CHAPTER FOUR

361 14 1
                                    

(The photo is not mine. Credits to the rightful owner. Source:Google, DeviantArt)

CHAPTER 4: The Painting

Bakit hindi ko 'to naisip? Hays, na-excite ba naman ako ng sobra kaya nakalimutan ko ang tungkol kay Kuya Marshal. Nasabi ko bang napaka-strict niya?

Right now, I'm in front of Kuya Marshal. Tsk. Ilang oras na ba akong nakiki-usap dito? Para naman akong nakikipag-usap sa isang bato eh!

"My answer is no. It's a N.O. Ari.." Napasimangot ulit ako.

"Pero kuya! Sandali lang naman ako tapos uuwi din agad. Doon lang naman 'yun sa tapat ng 'Star Park' eh!" Kumunot naman ang noo nito. Naging seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

"Star Park?" Ahmm..

"Yes, kuya. Sa museum kasi ang punta ko."

"Museum?!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaan nitong pagsigaw. Luh?

Mas lalong dumilim ang mukha niya kaya napaatras ako nang wala sa oras. Baka kasi masapak ako eh.

Weird.. Why he is acting like that? May masama ba sa 'STAR PARK' at 'MUSEUM'?

"No." He coldly said and then leave. Napabuntong-hininga na lang ako.

Sayang naman kasi 'yung invitation! Tsk. Napatitig ako sa pintuan kung saan lumabas si kuya. I smirk when something came up in my mind. Kung hindi siya payag, it's not a problem... Edi umalis nang hindi nalalaman! Saglit lang naman ako doon eh.

Nakapamulsa akong naglakad papunta sa kuwarto ko. Hmm... I need to make a plan for my 'Operation: Tumakas kay Kuya Marshal'.

I know that what I'm about to do is wrong. Pero.. hindi ko kasi talaga matiis. If something bad happens to me, kasalanan ko na 'yun. Aamin naman ako kapag nagkagulo-gulo na.

Pumasok na ako sa kuwarto ko at nahiga sa kama. Nakakapagod ang araw na 'to. Ang daming weird na nangyayari! But yeah, it's pretty worth it because of the invitation. A smile formed in my lips. Sleep tight, Ari. May mission ka pa bukas...

_______

Based in the invitation, the start of the opening will be held at exact 8:00 A.M. So yeah, hindi ko na pala kailangang tumakas kasi may pasok naman ako. Pwede namang dumeretso na lang ako sa museum.

As I eat my breakfast, I felt Kuya Marshal's stare. Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil sa tingin niya.

"Ihahatid kita sa school para siguradong hindi ka pupunta kung saan-saan." Saad nito bago uminom ng tubig at tumayo. Tiningnan muna ako nito kaya napayuko ako. Tsk....

"It's for your own sake, Ari. 'Wag matigas ang ulo." Seryosong ani niya sa akin at pinanliitan pa ako ng mga mata. Wala akong ibang nagawa kundi tumango na lang. I guess I don't have any choice.

Tumayo na ako at iniligpit ang mga kinainan. Pagkatapos ay dumeretso ako sa kuwarto ko para magligo at magbihis.

Matapos kong mag-ayos ay tumayo ako sa tapat ng salamin. Okay... I wonder, nasaan na kaya ang biological mother ko? Everytime na haharap ako sa salamin, ang totoong nanay ko agad ang naiisip ko. Mapait akong napangiti. Hays, ewan!

Ngumisi lang ako at lumabas na ng kuwarto nang marinig ang pagtawag ni Kuya Marshal.

Kinuha ko na ang bag ko at sumakay sa kotse ni Kuya. Lahat sila may sasakyan, ako lang ang wala. Well, hindi naman kasi ako mahilig sa mga kotse kaya hindi na ako nagpabili. At saka alam ko rin naman na hindi nila ako papayagan magdrive.

Nang makarating sa University ay agad akong bumaba. This is it..

"Ari."

Napalingon ako kay Kuya Marshal. Hindi pa pala nakaka-alis.

Before The Coronation Where stories live. Discover now