3

223 9 0
                                    

"ANO BA KASING NANGYARI?" Tanong ko kay kleo.

"Nabundol lang ako" sagot nito.

"Eh tanga ka pala eh" hindi ko napigilan at nasabi ko!

Shit dapat sa isip ko lang toh e!

"Anong sabi mo? Tanga ako? So dapat ako yung nag adjust?" Sabi nito.

"Hindi, ano ba kasi yung nakaaksidente sayo?" Tanong ko.

"Tao siguro" pilosopong tanong nito.

"Ah tao, sige tatawagan ko lang yung mom mo para malaman yung nangyari sayo" sabi ko dito at akmang kukunin yung cellphone ko sa bag ng hablutin nito ang bag ko.

"Hoy yung bag ko! Akin na nga yan!" At pilit kong kinukuha ang bag ko pero inilalayo parin nito sa akin.

Hanggang sa madaganan ko na ito. Nag katitigan kami kaya ako na ang nag iwas. Mamaya kapag tumagal pa yug titigan namin dalawa baka ano pang mangyari sakin. Mahirap na.

"Yaya sabi ko sayo wag mong sasabihin kay mom! Sinong masusunod sating dalawa ha!" Sigaw nito pagka ayos ko ng tayo. Hindi niya parin binibigay yung bag ko.

"Ang masusunod sating dalawa ay ang ina mo! Kaya akin na yang bag ko at sasabihin ko lang naman sa mom na nabundol ka ng tao kaya iika-ika kang lumalakad ngayon" sabi ko dito.

"No!" Sabi nito na parang bata.

"Kleo akin na!"

"Anong sabi mo?" Tanong nito.

"Tinawag kita sa pangalan mo kasi nab-bwisit nako sayo! Ayaw mong ipaalam sa magulang mo yung nangyari sayo! Sinong malalagot dito? Ikaw ba? Syempre ako! Kaya akin na yang bag ko kung ayaw mong mapilayan yang isang paa mo ng tuluyan ka nang hindi makalakad!" Sigaw ko dito at pilit ang bag ko kaya nadaganan ko ulit siya.

Tinulak naman ako nito kaya muntikan niya ng mahawakan ang dibdib ko.

Nag iwas naman ito ng tingin kaya umirap ako.

"Manahimik kana nga! Ibibigay ko itong bag mong bulok kapag sasabihin mong hindi mo tatawagan si mom!" Sigaw nito sabay tingin sa akin.

"Kapag hindi ko tinawagan ang nanay mo bruhildo! Ako nga ang malalagot! Naka salalay sayo yung trabaho ko!" Sigaw ko dito.

Mukha ngang naririnig na kami sa labas o kaya sa katabi naming mga kwarto kakasigaw.

"Anong tinawag mo sakin? Bruhildo?" Tanong nito. Shit narinig niya. Natahimik naman ako.

"Ulitin mo nga yung tinawag mo sakin yaya" utos nito.

"Ano bang tinawag ko sayo? Ayan pati tenga mo napuruhan kaya akin na yang BAG KO!" Malakas na sigaw ko sa dulo.

"Fvck, can you please don't shout! Walang diperensya yung ears ko pero ngayon nag kakaroon na kung ayaw mong babaan yang BUNGANGA MO!" Malakas na sigaw din nito.

Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang doctor.

"Hija, hijo pwede bang pakibabaan ang boses dahil may naaabala kayong mga pasyente" sabi ng doctor.

"Eh ito pong pasyente sakit sa ulo ayaw ipaal-"

"Doc, makakauwi na po ba ako?" Pinutol ni bruhildo ang sasabihin ko sa doctor.

"Yes, makakauwi kana ngayon hindi naman masyadong malala ang pag kakabundol mo hindi malala ang pag kaka pilay mo hijo. Mag pahinga ka muna" sabi ng doctor.

Ah hindi malala, pwes ako na ang mag papalala niyan.

"Sige po, salamat po" sabi ni kleo.

"Salamat po, pasensya na po sa abala" sabi ko dito at ngumiti tumango naman ito at umalis na ito.

"Oh ayan narinig mo naman siguro yung sabi ng doctor sayo? Mag pahinga ka muna" sabi ko dito. Wala naman talagang ginagawa ito sa bahay, mag hapong nasa kwarto at nag i-ipad.

"Tss" at inirapan ako nito.

3PM na kaming nakauwi dahil inasikaso ko muna ang mga kailangan nito bago umalis sa hospital. May nireseta din yung doctor na gamot.

Pahirapan nga kanina sa pag akyat ng hagdan. Nag papabigat pa si bruhildo talagang pinapahirapan ako. May hawak nakong mga pinamili ko, hawak ko pa sya. Muntikan na nga yang gumulong-gulong kung hindi ko lang hinigpitan yung pag kaka alalay ko sa kanya. Panigurado babalik ulit kami sa hospital.

Nag lilinis ako ngayon ng bahay ng

"YAYAAAA! YAYA!!" Sigaw ni kleo.

Agad-agad naman akong tumaas at pinuntahan siya.

Nang pinasok ko ang kwarto niya ay nasa itaas ito ng kama at may tinuro ito sa baba.

"Yayaaaa ilayo mo sakon yaan!!!" Sigaw nito at takot na tinuturo ang

Ang kuting.

Huh? Panong nakapunta toh sa kwarto ni bruhildo?

"Takot ka diyan?" Tanong ko dito at nag pipigil ng tawa.

"Mukha ba?!" Sigaw naman nito.

Nilapitan ko ang kuting at kinuha ito. Ang cute.

"Itapon mo na yan yaya!" Sigaw ni señorito

"Señorito bakit ko naman po ito itatapon? Pwede naman po niyong alagaan-"

"ALAGAAN?! KITA MONG TAKOT NA TAKOT AKO DIYAN TAPOS PAPAALAGA MO SAKIN? NAG IISIP KABA?!" Sigaw nito. Mukhang natatakot na yung kuting sa kanya.

"Sa'n kaba nanggaling?" Tanong ko sa kuting na para bang sasagutin ako nito.

"Eh paano ba kasi napunta tong kuting nato sa kwarto mo?" Tanong ko kay kleo.

"B-bigla na lang bumagsak d-dyan sa lapag!" Sabi nito. Nakita ko itong kuting banda sa bintana. Naka bukas yung bintana at malakas pa yung hangin.

Himala hindi nag aircon.

"Baka naman galing dito sa labas, lakas pa ng hangin" sabi ko dito at tumingin sa labas. Hinahangin-hangin yung buhok ko kaya inipit ko ito sa tenga ko.

"Huh? Umalis kana nga" sabi nito kaya tumingin ako sa kaniya. Nakahawak naman ito sa binti niya.

"Oh ano nangyari diyan?" Tanong ko dito.

Isinara ko na ang bintana at baka mamaya hindi lang kuting ang makapasok sa kwarto nito.

"Wala kanang pakialam" sagot nito.

"Pwede bang wag kang ganyan sumagot? Concern na nga sayo yung tao tapos ganyan pa yung asal mo. Ganyan kaba sa magulang mo?"

"Concern ka sakin?" Tanong nito at tumawa ng konti.

"Syempre alaga kita e tanga kaba?" Sagot  ko dito.

"Mas tanga ka! Umalis kana nga dalin mo na yang kuting mo. Itapon mo na rin yan!" Utos nito.

"Hu bakit ko itatapon? E ang cute-cute kaya." Sabi ko dito at hinimas himas pa ang kuting.

"Wag mong hahayaan na makakapasok yan sa kwarto ko!" Sabi pa nito. Ngumiti na lamang ako at umalis isinara ko na ang pinto at bumaba.

"Ang ipapangalan ko sayo ay klea!" Sabi ko sa kuting. Nilaro-laro niya naman ang daliri ko.

Hawak-hawak ko ang kuting habang nag lilinis.

-khyznara

Please vote thankyou!

Señorito's maid (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon