buhay mo!" Sigaw ni els kay dawn. Hindi pinansin ni dawn ang sinabi ni els.

Inupo ako ni dawn sa sofa sumunod naman si els sa amin.

"Fvck may pasa ka" sabi nito at sinuri ang mukha ko.

"Dawn" tawag ni els.

"What els?" Iritang tanong nito.

"Ang weird mo" sagot nito. Tumingin naman si dawn kay els at umiling-iling ito.

"Kumuha ka na nga lang ng first aid" utos ni dawn at tinignan ulit ako.

"Hayss, ikaw naman ngayon yung napakahamak. Pasensya kana kay cina war freak talaga ang babae na yon. Minsan nga sila nag away ni els eh" kwento nito.

"Narinig ko na naman pangalan ko" biglang sulpot ni els dala-dala ang first aid.

"Kinukwento ko kay yuni na minsan na rin kayong nag away ni cina" sabi nito.

"Ay oo, same din ng reason kung bakit ako sinugod niyan! Gosh yuni kaya dun na nag simula na hindi ko siya nagustuhan para kay kleo. Nagayuma yata yung mokong na yon!" Kwento ni els. Natawa naman ako sa sinabi nito.

Mukha ngang nagayuma.

Nilagyan ni dawn ng bandaid yung sugat ko sa braso at sa kamay. Nasugatan ako sa pagkaka-kaladkad sa akin.

Lakas ng sapak ng babae na yon.

Tapos ng lagyan ni dawn ang mga sugat ko.

"Kleo! Babe!" Sigaw ni cina

"Hmm, mukhang nag away na naman silang dalawa" bulong ni dawn. Pinanood lang namin silang dalawa. Si cina ay lumuhod pa habang si kleo naman ay binuksan ang pinto. Mukha pinapalayas na.

"Kung mag b-break sila mag p-party ako" sabi ni els.

"Babe please!" Pag mamakaawa ni cina kay kleo.

"Cina umalis kana" madiin na pag kakasabi ni kleo.

"Babe-"

"Huwag kanang mag inarte dyaan! Ikaw ang may kasalanan cina!" Sigaw ni kleo kaya nagulat kaming tatlo dito.

"Grabe, galit na galit si baby kleo" saad naman ni els kaya tumingin ako sa kanya tumingin naman ito sa akin at ngumisi.

"H-hindi ko naman sinasadya! Kasalanan yon ng nakaaway mo! Nakita ko siya sa prisinto dahil pinuntahan kita! Ang sabi niya ay umalis ka daw at kasama mo daw yung girlfriend mo!" Sigaw nito habang umiiyak. Nagulat naman ako sa kinuwento nito.

Si marl...si marl?! Ang gagong yon!

"I don't care, umalis kana. Tsaka na tayo mag usap" sabi ni kleo at tinulak si cina palabas wala ng nagawa si cina dahil padabog na sinara ito ni kleo.

Pumunta naman ito sa gawi namin at hinigit ako.

"A-aray" daing ko. Tumingin naman sa akin si kleo at tinignan ang kamay ko at braso ko.

"Shit" bulong nito.

"Kleo dahan-dahan lang may sugat si yuni oh, wag mo naman sakanya itapon yung galit mo" sabi ni dawn.

"Wala kang pakialam dawn. Kakausapin ko lang si yuni about sa nangyari kaya manahimik ka diyan. Umalis na rin kayong dalawa" sabi nito at hinigit ako papunta sa kwarto ko.

Pag ka pasok namin ay agad naman ako nitong niyakap. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Señorito"

"Shh, i'm sorry i didn't protect you" bulong nito sa tainga ko.

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon