CHAPTER FIFTEEN

163 3 0
                                    

CHAPTER 15: Dragon

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko. Ilang beses ko mang itanggi sa isip ko pero hindi ako nagkakamali na nandito talaga ito sa harap ko. I just can't believe it. Really.

A Dragon. Yes, nasa harap ko ngayon ang isang kulay itim na dragon.

Sa pagkaka-alam ko, walang dragon sa novel ng 'Queen Agape'! Lahat ng creatures na nasa novel ay mga halimaw lang. So how?..

Ang itim na dragon ay nakatitig lang sa akin. Those purple eyes are creeping me out! And to be honest, this dragon doesn't look like an ugly monsters. It's more like, a magical dragon. I don't know...

Malalim akong napabuntong-hininga. Hindi ko pa nahanap si lola Anasya, kanina pa. At Dahil madilim na, sigurado akong mas mahihirapan ako sa paghahanap.

But then, I suddenly remember the voice. The scream! I'm pretty sure na kay lola Anasya 'yun!

Akmang tatalikod na ako nang hindi ko magalaw ang katawan ko. Bigla na lang humakbang ang mga paa ko papunta sa dragon na ikinalaki ng mata ko.

What the hell! Kinokontrol niya ang katawan ko!

Ilang hakbang pa ang ginawa ng katawan ko bago ako makalapit sa dragon. Hindi ko maiwasang matakot. Kung sakali mang kainin ako ng dragon na ito, iyon na ang katapusan ko dahil alam kong wala akong laban dito.

"Iha..." Natigilan ako. Nakanganga akong nakatingin sa dragon.

"Lola Anasya?..." Hindi ako sigurado. Baka kasi namali lang ako ng pagkakadinig.

Ang dragon na 'to? Si lola Anasya ang dragon na 'to? Haha, impo--

"Ako nga, iha."

Nagulat ako nang bigla nitong itinaas ang mga pakpak at ibinalot sa sariling katawan. Napalayo ako ng kaunti dahil sa pagbalot sa kaniya ng itim na usok. And oh? Nagagalaw ko na ang katawan ko.

Matapos mawala ng usok ay bumungad sa akin ang isang matandang babae.

Si lola Anasya...

Ngumiti ito at lumapit sa akin. Marahan niyang hinawakan ang mga kamay ko at tinitigan ako sa mga mata.

"Arianna Venice Samonte. Alam kong madaming katanungan ang bumabagabag sa utak mo ngayon."

Kahit na gulat na gulat na ako ay nagawa ko pa ring tumango. How come she knows me?..

"Ikaw--"

Naputol ng maraming angil ng halimaw ang pagsasalita ko. Parehas namin itong nilingon ni lola Anasya at ganoon na lamang ang takot ko nang makita ang maraming halimaw na papalapit sa amin.

"Lola! Ang dami nila, paano na 'yan?!" I stared to panic. Nilingon ko si lola Anasya na seryosong nakatingin sa mga halimaw.

"Paanong nakapasok ang mga halimaw na ito dito? Nilagyan ko ng barrier ang buong gubat upang protektahan ang prinsesa na naninirahan dito." Nagtataka ang mukha ni lola Anasya.

Napalunok ako. May barrier pero nakapasok ang mga halimaw, paano nangyari 'yun?

"Gamitin mo ito, iha. Alam kong magaling ka sa paggamit nito." Napakunot ako ng noo nang ibigay niya sa akin ang kulay silver na pana. Okay...

Hindi agad ako naka-react nang magtransform si lola Anasya sa pagiging dragon ulit. Tulala akong nanonood kung paano niya bugahan ng apoy ang mga halimaw.

Bigla akong natauhan sa pag-angil ng isang halimaw sa harap ko. Mabilis akong umiwas sa pag-atake nito. Hindi ko alam kung anong tawag sa halimaw na 'to. Itinaas ko ang hawak na pana pero napamura nang wala sa oras.

Before The Coronation Where stories live. Discover now