40

86 3 0
                                    

Hindi ko na kinaya, agad akong tumakbo palabas sa bar na umiiyak. Nakita ako ni Dawn at agad ako nitong niyakap.

"Ayokong gawin 'to pero mali na ang ginagawa ni Kleo" saad nito habang yakap-yakap ako.

"K-kailan pa?" Tanong 'ko.

"Matagal na, Yuni. Sinabihan 'ko na s'ya na kung liligawan ka n'ya makipag hiwalay na s'ya kay Claire. Pero hindi n'ya ginawa. Nakikipag kita parin s'ya habang kayo pa" paliwanag nito. Lalo akong umiyak sa narinig ko. Niloloko n'ya na pala ako ng apat na taon.

"I'm sorry, Yuni. Hindi 'ko intensyong saktan ka"

"Okay lang. Atleast nalaman 'ko" sagot 'ko at kumalas sa pag kaka yakap.

"Umalis na tayo dito"

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong nito.

"Malayo sa lugar na 'to"





Habang bumabyahe kami ay naisipan 'kong i-text ang gago na 'yon.

𝙃𝙤𝙣

Bago ako mag text ay dinilete 'ko ang nickname n'ya.

: happy 4th anniversary, Hon. I love you and goodbye.

Pag ka send ng text 'ko pinatay 'ko na ang cellphone 'ko.




Nagising ako sa isang mahinang tapik sa aking pisngi. Nang imulat 'ko ang aking mga mata si Dawn ang bumungad sa akin. Hindi 'ko namalayan na nakatulog na pala ako.

"Sorry to disturb your sleep. We're here" he said. Tumingin ako sa labas ng binatana, umaga na pala. Namangha ako sa ganda ng bumungad sa akin. Nasa beach kami. Lumabas si Dawn sa sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto.

"Dito muna kita dinala. By the way, rest house namin yon" sabi nito at tinuro ang malaking bahay.

"Hindi 'ko alam na may rest house pala kayo na ganito kaganda!" Masaya 'kong saad. Hinubad 'ko ang suot 'kong sandals at nauna na 'kong mag lakad papunta sa dagat.

Ang ganda at ang tahimik. Tanging agos lang ng tubig ang maririnig mo. Parang biglang nawala ang problema at nangyari kagabi. Nakaka relax.

"Yuni!" Sigaw ni Dawn. Agad naman akong pumunta doon at tinulungan siya sa dala niyang bag at isang cooler.

"Kagabi umuwi ako saglit para kunin 'tong cooler tapos bumili na rin ako ng pagkain. Medyo malayo kasi ang bayan dito" sabi nito habang papunta kami sa bahay.

Sinusian niya at pumasok na kami. Walang masyadong gamit ang nasa loob, sofa lang at TV. Sumunod ako sa kanya sa kusina. Kompleto naman ang mga kasangkapan. Binaba 'ko ang dala-dala 'kong plastick na sa tingin 'ko'y pagkain.

"Papakita 'ko sayo ang magiging kwarto mo" sabi nito, sumunod naman ako sa kanya. Umakyat kami sa pangalawang palapag at kumaliwa. May dalawang pinto sa kaliwa sa kanan naman ay ganun rin sa gitna ay ang terrace daw.

Pagkabukas ng magiging kwarto 'ko ay namangha ako sa ganda nito. Pastel ang kulay at malaki rin ang kama.

"Sandali, wala akong damit"

"Boy scout yata ako" sagot nito at binuksan ang cabinet. May laman na itong mga damit at naka arrange pa.

"Tsk, may dinala ka na sigurong babae dito 'no?" Saad 'ko dito at pinansingkitan ng mata.

"No, ikaw palang" sabi nito at ngumiti.

"Eh bakit may damit d'yan? 'Wag mong sabihing bumili ka kaninang madaling araw at nung dumating tayo dito agad mong inayos 'yan tapos nag kunwari ka na lang na bubuksan mo yung pinto kanina!" Sabi 'ko dito. Umiwas naman ito ng tingin. Ngumisi ito bago tumingin sa akin.

"Baka nga"






Hapon ngayon at nandito ako ngayon sa tabi ng dagat, si Dawn nag hahanda na para sa hapunan. Nag muni-muni ako habang nababasa ang aking binti at paa dahil sa alon. Sa dinami-dami ng babae sa mundo sa matalik na kaibigan 'ko pa. Siya yung nag bigay ng regalo kay Kleo kaya pala pamilyar sa akin ang sulat.

Na kwento rin sa akin ni Dawn na playboy si Kleo.

"Tangina first boyfriend 'ko playboy. Pinag sabay kami ng BEST FRIEND 'KO. What the hell" bulong 'ko sa sarili at nag sulat sulat sa buhangin.

Sobrang sakit ng ginawa ni Kleo sa akin. Sa apat na taon hindi 'ko akalaing magagawa niya 'yon. Legal both sides pa naman kami tapos-
Nag mukha akong kabit sa kanilang dalawa.

Ang sakit sakit. Sa bagay, sino 'ba naman ako? Yaya niya lang pala ako. Bakit hindi 'ko naisip na yung amo 'ko mag kakagusto sa akin!

Naka patay parin ang cellphone 'ko at wala akong balak buksan. Bibili nalang siguro ako ng bagong cellphone pag okay na lahat. Mag hahanap din ako ng trabaho dit narin. Hindi na ako nakapag pasa ng resignation letter kila Ma'am Wena.

"Yuni!" Tawag ni Dawn kaya tumayo na ako sa pag kakatayo. Pinag pagan 'ko ang suot 'kong dress at pumunta na sa bahay.

"Dinner is ready" bungad ni Dawn at kumindat pa sabay kaming pumunta sa dining area.

"Wow, adobo!" Masaya 'kong saad nang makita 'ko kung anong ulam.

"Of course, para naman gumaan ang pakiramdam mo" sabi ni Dawn.

Hindi 'ko na napigilan ang emosyon 'ko at niyakap si Dawn. Nagulat ito sa ginawa 'ko.

"Thank you so much Dawn. For telling me the truth, thank you for everything" sabi 'ko habang yakap-yakap siya. Naramdaman 'kong niyakap niya rin ako pabalik.

"Always welcome, Meine Leibe" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Kumunot naman ang noo 'ko sa huling sinabi niya.

"Huh?" Tiningala 'ko siya. Ngumiti ito sa akin umiling.

"Kain na tayo"











8 months na ang nakakaraan pero gabi gabi parin akong umiiyak, iniisip kung hinahanap niya 'ba ako? O tuluyan n a siyang naging masaya kasama ni Claire.

Mapait akong ngumiti. Ito na naman ako tapos sasabihin 'ko sa sarili 'ko na mag move on na pero ito naka abot ng 8 months

Na hindi pa nakaka move on. Bakit ang hirap mag move on! Lalo na pag siya ang first mo sa lahat.

Nag t-trabaho ako now bilang barista sa isang coffee shop. Tinulungan ako ni Dawn na maka pasok dito. Kamag-anak yata ni Dawn ang may-ari nito kaya madali akong naka pasok. Ang dami 'ko talagang utang na loob kay Dawn.

Inayos 'ko muna ang mga lamesa at upuan, pinunasan narin ito. Inayos 'ko rin ang mga gagamitin mamaya.

Habang nag aayos ako ay biglang tumunog ang bell na hudyat na may pumasok sa shop.

"Good morning ma'am! Can I get your order?" Saad 'ko habang inaayos ang papel bago tignan ang customer.

Hindi 'ko inaasahan ang unang taong bubungad sa araw 'ko...

"Yuni"

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now