CHAPTER TWENTY FIVE

139 1 0
                                    

CHAPTER 25: Twin Of Queen

Third Person POV

"Mahal ko, bakit ka naparito? Wala ka bang gagawin ngayon?"

Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng reyna sa kaniyang asawa. Hindi niya ipinahalata sa asawa ang kaniyang labis na pagtataka.

Hindi sumagot ang hari. Tumitig lang ito sa reyna na para bang kinikilala ito.

Sa tagal ng panahon na sila ay magkasama, alam niyang may mali sa bawat kinikilos nito. Tila may tinatago ito sa kaniya, at ang pagtatago sa kaniya ng sikreto ang pinaka-ayaw niya.

"Mahal kong Agatha, hindi ko na ba maaaring bisitahin ang aking asawa?" Walang emosyong saad ng hari.

Unti-unting sumiklab ang kaba sa dibdib ng reyna. Hindi niya inalis ang matamis na ngiti sa labi. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya magawa, alam niyang walang magandang mangyayari kung tatakbo siya bigla-bigla.

Lumapit siya sa hari at niyakap ito. Mahina siyang tumawa ngunit walang mababakas ng kasiyahan sa kaniyang boses.

"Mahal ko, hindi na natin kailangan pang magpanggap. Sa oras na ito, walang mga taong maaaring makakita sa atin. Lalong wala rito ang ating anak." Bulong niya sa hari.

Inilayo ng hari ang kaniyang sarili sa reyna. Dumilim ang mukha nito na para bang gusto nang patayin ang nasa harapan niya.

Naiyukom ng hari ang kamao. Pinigilan niya ang sarili na sakalin ang walang hiyang babaeng nagpapanggap bilang reyna.

"Gawin mo ng maayos ang iyong trabaho bilang isang reyna. Ilang linggo na ang nakalilipas simula nang tumakas ang prinsesa. Ngunit hanggang ngayon, hindi mo pa rin siya nahahanap." Nang-uuyam na saad ng hari.

Hindi mapigilang mangngitngit ng reyna. Alam niya sa sariling wala siyang magawa para mahanap ang prinsesa. Ang anak ng kaniyang pinakamamahal na kambal. Agane.

"Bakit sa akin mo lang sinasabi ang mga iyan? Hindi ba dapat pati sa iyong sarili?" Malakas na tumawa ang reyna.

Tumungo siya sa kaniyang kama at doon ay na-upo. Pakiramdam niya ay nanghihina ang kaniyang mga tuhod.

"Isa kang hari ngunit hindi mo mahanap ang prinsesa. Kung tutuusin, hindi ba dapat ikaw ang naghahanap sa kaniya dahil ikaw ang kaniyang ama?" Napangisi ang reyna nang makita ang galit sa mata ng hari. Ngunit sa kabila ng kaniyang sinabi, hindi niya maiwasang maisip ang heneral Guego. Ang tunay na ama ni Agape.

"Wala kang karapatang kuwestyonin ang aking pagiging hari!"

Sa isang iglap lang, hawak-hawak na ng hari ang leeg ng reyna. Hindi na niya napigilan ang galit, lalo na't minaliit nito ang kaniyang pagiging hari.

Hindi naman halos makahinga ang reyna. Hindi niya akalain na sasakalin siya mg hari.

"B-bitawan mo a-a-ako!" Hirap na sigaw ng reyna.

Pilit niyang tinatanggal ang pagkakasakal sa kaniya ng hari ngunit sadyang malakas ito.

Nang makita mang hari na nawalan na ng malay ang reyna ay tsaka niya ito binitawan. Umismid siya dahil sa kahinaan nito.

"Kung hindi lang dahil kay Agape, patay ka na sana dati pa." Malamig na turan ng hari.

Tumalikod na ito at humakbang palabas ng silid ng reyna.

Nang tuluyang maka-alis ang hari, pumasok ang isang batang babae sa silid ng reyna. Aksidente niyang napakinggan ang usapan ng dalawa.

"Mahal na reyna..." Naiiyak na banggit nito habang inaayos ang pagkakahiga ng reyna sa kama nito.

Mas lalo itong napa-iyak nang makita ang pulang marka sa leeg ng reyna. Napahinga siya ng malalim bago lumabas ng silid ng reyna. Pinalis niya ang luha sa mga mata at kumuha ng malinis na tela sa kaniyang kuwarto.

Bumalik siya sa silid ng reyna at handa ng malamig na tubig. Binasa niya ang basang tela, pinigaan ito at inilagay sa leeg ng reyna kung saan namumula.

Malaki ang utang na loob niya sa reyna. Dahil kundi dahil sa reyna, patay na sana sila ng kaniyang nakakatandang kapatid.

Iniligtas sila nito mula sa masasamang halimaw sa gubat. Kasama ang isang heneral.

Hinintay niyang magising ang reyna. Subalit habang naghihintay ay nakatulog ito. Ilang oras ang nakalipas ay naalimpungatan ang reyna. Napatingin siya sa kaniyang tabi nang may gumalaw.

Gulat siyang napatingin sa batang nasa tabi niya, ngunit mas ikinagulat niya nang maramdaman ang malamig na telang nakalagay sa kaniyang leeg.

Napangiti siya sa bata at sinuklay ang buhok nito gamit ang kaniyang darili. Nagising ang bata nang maramdaman ang ginawa ng reyna.

Nagmulat ito ng mata at nagulat nang makita ang reyna sa kaniyang tabi.

"M-mahal na reyna!"

"Nagising ba kita, Seria?"
____

Someone POV

I sighed as I read the reports about the west border of Verxus. Things are getting out of hand. Damn it.

"What's the plan now? Hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang gusto nila." Gaal said.

Nakakunot rin ang noo nito tulad ko. Well, we've been working in this problem for months and still, there's no progress. And this is hella irritating.

"Ask the councils for solutions. Warn them not to disturb me with this shit, or else..." I smirk and stand up.

Mukhang naintindihan naman nito ang nais kong iparating. He nodded his head and look at me with his usual smile.

"Looks like your going somewhere. May I know where? Can I come, baby?" He bit his lips while trying not laugh.

I grimaced at what he just did. Disgusting creature!

"You fucking gross!"

I almost vomit. I look at him with my deadly stare. This disgusting jerk! Tumawa lang ito na para bang may nakakatawa.

"Grabe ka naman sa akin, Mahal na hari! I just wanna see the angel in your mansion."

My blood suddenly boiled. Kumuyom ang kamao ko at masamang tumingin sa kaniya.

He just smirk at me. The hell! He's pissing me off!

"Shut the fuck up, Gaal! You don't want me to break your neck, don't you?"

I'm fucking mad right now. How dare he calls her angel? He doesn't have the rights to call her that!

I saw how all the things inside the office began to float. The chairs, table, papers and other stuff. I sighed and try to calm myself. I don't wanna ruin my office just because of this bastard.

"Relax, your Majesty. I'm just joking." I heard his nervous laugh. I didn't bother looking at him.

Inhale, exhale. All the things in now back in their place. Good.

Before The Coronation Where stories live. Discover now