CHAPTER THIRTEEN

678 22 0
                                    

CHAPTER 13: Agape At Leuros

Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Basta takbo lang ako ng takbo, walang tigil sa pagpatak ang aking luha.

Ngayong araw ay ang pangatlong araw namin sa paghahanap sa magkapatid. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Hinarang kami ng mga taong nakasuot ng itim, 'yung tulad ng kumuha kina Serra.

Mga bandido..

Natagpuan ko ang teddy bear na ibinigay ko kay Seria noon dito sa gubat. Madumi na ito at puno ng dugo...

Sinabi ko kay Xander ang tungkol dito kaya pinuntahan namin. Pero dahil sa mga bandido ay natigil kami sa paghahanap.

Ang sabi ni Xander ay siya na daw ang bahala sa mga bandido. Pinatakbo niya ako palayo para ituloy ang paghahanap kina Serra. Ayoko mang iwanan siya doon, ngunit nagpumilit si Xander na iwanan ko na lang siya kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo.

Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa mapagod ako. Pinahid ko ang mga luhang patuloy na bumagbagsak sa pisngi ko.

Napalunok ako nang mapatingin sa hawak na teddy bear. Puno ito ng dugo...

"Hindi... Hindi sa kaniya ang dugong 'to.." Paulit kong iniling ang ulo.

Takot at kaba ang nararamdaman ko habang nakatingin sa teddy bear. Sobrang dumi na nito at malansa ang amoy dahil sa dugo.

Napapikit ako at napakagat ng labi upang iwasan ang paghikbi. Ang daming senaryo ang pumapasok sa utak ko ngayon, hindi ko ito nagugustuhan.

Napa-upo ako sa tabi ng malaking puno. Napabuntong-hininga ako at niyakap ang teddy bear at muling umiyak. Mariin akong napapikit habang inaalala ang mga masasayang ala-ala kasama ang dalawang magkapatid.

Hindi man naging maganda ang una naming pagkikita, pero hindi 'yon naging hadlang para mapamahal kami sa isat-isa.

Para ko na silang tunay na kapatid. Tinuring ko na silang pamilya kahit sa maikling panahon na magkakasama kami.

Ramdam kong unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko. Simula ng ma-kidnapped sina Serra, hindi na ako nagkaroon ng maayos na pahinga at pagtulog.

At siguro dahil sa puyat at pagod, nakatulog ako sa gitna ng kagubatan. Yakap-yakap ang teddy bear na puno ng dugo....

_________

Nagising ako sa hindi malamang dahilan. Unti-unti kong minulat ang mga mata, bumungad sa akin ang hindi pamilyar na kisame. Nasaan ako?..

Mabilis akong napa-upo. Napahawak pa ako sa ulo ko ng bigla akong nahilo. Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto.

Ang lahat ng gamit ay malinis, halatang inalagaan ang mga ito. Nanunuot rin sa aking ilong amoy ng bulaklak sa buong kwarto.

Teka nga lang, sa gubat ako nakatulog, hindi ba? Paanong napunta ako dito?

"Gising ka na pala, maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Napalingon ako sa pinto dahil bumukas ito. Dahan-dahang pumasok ang isang babae na ikinalaglag ng panga ko. May hawak itong tray na naglalaman ng pagkain.

Nanlalaki ang mga mata ko habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw niya. Mahinhin at elegante.

"Nagugutom ka ba?"

Bigla akong natauhan sa tanong nito. Mahina itong napatawa sa reaksyon ko. Kahit ang pagtawa niya ay napakahinhin, ang sarap sa pandinig.

"A-ahm.. Sin-sino ka?" Napalunok ako pa ako sa tanong ko.

Before The Coronation Where stories live. Discover now