CHAPTER SEVEN

316 9 0
                                    

CHAPTER 7: In Danger Again

Halos ilang oras na akong naglalakad dito sa gubat. Luckily, wala akong nakaharap na mababangis na hayop. Patingin-tingin din ako sa paligid, baka sakaling may puno ng prutas. Kanina pa kasi ako nagugutom.

Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako. Hindi ko alam kung anong nagyari kagabi, pero nagising na lang ako sa isang kubo. Balak ko pa nga sanang magpahinga doon kaso nga lang may nakatira pala. Tsk!

Kainis! Ni hindi man lang ako pinatuloy sa kubo.

"Tsk. Mukha ba akong magmanakaw? Babaeng 'yun! Napaka-jugemental." Inis kong sinipa ang isang bato habang naglalakad.

Dalawang beses na akong nailigtas ng hindi ko kilala, I guess luck was in my side. Pasalamat na lang talaga ako sa kanila. Hays...

"Now what should I do?" Tanong ko sa sarili.

I'm in the middle of the forest. San Jacinto Forest, to be specific. Ito ang pagitan ng Verxus at Suffiron.

So.. Kailangan kong makapunta sa Suffiron Kingdom. Plano ko nga palang tulungan si Agape. Tumango-tango ako habang naglalakad. Pero... May paraan ba para makabalik ako sa mundo ko? I badly miss my family.

Kailangan kong mag-ingat. Hindi pa ako sigurado sa dinadaanan ko, malay ko ba kung papuntang Verxus Kingdom pala ang daan na 'to? Edi namatay ako nang wala sa oras. Hindi basta-basta nagpapapasok ng mga tagalabas ang Verxus Kingdom, parusa agad ang bubungad sa iyo kapag tumapak ka sa teritoryo nila ng walang paalam sa hari nila.

Tsk! Puro na lang hari ang nasusunod.

Ay, oo nga pala! May nabasa akong theory tungkol sa hari ng Verxus Kingdom, na baka siya ang papatay kay Agape. Kaya kailangan kong magmadali ngayon.

Tinakbo ko na ang daan na tinatahak ko. Bawat hakbang ko sa pagtakbo ay may dalang kaba sa akin dahil sa mga bitag.

Huminto ako sa pagtakbo at napahinga ng malalim. Malayo-layo na rin ang natakbo ko. Medyo nanghihina na ako dahil sa gutom pero kaya ko pa naman tumakbo. Akmang ihahakbang ko na ang paa ko nang napatigil ako. May naririnig nanaman akong mga boses... but this time, boses na ito ng mga bata.

"Kulang pa ang mga ito."

"Pero ate, masakit na ang mga paa ko!"

"Huwag nang makulit, Seria. Sige ka, wala tayong makakain mamaya kung hindi tayo makakabenta ng mga sampaguita!"

"Pero..."

Agad akong nagtago sa isang puno. Sinilip ko sila at nakita ko ang dalawang bata. Pareho silang babae at may mga hawak na sampaguita. Kung pagbabasehan ang kanilang mga kasuotan, mukha silang mga pulubi dahil sa dumi nito at punit-punit na rin. Halata rin sa katawan nila ang pagkapayat.

Umatras ako ng kaunti ngunit naka-apak ako ng mga tuyong kaya lumikha ito ng ingay. What the! Ano ba 'yan, magtatago na nga lang palpak pa!

"Sinong nandiyan?.. May tao pa diyan?"

Napabuntong-hininga ako at nagpasyang lumabas sa pinagtataguan. Agad na bumakas ang gulat at takot sa mga mata nila nang makita ako.

"Teka, sandali.. Hindi ako masamang tao." Mabilis kong saad dahil nakita ko ang pag-atras nila palayo sa akin. Hindi ako sanay na kinatatakutan ng mga bata dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Isang batang walang laban sa nananakit sa kaniya...

"G-gusto ko lang magtanong..?" Napakamot pa ako ng batok.

"Ah, malapit lang ba dito ang Suffiron Kingdom?" Nakangiting tanong ko.

Tumango ang isang babae. Iyong may hawak na sampaguita, samantalang nakatago naman sa likod niya ang isang batang babae.

"Pwede niyo ba akong... samahan papunta doon?" Nagdadalawang-isip pa ako sa tanong ko. Baka kasi hindi pumayag eh.

Before The Coronation Where stories live. Discover now