CHAPTER TWENTY SEVEN

105 2 0
                                    

CHAPTER 27: His Name

"Binibini, pwede po bang magtanong?"

Binalingan ko ng tingin si Ara na nagpupunas ng bintana.

Isinarado to muna ang librong binabasa ko at tumango. Agad naman siyang ngumiti at lumapit sa pwesto ko.

"Ano bang itatanong mo? Siguraduhin mo lang na hindi iyan kalokohan, baka makaltukan kita ng wala sa oras." Nangiwi siya sa sinabi ko.

"Hindi naman po, hehe." Kumamot ito sa ulo bago umupo sa kaharap kong upuan.

"Ahm.. Nasaan po ang pamilya niyo?"

Natigilan ako sa tanong nito. Unti-unti ay bumalik sa akin ang mga ala-ala kung saan kasama ko pa sila mama at papa, sina kuya Marshall at kuya Marcel at ang kaibigan kong si Cindy..

Matagal na panahon na rin pala ang nakalipas simula nang mapunta ako sa mundong ito. Halos mawala na sila sa isipan ko.

"A-ah, Binibini! Ayos l-lang po ba k-kayo?"

Natauhan ako ng marinig ang natatatantang boses ni Ara. Napakurap ako ang ilang beses. Doon ko lang napagtanto na umiiyak na pala ako.

Mabilis kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko at pilit na ngumiti sa kaniya.

"A-ayos lang ako, huwag kang mag-aalala. Napuwing lang ako, ang dami kasing alikabok, e! Sige, alis na muna ako."

Dali-dali akong tumayo at naglakad paalis. Mabilis akong naglakad papunta sa kwarto ko.

Naninikip ang dibdib ko at lumalabo na rin ang mga paningin ko dahil sa luha.

Nami-miss ko na sila. Gusto ko nang umuwi sa amin at magpahinga. Gusto kong matamdaman muli ang yakap ni mama sa akin tuwing nalulungkot ako. Gusto ko nang makita ang ngiti ni papa na nagpapagaan sa pakiramdam ko tuwing may problema ako.

Pero paano iyon mangyayari kung nandito ako sa mundong ito? At wala pang kasiguraduhan kung makakabalik pa ako.

Paano kung hindi na ako makabalik?
Paano kung akala nila nilayasan ko sila?
Paano kung magalit sila sa akin?
Paano kung isipin nilang patay na ako?

Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin sa mundong ito. Natatakot akong mamatay nang hindi man lang nakakapag-sorry sa mga magulang ko sa lahat ng kasalanang ko.

Nakakalungkot na nag-iisa ako sa mundong ito.

Mas lalo akong mapahikbi sa mga tanong na gumugulo sa isipan ko ngayon. Ang sakit sa pakiramdam, hindi ko kakayanin kung malaman kong galit sila mama at papa sa akin. Hindi ko kaya...

Nanghina ang mga tuhod ko at napa-upo na lamang sa isang sulok. Tinakpan ko ang bibig ko upang walang makarinig ng bawat hikbing lumalabas sa bibig ko.

Akala ko walang nakakarinig, pero nagkamali ako.

Napatitig ako sa isang pares ng magagandang sapatos na nasa harapan ko. Itinaas ko ang ulo ko at nakita siya.

Napatingin ako sa puting panyo na inaabot niya sa akin. Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ito pero sa huli, tinanggap ko rin.

Hindi ko alam pero mas lalo akong napa-iyak. Siguro... Hindi naman ako nag-iisa dahil nandito siya.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Hindi ko na siya nilingon. Gamit ang panyong binigay niya ay pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko.

Katahimikan ang bumalot sa pagitan naming dalawa. Tanging ang paghinga lang namin at pagsinghot ko ang maririnig.

Grabe, ano kayang itsura ko ngayon? Nakakahiya naman kung makita niya akong may tumutulong sipon sa ilong habang umiiyak.

"Why are you crying?" At sa wakas, may nagsalita na.

Napabuntong-hininga ako at iniyuko ang ulo. Kapag sinabi ko bang hindi ako mula sa mundong ito ay paniniwalaan niya? Syempre hindi. Sino bang maniniwala sa ganun? Baka isipin niyang baliw ako.

"I miss my family.." Sagot ko. Sa tagal ng panahon na nakalipas ay nakapag-english din.

Medyo nahawa na kasi sa purong pagtatagalog ng mga tao dito. Meron namang nag-e-english din.

"Is that so? Bakit hindi mo puntahan? You know, you can.... leave this place whenever you want."

Nabaling ako ng tingin sa kaniya. Napakunot ako ng noo nang makitang hindi ito nakatingin sa akin. Ako ba ang kausap nito?

"Paano ko sila mapupuntahan kung hindi ko alam kung paano?"

"Not my problem." Aba't, gago to ah?

Panira naman ng moment! Inis kong iniwas ang tingin sa kaniya. Sasagot na nga lang, pabalang pa.

"Kung ganiyan naman din pala ang sagot mo, edi sana hindi ka nagsalita pa." Inirapan ko ito.

Akmang aalis na ako nang may biglang pumasok sa isip ko. Oo nga pala, ang tagal ko nang nandito pero hindi ko pa rin alam kung anong pangalan niya at kung bakit niya ako dinala dito sa mansyon niya.

"Teka sandali, anong pangalan mo?" Kunot noong taong ko.

Napalingon naman siya sa akin. Kita ko ang pagkabahid ng inis sa mukha niya habang tinitingnan ako. Bakit ba? Kasalanan ko bang hindi siya nagpakilala sa akin?

"You didn't know my name?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?"

Sinamaan niya ako ng tingin kaya napangiwi ako. Kumamot ako sa batok at napanguso.

"You've been here for almost half a month and still don't me, huh? How amusing.." Mahina siyang napatawa habang nakatingin sa akin.

Ilang segundo akong napatitig sa mukha niya. It's my first time seeing him laughing. Lagi kasi itong wala sa mansyon, at kung nandito naman siya, laging nakasimangot.

Bigla itong tumayo kaya napatayo rin ako. Nakapamulsa itong humarap sa akin at ngumisi.

"May name is..." Kumunot ang noo ko nang lumapit ito sa akin. Napa-atras ako hanggang sa matamaan ng likod ko sng pader.

Nanlalaki ang mga mata ko nang ilapit niya ako mukha niya sa akin. Damn it! Ilang pulgada nalang ay magdidikit na an mga labi namin.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang tingnan niya ang labi ko. Kinakabahan ako sa kung akong mangyayari.

Hahalikan niya ba--NO! Arianna naman, bakit ka nag-iisip ng ganyan? Erase, erase!

"Maximus." Nakangising saad niya.

Napakurap ako ng ilang beses. Inilayo niya na ang mukha sa akin at naglakad palayo.

Maximus? Bakit parang pamilyar? Saan ko ba ito narinig?

Ngumiti nalang ako at tumango-tango. Ngayon alam ko na ang pangalan niya. Akmang aalis na sama ako nang mapatingin ako sa panyong hawak ko.

"Hindi ko pala naibalik sa kaniya..." Mahinang bulong ko "Bukas ko na la--"

"Binibini! Nakita namin iyon! Ack!"

Gulat akong napatingin kina Ara, Ella at Iva. Malalaki ang ngiti nila habang nakatingin sa akin. Napairap naman ako nang walang sa oras.

"May namamagitan po ba sa inyong dalawa?"

Nabilaukan naman ako sa sariling laway dahil sa taning ni Iva. Napa-ubo ako ng ilang beses habang sila naman ay nakatingin lang sa akin.

"Pinagsasabi niyo?!" Naiinis kong sigaw.

Sabay-sabay silang nagtawan at lumapit sa akin.

"Pero Binibini, nag-alala po ako nung makita ko po kayong umiyak kanina. Ayos na po ba kayo ngayon?" Ngusong tanong ni Ara.

"Hoy! Ikaw Ara, pina-iyak mo pala ang Binibini?"

"Isusumbong kita kay master!"

Nangiwi ako nang makita ang namumutlang mukha ni Ara. Napa-iling na lang ako sa kalokohan nila.

"Tara na nga!" Sabay naming sigaw at nagtawanan.

Napangiti ako sa isipan. Hindi naman siguro masamang magtiwala sa kanila?

Sa oras na ito, napagtanto ko na hindi ako nag-iisa. Kahit gaano pa kahirap ang pagkikipagsapalaran sa mundong ito, kakayanin ko basta't nandito sila at hindi ako nag-iisa...

Before The Coronation Where stories live. Discover now