35

84 2 0
                                    

𝗣𝗔𝗣𝗨𝗡𝗧𝗔 kami ngayon ni Kleo sa sinabi n'yang lugar. Sinuot 'ko na ang regalo n'yang red dress.

"Hindi pa pala ako nakakapag paalam kila Nanay! Sandali iliko mo muna yung sasakyan pupunta tayo kila Tita" utos 'ko dito ng maalala 'kong hindi pa pala ako nakakapag paalam.

Mamaya isipin pa no'n na tinanan ako ni Kleo.

"Don't worry. Nag paalam na 'ko kanina pa" sagot nito habang naka tingin sa daan.

"Sure ka? Mamaya isipin no'n na tinanan mo 'ko"

Tumawa naman ito sa sinabi 'ko. Ilang minuto pa ang lumipas at huminto kami sa isang...mapunong lugar?

"Hoy! Anong balak mo ha? Ito ba yung sinasabi mong suprise?!" Sigaw 'ko dito. Grabe na 'ko mag overthink.

"What the f*ck. Calm down, wala akong gagawing masama sayo. Kung ano-ano na naman iniisip mo eh" sagot nito at may kinuhang panyo sa bulsa.

"Ni wala akong makitang bahayan dito eh!" Sigaw 'ko pa.

"Wala ka bang tiwala sakin? Tagal na natin mag kasama" sabi nito.

"M-meron naman. Eh maloko ka kasi!"

Tumawa ito at lumabas ng sasakyan. Umikot ito at binuksan ang pintong nasa tabi 'ko.

Nag-lahad s'ya ng kamay. Tinitigan 'ko muna ito.

Hindi 'ko alam kung bakit nag kakaganito ako. Kakapanood 'ko 'to ng k-drama.

Si Kleo na mismo ang kumuha ng kamay 'ko at inilabas sa sasakyan.

"Hon" tawag nito sakin. Tinaasan 'ko naman ito ng kilay.

"Tsk, kakapanood mo 'yan ng k-drama kaya ka ganyan eh" sabi nito.

"Anyways, tatakpan 'ko yung mga mata mo ah. Kasi suprise nga" paalam nito.

Hindi na 'ko umangal at inilagay n'ya na ang panyo sa mata 'ko.

Nilagay n'ya ang braso n'ya sa bewang 'ko at nag-simula na kaming mag lakad.

"Pag ikaw talaga may ginawang kalokohan sakin. Hindi ka makakauwing buhay" sabi 'ko dito na nag patawa dito.

Meron kasi akong napanood na palabas na may nanliligaw sa babae ngunit kakakilala lang nila ng lalaki. Isang araw napag pasyahan ng babae na sagutin na ang lalaking nanliligaw sa kanya. Akala n'ya isa sa pinaka mahalaga at masayang araw sa buong buhay n'ya ang araw na 'yon. Ngunit, isang bangungot ang araw na iyon sa kanya. Doon n'ya nalaman na mamamatay tao ang nanliligaw sa kanya at oras na sinagot nito ay papatayin ka. Kaya ayon na tigok si girl at huli na ng malaman ng lahat.

Hindi naman ganon siguro si Kleo 'no?

"Yuni, mag bilang ka one to ten" utos ni Kleo at tinanggal ang pag kaka hwak sa bewang 'ko.

"One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten" mabilis 'kong bilang.

"Eh? Bagalan mo" reklamo nito.

"One" mabagal 'kong bilang. Narinig 'ko itong umalis sa tabi 'ko.

"Two" maya-maya'y may narinig akong mga kaluskos sa paligid.

"Three" balak n'ya ba akong ipain sa mga hayop dito?

"Four" bored 'kong bilang.

"Five"

"Six" may narinig akong parang nag v-violin.

"Seven" patuloy 'ko sa pag bibilang.

"Eight" mga kaluskusan sa paligid ang narinig 'ko.

"Nine" naramdaman 'kong nasa tabi 'ko si Kleo at pumunta ito sa likuran para yakapin ako.

"Ten!" Masigla 'kong saad. Tinanggal naman ni Kleo ang mga brasong nakayakap sa akin.

"Ready?" Bulong nito.

"Kanina pa" sagot 'ko. Narinig 'ko naman na parang may natawa.

May tao pa 'ba bukod samin? Maya-maya'y tinanggal na ni Kleo ang panyo sa aking mata. Dinilat 'ko ang aking mga mata at nagulat ako sa aking nakita.

Para akong nasa kabilang mundo sa ganda! Ang nilalakaran 'ko ngayon ay isang kahoy na pinasadya at naka palibot dito ang iba't ibang kulang ng bulaklak. Ang mga puno ay punong-puno ng ilaw.

Nang nasa gitna na ako ay doon 'ko nakita sila Nanay at Tatay at iba pang bisita!

Nakita 'ko rin pala sa sila Ma'am Wena!

Halo-halo ang nararamdaman 'ko ngayon. Pero isa lang ang alam 'ko. Sobrang saya 'ko.

Nababasa kaya ni Kleo yung iniisip 'ko? Dahil saktong sakto ay ngayon 'ko s'ya sasagutin!

Nawala si Kleo sa paningin 'ko kaya naman nilibot 'ko ang paningin 'ko sa mga taong nandito.

Nandito rin si Els, hinanap 'ko si Dawn ngunit walang Dawn akong nakita.

At nag simulang gumilid ang mga tao at nakita 'ko si Kleo na nag-lalakad sa gitna na may hawak-hawak na bouquet of flowers. Hindi lang pala ito basta bulaklak dahil may mga libro din ito!

Kusang tumulo ang mga luha sa aking mata...

"K-kleo..." ngumiti ito sa akin. Kinuha 'ko naman ang dala nito. Hinalikan n'ya ako sa noo at maya-maya'y lumuhod ito sa harapan 'ko.

May nilabas itong puting maliit na kahon. Binuksan n'ya ito at tumambad ang kumikinang na sing sing.

"It's not an engagement ring yet...this is promise ring. Promise ring muna bukas naman yung engagement ring HAHAHA" sabi ni Kleo at nag tawanan ang lahat.

"Gusto mo ba ulit mag igib ng maraming tubig?" Sabi ni Tatay at natawa kaming lahat sa sinabi nito.

"Manahimik ka nga d'yan" saad ni Nanay at pinatahimik si Tatay.

"Hindi 'ko na papahabain 'to. Yuni, be my girlfriend" sabi ni Kleo. Nag hiyawan naman ang mga bisita.

"Yes" sagot 'ko. Nakita 'ko naman ang tuwa sa mukha nito at agad-agad sinuot sa akin ang sing sing. Tumayo ito at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you" bulong ni Kleo at hinalikan ako sa labi.

"I love you too" I said between our kisses.

"Kainan na!" Sigaw ng isang bisita.






Kumakain kami ngayon. Meron palang tables and chairs sa pinaka loob ng restaurant. Hindi 'ko alam na may restaurant palang ganito sa amin. Hindi naman kasi s'ya mapapansin dahil aakalain mong gubat lang. Yun pala ay may kainan sa loob nito.

Kasamahan namin sa table ang pamilya ni Kleo.

"Hindi 'ko akalain na ikaw, Yuni" saad ni Ma'am Wena.

"Hindi 'ko nga rin po akalain, Ma'am. Akala 'ko nga po niloloko lang ako nitong manliligaw eh"

"Call me Tita, 'wag na Ma'am" sabi nito. Nginitian 'ko naman ito.

"Okay po, T-tita" ginantihan naman ako ng ngiti nito.

"Masaya kaming lahat mga anak" sabi ni Tito Facio.

"Mga balae, cheers!" Saad ni Tatay at nag-taas ng baso.

"Cheers!"

"Cheers"

Kami rin ni Kleo ay pinag tunggo ang aming mga baso. Pinalupot namin ang aming mga braso at sabay uminom.

Ang gabing iyon ay napuno ng kasiyahan at kiligan.


July 15, 2023

-khyznara

Señorito's maid (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें