18

113 3 0
                                    

GANOON pala kabano yung kapag madaling araw. Papunta na kami ngayon sa airport. First time kong makasay sa sasakyan ni Kleo. Mas maganda ito kesa sa kotse ni Marl.

Tamang kinig lang sa music na plinay ni Kleo habang dumadaan kami sa Highway.

Walang masyadong sasakyan ang dumadaan ngayon dahil alas tres y medya palang. Halos mga truck ang nakakasabay namin at nasasalubong.

Hindi na ako makapag hintay na pumunta sa Paris halos hindi na nga ako makatulog kanina kakaiisip eh.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko at nang binuksan ko ito ay nag text pala si nanay.

Nanay

Hi anak, pasensya kana kung ngayong oras kong naisipang mag-text sa iyo. Nandito pala kami ngayon sa zambales sinama kami ng tita sitra mo. Mag-iingat ka anak❤

Napangiti naman ako ni nanay dahil sa minessage niya. Si tita sitra ay kapatid ni nanay. May kaya sila kesa sa amin.  May kaya din naman kami kaso sakto nga lang. Hindi naman kami nag hahangad ng malalaking bahay at mamamahal na bagay. Ang gusto lang namin ay makita naming masaya kami at nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Nag reply naman ako.

Hi nay! Pupunta pala kami ng amo ko ngayon sa France Nay excited na excited ako halos hindi nga ako makatulog eh!

Nag reply naman ito kaagad.

Pangarap na bansa mo yan nak. Mag enjoy ka ha lubusin mo na ang mga pagkakataon at wag mong sasayangin dahil minsan lang yan sa buhay anak. Enjoy.

Opo nay, mag enjoy din po kayo ni tatay diyan. Loveyou!

Loveyoutoo anak, pasalubong namin ah hahaha

Natawa naman ako sa nireply ni nanay.

Sige nay Eiffel Tower ang ibibigay ko sainyo ni tatay hahah

Ikaw talagang bata ka o sige na mag enjoy ka at mag iingat karin babye

Babye nay, seeyou soon!

At doon na natapos ang pag uusap namin.  Miss ko na sila.

"Who are you texting?" Tanong ni Kleo kaya tumingin ako sa kanya. Tumingin naman ito sa akin ngunit saglit lang dahil nag d-drive siya.

Kailan pa naging curious to kung sino ang kausap ko?

"Boyfriend ko" sagot ko at nag pigil ng tawa. Bigla naman itong namereno kaya muntikan na akong tumilapon sa sasakyan kung hindi lang ako naka seatbelt.

"Ano ba Kleo! Dahan-dahan nga sa pamemereno!" Sigaw ko dito at umayos ng upo inayos ko rin ang nagulo kong buhok. Sayang yung suklay ko.

"I've changed my mind, let's go home, I'm not in the mood to travel" sabi nito kaya nagulat ako.

Napaka moody naman nito!

Nalungkot ako bigla sa sinabi nito. Ang dami ko pa namang expectations pero hindi naman pala kami matutuloy. Sayang naman yung pag ka excited ko.

Konti na lang nasa airport na kami tapos biglang nag bago ang isip ng bruhildong ito. Nakaka walang gana. Ade sana sinabi niya na kahapon pa!

Pinaasa na naman ako, nag paasa naman ako.

"Tsk, nakapag paalam pa naman ako kay nanay kanina tapos hindi pala matutuloy" bulong ko sa aking sarili at tumingin sa bintana.

Naiiyak ako ngayon dahil sa ginawang desisyon ni Kleo. Pinunasan ko ang tumulong luha ko.

Ayoko yung ganto yung pinapaasa ako sa wala.

Humikbi ako tinikom ko agad ang mga bibig ko at nag pigil ng hininga. Sana hindi marinig ni Kleo.

Naramdaman ko naman itong gumalaw sa tabi ko at hindi ko na lamang ito pinansin. Siguro aalis na kami at babalik na kami sa bahay.

Nagulat ako ng may biglang yumakap patagilid at idinantay ang ulo sa aking ulo.

"Are you crying?" Maamong tanong nito sa akin. Tapos ngayon yayakapin niya ako tapos tatanungin niya ako kung umiiyak ako e gago pala siya e.

Hindi ako sumagot at umiyak lang.

"Shh don't cry na i'm sorry, ikaw kase" sabi nito at hinalikan ang ulo ko. So kasalanan ko pa kung bakit siya nawalan ng gana mag travel? Ade sana hindi niya na ako sinama!

"Kasalanan ko pa" saad ko.

"Hindi naman sa ganoon" sabi nito. Bumitaw ito sa pagkakayakap at iniharap niya ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin ng mag tama ang mga mata namin.

"Yaya, uulitin ko ulit yung tanong ko sayo kanina" sabi nito at pilit hinihuli ang tingin ko.

"Ano ba yung tanong mo?" Tanong ko.

"Sino yung ka-text mo kanina. Yuni sagutin mo ng maayos" tanong nito. Masama palang lokohin toh. Tumingin ako sa kanya.

"Si nanay okay? Si nanay. Ngayon umuwi na tayo kasi diba sabi mo wala kang sa mood bumayahe? Ade umuwi na tayo" sagot ko dito at nag iwas ng tingin.

"Sana sinagot mo kanina yan hind yung 'boyfriend ko'" sabi nito at may binulong pa ito sa huli. Hindi ko na ito pinansin. Bahala siya diyan.

Pinaandar niya na ang sasakyan at umalis na kami. Dumeretso ito at hindi lumiko!

Akala ko ba uuwi na kami? Bakit kami dumederetso ngayon?

"O ba't tayo dumederetso ngayon? Akala ko ba uuwi tayo?" Tanong ko dito.

"Ayaw mo bang pumunta sa paris? Gusto mong mag linis na lang ng bahay?" Tanong nito. E siya nga yung nag sabing uuwi kami tapos ngayon tatanungin niya ako.

"Diba sabi mo kanina wala kang sa mood mag trav-"

"Kanina yon hindi ngayon. Ano tutuloy paba tayo?" Tanong nito sa akin.

"Oo naman e ikaw nga tong inaalala ko" sagot ko dito.

"Wag mo na akong alalahanin yaya nandito lang ako" sabi nito kaya tumaas ang isang kilay ko.

Hindi na lamang ako nag salita at nakinig na lang sa music.

PAPUNTA na kami ngayon sa eroplano.

Nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at pinagsaklop ito. Tumingin ako sa kanya na may gulat sa mukha.

"S-señorito"

Tumingin lang ito sa akin at ngumiti. Nakangiti naman akong sumakay ng eroplano.

Hanggang sa loob ay hindi niya ako binitawan.

"Matulog ka muna" sabi nito sa akin.

Tumango na lamang ako dahil lumilipad na naman ang aking utak!

Siya na mismo ang nag lagay ng ulo ko sa balikat niya.

"Matulog ka muna 15 hours and 45 minutes pa ang byahe" bulong nito sa akin at unti-unti pumikit ang aking mga mata.

Bago ako tuluyang makatulog ay may naramdaman akong humalik sa ulo ko.

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя