CHAPTER TWENTY ONE

148 5 0
                                    

CHAPTER 21: Secrets

Third Person POV

"Anong nangyari? Did you found my daughter?"

"Mahal na reyna, ikinalulungkot ko pong sabihin na hindi namin siya nahanap dahil sa kaguluhang nangyari sa bayan." Yumuko ang Heneral sa reyna bilang tanda ng pagrespeto.

Malungkot na tumango ang reyna sa Heneral. Nag-aalala para sa kaniyang anak ngunit wala siyang magawa upang mahanap ito.

"Maraming salamat, maari ka nang umalis." Saad ng reyna.

Tumalikod na ang ito ngunit bago pa man makahakbang ang reyna ay nahinto siya nang maramdaman ang paghawak ng heneral sa kaniyang braso. Hindi niya ito nilingon at pilit na hinihila ang sariling braso.

"Agatha," Seryoso ngunit marahang sambit ng heneral sa pangalan ng reyna.

Silang dalawa lang ang nasa loob ng bulwagan ng palacio. Walang sino man ang nakakarinig sa kanilang pinag-uusapan kung kaya't malakas ang loob ng heneral na tawagin sa pangalan ang reyna.

Siguradong kamatayan agad ang parusa sa heneral kung ito ay makakarating sa hari.

"Kailan mo sasabihin sa kaniya ang totoo? Hindi na ako makakapaghintay, Agatha!"

Hinarap ng reyna ang heneral at marahang tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa braso niya.

"Effren, hindi ganoon kadali ang gusto mong mangyari. Alam kong matagal ka nang naghihintay, ngunit--"

"Ngunit ano? Hindi mo pa rin kayang gawin? Ilang beses ko nang narinig iyan mula sa iyo! Wala ka na bang ibang madahilan, Agatha?" Mahinang natawa ang heneral ngunit walang bahid ng kasiyaan ang kaniyang boses.

Napayuko na lamang ang reyna. Hindi siya makasagot sa tanong ng heneral dahil alam niya sa sarili na totoo ang lahat ng sinabi niyo.

Mahina siya.

"I-I just c-can't... Kailangan k-ko pa ng oras." Nagsimulang tumulo ang mga luha ng reyna.

Lumambot ang ekspresyon ng heneral. Hindi siya nagdalawang-isip na hilahin ang reyna upang ito ay yakapin. Hindi na pumalag pa ang reyna at umiyak na lamang sa bisig ng heneral.

"Kung hindi mo talaga kaya, sabihin mo lang. Ako na ang magsasabi na..." Humigipit ang yakap ng heneral sa reyna. Inilapit niya ang mukha dito at bumulong.

"... Ako ang tunay na ama ni Agape at hindi ang hari."

------

Ferin POV

Isang nakakabinging sigaw ang pumalibot sa buong kagubatan ng San Eduardo. Sigaw na nanggaling sa isang Archro.

Napa-iling na lamang ako dahil kanina pa ako maghihintay kay Sadro ngunit hindi pa niya napapatay ang archro. Isa lang itong gagamba na sin laki ng tao.

"Ano na, Sadro?! Ang tagal mo naman!" May bahid ng inis kong sigaw.

Inis kong sinipa ang isang bato at saktong tumama ito sa ulo ng archro. Agad namang nabaling ang atensyon nito sa akin kaya hinanda ko na ang patalim ko para makipaglaban.

Tumakbo papalapit sa akin ang halimaw ngunit bago ito makalapit sa akin ay natumba na ito.

"Ferin naman! Laban ko 'to, huwag kang mangi-alam. Kung gusto mong makipaglaban, humanap ka ng kalaban mo!" Nakasimangot akong tiningnan no Sadro.

Hindi na ako sumagot sa kaniya at tumakbo na lang palayo doon. Tutal wala naman kaming misyon ngayon, mabuting mag-ensayo na lang din ako.

Isinukbit ko ang patalim sa beywang ko at umakyat ng puno. Sumampa ako sa isang sanga at tumalon sa katabi nitong sanga.

Ramdam ko ang hangin na tumatama sa aking mukha habang tumatalon ako. Masyadong malamig ang simoy ngayong gabi, ngunit hindi ako nilalamig dahil sanay na ako.

Sampung taong ang nakakalipas nang mapadpad ako sa mundong ito.

Tama, hindi talaga ako nakatira sa mundong ito sa simula palang. Tanda ko pa ang orihinal na mundo kung saan ako nanggaling at kung hindi ako nagkakamali, Earth ang tawag doon.

Sa lumipas na sampung taon, nasanay na ako sa mga bagay sa mundong ito. Unti-unti kong nakakalimutan ang orihinal kong pinanggalingan ngunit hindi ang kaniyang mukha.

Arianna..

Sa mga oras na iyon, alam kong nagsisinungaling siya nang sabihin niyang Ariel ang kaniyang pangalan.

Akmang tatalon na sana ako sa susunod na puno nang makaramdam ako ng presensya. Mukhang napalayo ako sa pwesto ni Sandro.

Isiniksik ko ang sarili sa likod ng puno at nagtago sa mga dahon nito. Kampante akong hindi ako nito makikita sa pwesto ko dahil nasa itaas pa rin ako ng puno.

"Hmmm... Hmm..."

Mula sa itaas ay kita ko ang isang pigura ng tao. Nakasuot ito ng itim na balabal na tumatakip sa buong mukha at katawan niya. Pero base sa paghuni niya kanina ay isa siyang lalaki.

Sino naman ang isang 'to?

Lumingon-lingon ito sa paligid kaya mas lalo akong nagtago. Ramdam kong hindi basta-basta ang taong ito.

Makalipas ang ilang minuto ay nakatayo lang ito sa isang pwesto. Mukhang may hinihintay ang isang 'to, pero sino?

"Hindi ka ba lalabas?"

Natigil ako sa sinabi nito. Mukhang alam niyang hindi lang siya ang nandito. Napangisi ako dahil doon, magandang laban 'to!

Akmang lalabas na ako nang may nauna na sa akin. Unti-unting nawala ang ngisi sa aking labi ng makita kung sino ito.

"Sabi ko na nga ba't nasa paligid ka lang e, may kailangan ka?" Matunog na ngumisi ang lalaking naka-itim na balabal.

"Ngayon na ang tamang oras."

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan ng lalaking naka-itim na balabal. Napahawak pa ito sa kaniyang tiyan habang tumatawa.

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo at walang nakakatawa sa sinabi ko." May bahid ng inis na saad ng baging dating.

Nakita ko ang marahang pag-iling ng lalaki.

"Paano mo nasabing ngayon na? E, hindi pa nga na-ikakasal ang prinsesa sa hari ng Verxus Kingdom."

"Hindi na iyon mangyayari, lalo na't tumakas ang aking anak."

Muling humalakhak ang lalaki ngunit wala na itong bahid ng kasiyahan. Tila nang-aasar ang tono nito.

"So, what's the plan?"

"Wala ang kwintas ng dragon sa prinsesa, nasa ibang tao."

"And? Who's that person?"

"A girl who came from another world. Her name?.. Arianna."

Nanigas ang katawan ko nang marinig ang binaggit niyang pangalan. Arianna?

Ngunit, bakit parang natigilan din ang lalaki?

"Bakit ganyan ang reaksyon mo? Wala ka naman sigurong koneksyon sa kaniya, hindi ba Marcel?"

Marcel? Tunog pamilyar para sa akin.

Muling natawa ang lalaking si Marcel at lumapit sa kausap nito.

May binulong si Marcel sa kausap at muling tumawa ng malakas. Kung ako ang tatanungin, mukha siyang baliw.

Dama ko ang presensyang nanggagaling sa dalawang 'to. Nakakapagtaka ang pagkakakilanlan nila, tila mas nag-uumapaw ang kanilang presensya, bagay na tulad sa presensya ng aming presensya.

Ngunit ang mas nakapagtataka, bakit nandito ang hari? At hinahanap pa niya ang kwintas ng dragon na imposibleng meron pa dahil ayom sa kasaysayan ng mga dragon, matagal nang naubos ang lahi nila.

Kailangan malaman ng prinsesa ang tungkol dito, lalo na sa hari ng kahariang ito.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon