7

167 4 0
                                    

NASA loob lang ng kwarto si kleo at hindi ito lumalabas. Kaya hindi ko maitanong kung ano ang pinag mulan basta nung dumating kami sa prisinto nag sisihan na yung dalawa.

Ngayon ay nag lalaba ako dito ng damit ni señorito at baka wala na itong maisuot. Mag dadahon ng saging na lang siya.

Habang nag kukusot ako dito ay may nag doorbell ng sunod-sunod at katok na malalakas. Konti nalang gibain yung pinto sa lakas.

"Sandali lang! Wag niyong sirain yung pinto!" Sigaw ko at nag pupunas ng kamay dahil may sabon pa ito.

"Yaya what is that freaking noise?" Lumabas na rin si bruhildo at mukhang kakagising lang nito.

Binuksan ko ang pinto at dire-diretsyong pumasok si els at sinugod si kleo. Nanatiling nasa pinto si dawn at nakangiting nakatingin sa akin. Nginitian ko naman ito pabalik at sumenyas ako na pumasok.

"ALAM MO BA NA NAG ALALA KAMING DAWALA SAYO NI DAWN! GOSH KLEO ZIL!  LAGI MO NA LANG KAMING PINAG AALALA! PA'NO PA KAYA YANG YAYA MO! KAILAN KABA MAG BABAGO!" Panenermon ni els kay kleo.

Kleo Zil, okay alam ko na fullname mo señorito.

"Tsk, kasalanan ko ba? E yang KAIBIGAN ni yaya ang nauna hindi ako. Baka nga nag stay pa yon sa prisinto ng 3 days e sa sobrang kayabangan" sabi ni kleo. Wala talagang pakialam ito sa nararamdaman ng ibang tao.

"Aba halika nga dito!" Sabi ni els at piningot si kleo.

"Ganyan talaga silang dalawa, lalo na si els nagiging nanay yan kapag may nangyari samin" sabi ni dawn sa tabi ko.

"Ang cute nga nilang dalawa e" sabi ko sabay tawa naming dalawa.

"Halika sa kusina nagugutom ako bahala silang mag bangayan diyan mapapagod din sila" sabi nito at hinatak ako papunta sa kusina. Nakita naman kami ni kleo na papunta sa kusina ni dawn.

"Kamusta ka naman? Buti nakakayanan mo pa si kleo" sabi ni dawn sa akin.

"Sabi ko nga sayo nasasanay na ako sa ugali ni kleo. Isip bata nga e" sabi ko. Tumawa naman ito. Kumuha ako sa ref ng pagkain at inumin.

"Ano ba nangyari?" Tanong nito.

"Hindi ko nga alam e basta pinag chichismisan nalang silang dalawa sa mall. Tapos pag punta ko naman sa parking lot ayun nag sapakan ba naman sa harapan ko" kwento ko.

"Kaibigan mo daw yung nakaaway ni kleo?" Tanong pa nito. Tumango naman ako.

"Kasi ganto yan, aalis sana kami ni kleo pero hindi natuloy dahil may importante daw siyang pupuntahan kaya ayun naisipan kong mag gala muna tutal sayang yung suot ko kanina kung hindi ko igagala diba. Tapos habang nag hahanap ako ng masasakyan may pumaradang kotse sa harapan ko tapos nung pagbaba ng bintana e kaibigan ko pala. Kaibigan ko siya at kaklase ko rin nung college." Kwento ko tumango-tango naman ito.

"Tapos? Sinabay ka papunta sa mall? Kaya nag kakitaan yung dalawa?" Tanong nito. Tumango naman ako sabay inom ng juice.

"Eh ano naman ba yung pinag mulan? Yung nalalaman mo lang" tanong nito.

"Pag p-park. Diba! Parang mga isip bata" sagot ko dito.

"Dawn lets talk" nagulat naman ako nang may nag salita sa likuran ko.

"Excuse me yuni" sabi ni dawn sa akin kaya ngumiti ako, nginitian niya rin ako pabalik.

"Grabehan ang alaga mo buti napag t-tiyagaan mo siya?" Sabi ni els pagka pasok sa kusina.

"Ganon talaga kapag isip bata ang binabantayan at inaalagaan mo" sagot ko dito natawa naman ito.

"Walang nakakatiis na katulong sa ugali niya. Ikaw lang, simula bata papalit-palit na niyan ng yaya." Kwento nito. Naging interesado naman ako.

Kung hindi lang malaki sahod ko dito iiwan ko tong mokong nato.

"Hanggang sa nag ka girlfriend siya. Tumino din naman kaso hindi talaga mawawala sa ugali niyang masama" dagdag pa nito.

"Ano ba itsura ng girlfriend niya?" Tanong ko dito.

"Maganda kaso ang pangit ng ugali, sobra. Hindi nga namin gusto yan para kay kleo e. Alam mo naman si kleo matigas ang ulo" sagot nito sabay irap.

Mag sasalita pa sana ako ng padabog na bumukas ang pinto.

"KLEO ZIL BUENAVISTA!!" Sigaw nito.

"Speaking of gf" sabi ni els.

Pumunta naman ako sa babae dahil baka kung ano pang gawin nito sa bahay. Mamaya mag basag pa dito yan, wala akong pampalit.

"Miss, may kinakausap po si señorito kleo pwede po ba kayong mag-" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla akong sampalin nito.

WHAT THE FVCK?!

"YUNI!" Sigaw ni els at nilapitan ako.

Dawn's Pov

"What?" Pumunta kami ni kleo sa terrace at kita namin ang view dito, puro sasakyan at mga building.

"Hindi pa rin kami nag kakaayos ni cina" sabi nito.

Cina is his girlfriend. I don't want her for kleo.

"Ginawa mo naba lahat ng sinabi ko?" Tanong ko dito.

"Yes, binigyan ko siya ng paborito niyang bulaklak pero yung iba hindi dahil syempre inaasikaso ko rin yung company" sagot nito.

Hindi ako naniniwalang company lang ang inaasikaso nito. Ewan ko bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

"Company lang ba..." panunukso ko dito.

"Shut up, ayan ka na naman" sabi nito natawa naman ako.

Mag sasalita sana ako pero naunahan niya ako.

"Do you like her?" Tanong nito.

"Who?" Patay malisya ako pero kilala ko na kung sino yung tinutukoy nito.

"Yuni" sagot nito.

Hindi agad ako nakasagot.

Sa tuwing nakikita ko si yuni gumagaan ang loob ko. Nagiging kompleto ang araw ko kapag nakikita ko siya. At iba ang nararamdaman ko kapag kinakausap niya ako o nasa akin ang atensyon niya.

Saya at kilig.

"Bro the hell ba't mo naman natanong niyan?"

"Just answer it" sabi nito.

"I like her, kleo" sagot ko ng walang pag aalinlangan. Tumingin naman ito sa akin ng kakaiba. Hindi maganda. Matalim.

"Kleo! Dawn! Si yuni!" Nagulat kami ni kleo ng biglang pumasok si els.

"What? Ano nangyari?!" Nag aalalang tanong ni kleo.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni els at lumabas na ako ss kwarto.

Agad-agad akong bumaba sa nakita ko.

Si yuni nasa ibaba ni cina habang sinasbunutan ni cina si yuni!

"Yuni!"

"Cina!"

-khyznara

Don't forget to vote!
Tinatry ko talagang makapag ud ng dalawang beses sa isang araw. Buti nalang nagawa kong makapag ud kahit medyo busy akis:)

Enjoy reading!

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now