12

144 3 1
                                    

MINULAT ko ang aking mga mata at bigla akong nag taka kung nasaan ako. Babangon na sana ako ngunit may mabigat na nakadagan sa bewang ko.

"Kleo?" Bulong ko ng minumukhaan ko.

Si kleo nga! Ay oo nga pala at dito niya ako dinala kagabi sa kwarto niya. Lakas ng sapak.

Tinignan ko ang kabuuan ng katawan ko. Nakasuot pa rin naman ako ng damit.

Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko habang yakap-yakap ako. Sa sobrang higpit ng yakap ay para bang ayaw niya na akong paalisin sa tabi niya.

Dahan-dahan kong tinatanggal ang braso niya sa bewang ko umungol pa ito ng konti kaya hindi ko muna ginalaw baka kasi magising. Magulat pa na katabi ako. Lasing pa naman.

Nang maalis ko na ay dahan-dahan akong umalis sa kama. Nakaalis na ako at biglang gumalaw si kleo. Parang may hinahanap kaya nilagyan ko ng unan ang tabi niya at agad niya naman itong niyakap.

Ako ba ang hinahanap niya?

Umiling na lamang ako at kinuha ko ang cellphone sa coffee table.

Marltanga
50 missed calls

Zeylala
15 missed calls

Ang bumungad sa akin pag ka bukas ko ng cellphone. Hindi nga pala ako nag text kagabi kay marl pag uwi ko. Tumawag naman siya kagabi kaso bigla namang kinuha ni bruhildo ang cellphone ko.

Tinawagan ko si marl at mga tatlong ring palang ay sinagot na ito.

[Hey! Bakit hindi mo sinagot yung tawag ko!] Sigaw nito sa kabilang linya.

Pumunta naman ako sa terrace dahil baka magising si kleo.

"Sorry, n-nakatulog na kasi ako kaya hindi na kita na text or natawagan" pag sisinungaling ko.

[Ganon ba, akala ko kung ano na nangyari sayo. Kalahating demonyo pa naman yang kasamahan mo] sabi nito.

"Grabe ka naman. Badtrip kaba?" Tanong ko.

[Ikaw kasi! Hindi ka sumasagot sa mga tawag namin. Pati si zeyla nag alala]
[Hindi ako nakatulog ng maayos kaya wag mo ng uulitin yon! Wag mong kakalimutan mag text lalo na't wala kaming tiwala sa kasamahan mo]

"Opo haha aga-aga badtrip eh. Sorry na."

[Day off mo ngayon susunduin kita]

Yep, alam niya na kung saan ang bahay ng pinag t-trabuhaan ko. Minsan ako ang pumupunta sa kanya nag c-commute ako dahil ayokong mag tagpo ang tadhana ng dalawa minsan naman matigas ang ulo niya at siya na mismo ang pumupunta.

Minsan na nga silang mag sapakan na naman eh. Ang iinit lagi ng mga dugo kapag nag kikita. Past is past duh.

"Nako wag na ako na lang ang pupunta sayo. Mamaya mag kita na naman kayo"

[I don't care basta susunduin kita diyan mga 10am okay? May pupuntahan rin tayo.]

"Saan tayo pupunta?"

[Secret o sige na may gagawin pa ako sa opisina. 10am ah] at binaba niya na.

May pa secret-secret pang nalalaman.

Tinawagan ko rin si zeyla at agad niya naman itong sinagot.

[Hoy yuni may kasalanan ka saken!] Bungad ni jake. Mukhang may naistorbo ako ah.

"Hindi ikaw ang gusto kong makausap, bigay mo kay zeyla yan"

Narinig ko namang tinawag ni jake ang asawa niya at isang tili ang bumungad sa akin.

[YUNI ASARI FATTON!]

Nilayo ko agad sa tainga ko ang cellphone dahil masisira ang ear drums ko.

"Hoy, sorry na! Nakatulog kasi ako kaya hindi na kita natawagan or na text. Sorry"

[Mag sorry ka kay marl! Nababaliw na yon kagabi kung alam mo lang! Bakit hindi ka daw sumasagot ano na daw nangyari sayo. Nako girl konti na lang at pupuntahan ka]

"Naka usap ko na siya kanina. Humingi na ako ng tawad"

[Hay nako buti naman. Nag alala rin ako sayo dahil alam mo naman kapag napraning si marl praning na ang lahat]

"L-lahat kayo nag alala?!" Medyo napalakas ang tono ng boses ko kaya agad kong hinawakan ang bibig ko.

[Muntikan na kung hindi lang pinakalma ni jake]

Kasalanan kasi ni bruhildo ang lahat! Kung sana hindi niya ako dinala sa kwarto niya at kinulong sa mga bisig niya hindi mag aalala ng husto si marl.

Teka ano...? Ahhh hay nako!

[Oo nga pala may party ulit mamaya]

Party na naman?! Wala ba silang kasawa-sawa sa party.

"Oh sino naman ang mag p-party? Kakaparty lang sa kasal niyo may party na naman"

[Basta magugulat ka na lang!]

"Parang kang si marl eh sinisecret"

Tumawa naman ito sa kabilang linya.

[Sige na mag bibihis na ako naka kumot lang ako gaga ka. Babush loveyou! See you!]

"Loveyou too" sabi ko at binaba na ang tawag. Muntikan ko ng malaglag ang cellphone ko ng may biglang nag salita sa kaliwang tainga ko!

"Sino yang kausap mo?" Paos na bulong ni kleo. Nagising ko yata siya!

"Si zeyla. Tinawagan ko kasi hindi ako maayos na nakapag paalam kagabi" sagot ko.

Tumango-tango naman ito.

"Aalis tayo" sabi nito. Kaya nanlaki ang mga mata ko. Bakit ngayon pa! Pwede namang bukas!

"H-hindi pwede i mean hindi ako makakasama señorito dahil may pupuntahan rin ako mamaya" sabi ko. Kailangan ko na yatang itext si marl na huwag niya na akong sunduin.

"Saan ka naman pupunta?" Tanong nito.

Bakit ba kailangan niya pa malaman e dati-rati wala siyang pakialam kung saan ako pumunta.

"Kila ano zeyla. May pupuntahan kami" sagot ko.

"Susunduin kaba nila?" Tanong nito. Hindi agad ako nakasagot dahil nag iisip pa ako ng isasagot ko!

Baka mabadtrip agad toh kapag narinig yung pangalan ni marl!

"Ihahatid na lang kita kung hindi ka nila susunduin" sabi nito. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Ano naba nangyayari sa pag iisip nito?

"Hindi na...susunduin kasi ako ni marl mamaya-"

"Siya na naman kasamahan mo?! Bakit ba lagi mo siyang kasamahan tuwing day off mo yaya?" Tanong nito. Malakas-lakas ang tono ng boses. Sabi na nga ba at mababadtrip ito e.

Hindi agad ako nakasagot sa tinanong nito. Kahit ako ay hindi ko rin alam bakit si marl ang lagi kong kasama minsan. Minsan kasi kapag kasama ko siya pumupunta kami sa mga kaklase namin. Minsan naman sa mall. Kain sa labas. At minsan naman ay pinupuntahan ko ang mga lola ko dito.

"Okay fine, day off nga pala ng yaya ko ngayon so dapat mamamahinga siya at hindi niya dapat kasama ang alaga niya" sabi ni kleo na para bang nag tatampo kaya tumingin ako sa kanya.

Ang lungkot ng mga mata niya o baka kakagising niya lang kaya ganon?

"Basta hindi ka gagabihin yaya yuni." Sabi nito at diniinan ang pangalan ko.

Hindi ko yata ito magagawa. Mag sasalita pa sana ako kaso biglang umalis na ito sa harapan ko.

"Ayusin mo yung kama. Magulo. Ang likot mo kasi matulog" sabi nito at tuluyan na ngang umalis.

"Tss reklamador" bulong ko at pumasok na sa kwarto.

-khyznara

Please vote thankyou!

Señorito's maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now