CHAPTER SIX

316 13 0
                                    

CHAPTER 6: Savior

I am the type of person who doesn't believe in karma. Pero parang unti-unti na akong naniniwala doon dahil sa sitwasyon ko ngayon. Right now, regret slowly eating my whole system. I know this is all may fault. Ang sabi nga nila 'Nasa huli ang pagsisisi'.

Being captured by this ugly hunters is the worst thing happened to me. Mahigpit nila akong itinali sa isang puno habang sila ay naka-upo sa paligid ng campfire. Tsk.

Gumabi na lamang at hindi pa rin ako binabalikan nung lion. Walang utang na loob!

Inis kong nilingon ang tatlong lalaki na nagkakatuwaan ngayon. Swerte pa nga ako ngayon dahil wala pa silang ginagawa sa akin. Honestly, kanina pa ako nag-ooverthink dahil sa mga nangyayari.

Paano kung patayin nila ako?
Paano kung i-rape nila ako?
Kamusta na kaya sila Kuya Marshal?
Hinahanap na ba nila ako?

Napayuko na lang ako. Ano nang gagawin ko? Pero... Sa tingin ko, ang una kong dapat gawin ay ang maghabap ng impormasyon tungkol sa lugar na 'to. Para may idea naman ako kung nasaan ako. Muli kong nilingon ang tatlong lalaki.

"Hey!"

Agad naman silang lumingon sa akin. Nakataas pa ang mga kilay nila. Tsk. Taray!

"Ano nanaman ba?" Iritang tugon sa akin nung Barron. Napairap na lang ako. Dapat nga ako ang mairita sa kanila eh!

"Anong lugar ba 'to?" Kunot noong tanong ko.

Nagkatinginan silang tatlo at malakas na humagalpak ng tawa. What the! May nakakatawa ba sa tanong ko? Mga ugok!

"Sayang pre! Ang ganda sana kaso nga lang walang alam, Haha!" Sinamaan ko ng tingin si Berto dahil sa sinabi nito. Kung alam niya lang na top 1 ako sa klase!

"Nasa San Jacinto Forest tayo. Pagitan ng Verxus at Suffiron Kingdom." Wait...

Verxus and Suffiron... What?!

"Damn!" Malakas na sigaw ko dahil sa gulat.

So, I'm in the world of Agape?! Shet! The novel 'Queen Agape'!

Suddenly the fear in my mind turned into excitement. Well, I'm in the world of the novel 'Queen Agape', pwedeng-pwede kong makita sa personal ang mga character sa novel. Iniisip ko palang na makikita ko si Agape, na-eexcite na ako!

"How about Agape? Kilala niyo siya?"

"Ah, 'yung prinsesa ng Suffiron Kingdom?"

Mabilis naman akong tumango pero ilang segundo silang natahimik. Oh, problema nila?

"Bakit?" Ngiwing tanong ko nang biglang sumeryoso ang mukha nilang tatlo. Luh? Kanina lang ay nagtatawanan pa sila ah?

"Ang lahat ng tao sa Suffiron Kingdom ay nagkakagulo. Alam mo kung bakit? Syempre hindi! Wala ka ngang alam diba?" Nakangising pang-aasar ni Barron. Napapikit na lamang ako sa sobrang inis. Hindi na lang ituloy ang sinasabi, kailangan pang mang-insulto. Tsk. Damn this Barron!

"Nagbigay na ng babala ang Verxus Kingdom na sasakupin nila ang Suffiron Kingdom." Pagpapatuloy ni Greg.

Napahinga naman ako ng malalim. Kung ganun, nasa kalagitnaan na pala ako ng kuwento. This is the part where the ruler of Suffiron Kingdom will make their biggest mistake.

Wait... Maybe, I can do something to prevent the death of Agape?

Yes, that's right! Tutulungan ko si Agape na maiwasan ang pagkamatay niya, since nabasa ko naman na ang buong novel.

Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ng ingay sa madilim na parte ng gubat. Napalunok ako dahil sa takot, paano pala kung galing 'yun sa mabangis na hayop?

Before The Coronation Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora