CHAPTER FIVE

326 16 1
                                    

CHAPTER 5: Help

Nagising ako dahil sa tumamang ilaw sa mukha ko. Agad akong napabalikwas ng bangon nang maalala ang nangyari.

Wait... I was in the museum, then I felt dizzy and an intense pain in my head and..

Did someone.. pushed me?

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Right now, I'm in a forest. Tumayo ako at nagpasyang maglakad pero napatigil ako nang makita ang isang ilog malapit sa puwesto ko.

Teka, sa pagkaka-alala ko, nalulunod ako. And then, when I'm slowly losing my consciousness, someone grip my waist and then lift me up. Sa tingin ko, isa itong lalaki dahil medyo naaninag ko pa naman 'yung katawan niya bago ako tuluyang pumikit.

So the question is, who is that man?..

Hindi man lang ako hinintay magising, hindi tuloy ako nakapagpasalamat. Tsk. Well, kasalanan niya na 'yun, bahala siya.

Napayakap ako sa sarili nang biglang humangin ng malakas. Basa ang buong katawan ko pati na rin ang suot kong school uniform.

Ano ba kasing lugar 'to? Did I teleport here through the painting? Does that painting is some kind.. of portal?

Heck, ang daming tanong ang bumabagabag sa akin ngayon. Hindi naman ako masyadong nagpapanic dahil may mga fantasy stories/novel na rin akong nababasa na tulad sa sitwasyon ko ngayon.

Tulad na lang ng mga novel na na-reincarnated o na-transmigrated 'yung main character sa isang novel, then it's either siya ang villain or siya ang bida...

Dahan-dahan akong lumapit sa ilog para makita ang itsura ko. Kadalasan kasi sa mga nababasa ko, napupunta iyong kaluluwa nila sa katawan ng character sa novel.

"I'm still in my original body... So, it means hindi lang kaluluwa ko ang napunta sa lugar na 'to, pati na rin ang katawan ko." Mahinang bulong ko dahil baka may makarinig sa akin. Isipin pa na isa akong baliw.

'Ggrrrr'..

Nanigas ako sa pwesto ko nang marinig ang isang alulong. Dahan-dahan ko itong nilingon at halos manlaki ang mga mata ko.

Shit! Isang lion... pero kulay black?..

Napaatras ako nang wala sa oras dahil sa itsura nito na handa na akong kainin. Kailan pa nagkaroon ng black na lion?!

"S-sandali l-lang naman..." Kinakabahang saad ko.

Sa isip ko, tinatawag ko na ang lahat ng mga santo, pati na rin lahat ng superheroes basta makaligtas lang ako dito! Damn, anong gagawin ko?! Halata naman sigurong wala akong laban sa lion na 'to. Wala na rin akong maatrasan dahil baka mahulog ulit ako sa ilog..

The black lion suddenly growl loudly. Mabilis itong tumakbo sa akin kaya napasigaw ako. Dali-dali akong umiwas sa atake nito.

The hell! Wala bang tao dito? I badly need help...

Shit, is this my karma? For disobeying my brother? For being a stubborn? Sana pala hindi na lang ako tumuloy sa museum...

Naiiyak kong binalingan ng tingin ang lion na ngayon ay papalapit sa akin. This is all my fault. Tuluyan na akong napapikit nang makalapit na ito sa akin.

Ilang segundo ang lumipas pero wala akong naramdamang kahit anong sakit. Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko. Napahiga ako ng maluwag nang makitang naka-upo lang ito sa harap ko.

Luh? Akala ko ba kakainin ako nito?

Nakatitig lang ito sa akin at naka-upo sa harapan ko na parang isang aso. Napalunok ako at dahan-dahang tumayo.

Before The Coronation Where stories live. Discover now