16

123 3 0
                                    

Kleo's Pov

"Ang baho mo, yaya" ani ko at ibinaba sa kama. Nandito kami ngayon sa kwarto ko.

Mahimbing itong natutulog sa kama ko.

"Ang ganda mo" sabi ko habang hinihimas ang buhok nito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naging ganito sa kanya. Nag karoon ako ng pake sa yaya ko. Sa kanya lang ako nag kaganto.

Ang problema ko ngayong gabi ay kung paano ko papalitan ng damit. Ayoko naman siyang matulog ng ganyang kabaho. Pinag halong suka at alak pati amoy ng marl na yon nahalo na sa kanya.

Iniwan ko muna ito saglit at pumunta sa kwarto niya para kumuha ng damit.

Nilakasan ko ang loob kong kuhanin ang underwear nya at dali-dali akong pumunta sa kwarto ko. Ganoon parin siya mahimbing na natutulog.

"Siguro mag s-sorry na lang ako sayo bukas kung sakaling ma realize mo na iba ang damit mo" sabi ko dito at tinignan ang katawan nito.

"Shit! Basain ko na lang kaya sya? Ay magigising naman siya at baka isipin pang minamanyak ko siya" saad ko sa aking sarili at bahagyang sinabunutan ang buhok.

Wala pa naman si els ngayon, nasa canada.

"Patawarin mo ako yuni"

Yuni's Pov

Nagising ako sa isang tunog na nanggagaling sa labas.

Mukhang may kumakatok. Aalis na sana ako ng may nakadagan na naman sa bewang ko. Hindi braso kundi ulo.

"Kleo?"

Bakit siya natutulog sa gilid ng kama? Malaki pa naman ang space kasyang-kasya pa naman siya. Lasing ba siya?

Dahan-dahan kong tinanggal ang ulo niya sa bewang ko at nang maalis ko ay dahan-dahan akong umalis sa kama.

"Saan ka pupunta?" Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Hay jusko mariyosep! D-diyan lang sa baba may kumakatok kasi" sagot ko umangat naman ang tingin nito sa akin at tumango. Dumukdok ulit ito at binitawan na ako.

Nang makababa na ako ay walang tao ang nasa labas kundi isang box.

Kinuha ko ito at may nakita akong note.

Hi baby! Sana magustuhan mo itong regalo ko sayo iloveyou happy monthsarry!

-ur babyloves

Yan ang nakasulat sa papel. Ngumiwi naman ako. Cringe.

Ay sila parin pala ni cina akala ko hiniwalayan na pero akala ko ba babe yung tawagan nila? Tss, tsaka pamilyar yung handwritten.

Nilagay ko ito sa isang tabi at umakyat ulit nang may nag doorbell ulit.

"Pag ito talaga nako!" Inis na bulong ko.

Binuksan ko ito at nagulat ako kung sino!

"E-els!"

"OW GOSH YUNI!" Sigaw nito at niyakap ako ng mahigpit, niyakap ko rin siya.

Si els ay nawala ng ilang linggo dahil may inaasikaso ito sa canada habang si dawn naman ay nasa canada din kaso hindi sila masyadong nag kikita ni els doon dahil malayo ang bahay nila sa isa't isa.

Hinanap ko si dawn at nag babakasakaling kasama ito.

"Hindi ko kasamahan si dawn sis, busy pa sa trabaho niya" sabi ni els at ngumisi.

"H-hoy hindi ko kaya hinahanap yon! Baka kasi mamaya may mag doorbell na naman o kumatok sa pintuan nakakainis kaya" sabi ko dito at pinapasok ito.

"Sus" sabi nito at umirap.

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now