CHAPTER NINE

250 7 1
                                    

CHAPTER 9: Suffiron Kingdom

Simula noong mapunta ako sa mundong ito, wala ng magandang nangyari sa buhay ko. Ilang araw pa nga lang ako dito, sukdulan na ang kamalasang naranasan ko, paano pa kaya sa susunod pang araw? Sigurado akong hindi ko na kayang mabuhay dito.

Abot-abot ang pasasalamat ko sa dalawang bata dahil binalikan nila ako. Yeah, they did really call for help. Kasama nila ang mga kawal ng Suffiron Kingdom. I don't know how those two call for help.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas noong inatake kami ng mga sagar. Nagising na lang ako bigla dahil sa ingay ng paligid. Akala ko nga patay na ako pero hindi pa pala. Nakita ko rin ang anim na katawan ng sagar malapit lang sa akin.

Pero naaalala ko na apat lang ang natalo ko noon, hindi ko alam kung paano namatay ang dalawa pa.

Sa isang puno doon ay may nakasulat na mensahe para sa akin siguro? I'm not sure. It say that, he/she is the one who saved me from those sagar. Ang sabi pa doon 'You owe me twice'. Hindi ko alam kung bakit naging dalawang beses, siguro dahil dalawang sagar ang tinalo niya?

Hindi ko alam kung anong pangalan niya dahil wala namang nakasulat, hindi ko nga rin alam kung babae ba siya o lalaki. It only says that he/she is X.

So that person is X. Maybe it's his/her initial.

Right now, I'm living with Serra and Seria. Matapos nila akong matagpuan, pansamantala nila akong pinatira sa bahay-kubo nila. And I'm really thankful for that. Honestly, hindi naman ako maarte sa mga bagay-bagay kaya ayos lang.

Napansin ko rin ang pag-iiba ng ugali sa akin ni Seria. Lumalapit na siya sa akin nang walang takot, minsan iniirapan pa rin ako pero ayos lang naman.

About my wounds and injuries, I don't know how it was healed. Pati nga si Serra at Seria ay nagtataka kung bakit nawala ang sugat ko, eh kitang-kita nila kung paano ako makagat ng sagar.

"Arianna, handa ka na ba? Pwede namang kami na lang ang magbenta ng sampaguita. Magpahinga ka na lang dito." Umiling lang ako kay Serra. Ayos na ako sa tatlong araw na pahinga at gusto ko rin makalibot sa Suffiron Kingdom.

"Tutulong ako." Masayang saad ko at maingat na kinuha ang ilang sampaguita.

Napakamot lang siya sa batok saka tumango. Sumunod ako sa kaniya palabas ng kubo. Nasa labas na pala si Seria, may dala rin siyang basket na puno ng sampaguita.

"Sa tapat tayo ng Simbahan magbebenta ng sampaguita, araw ng linggo ngayon kaya sigurado akong maraming tao ngayon sa Simbahan."

Naglakad na silang dalawa kaya sumunod na lang ako. Sila kasi ng nakaka-alam sa daanan papunta doon.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mamangha. This place looks so lively!

Kahit umaga pa lang ay marami nang tao sa labas. Maraming tindahan ang makikita sa bawat gilid ng kalsada. Ang mga tao ay nagkakatuwaan, nagkukwentuhan at nagkakasiyahan. Parang isang normal na bayan lang kung tutuusin.

Ang bayan na ito ay tinatawag na Gielo Town ng Suffiron Kingdom. Base sa nabasa ko sa novel, ang bayang ito ay kilala dahil sagana sila sa mga prutas.

Napangiti habang nililibot ang tingin sa buong lugar.

Chapter 12: Date. Dito nangyari ang date ni Agape at Leuros. Ang chapter na 'to ang pinaka nag-trend dahil sa sobrang kilig na maramdaman ng mga reader.

Sayang lang hindi ko naabutan...

"Ate, tingnan mo ang ganda!" Napatingin ako sa tinuro ni Seria. Isa pala itong malaking teddy bear. Kaso nga lang bago makuha iyon, parang kailangan mong matamaan ang gitna ng target. Easy!

Before The Coronation Where stories live. Discover now