CHAPTER SIXTEEN

161 5 0
                                    

CHAPTER 16: Mad

Hindi ko alam kung ilang beses na akong napahinga ng malalim. Sobra-sobra ang kabang nararamdaman ko habang papalapit sa bahay kung saan naninirahan sina Agape.

Alam ba nila ang tungkol kay lola Anasya? Sinabi ba ni lola Anasya sa kanila na isa siyang dragon? Paano kung hindi?

Nang balikan ko kanina si lola Anasya ay bumalik na ito sa pagiging isang matanda. Patay na ang lahat ng halimaw, nakakalat pa sa paligid ang mga katawan nito.

Nilapitan ko si lola Anasya dahil mukha na itong nanghihina, and to my surprise, she collapsed in front of me.

Nagulat ako pero buti na lang ay nasalo ko siya. Siguro ay napagod siya sa pakikipaglaban sa mga halimaw.

"Iha.. pasensya n-na, pero m-mukhang hindi ko-- hindi k-ko muna masasagot ang mga katanungan m-mo.." Pinilit niyang magsalita kahit na nanghihina na siya.

"Ayos lang po. Kailangan-"

Hindi ko na natuloy ang pagsasalita nang balutin ng itim na usok ang katawan ni lola Anasya. Napapikit pa ako.

Pagmulat ko ng mata ay halos kabahan ako dahil hindi ko na makita pa si lola Anasya. Tanging isang kwintas na hugis crescent moon lang ang nasa harap ko. Marahan ko itong pinulot at tinitigan.

"Huwag kang mag-alala, iha. Nasa loob ako ng kwintas na ito. Babalik din ako pero kailangan ko munang magpaghinga para magkaroon ako ng enerhiya."

Iyon ang huling beses na naka-usap ko si lola Anasya. Kung kaya't problemado ako ngayon, hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa dalawa. Maaari kasing hindi nila ako paniwalaan.

Well, what can I say? Everything happens too fast. Pero hindi ko makakalimutan ang mga matang iyon.

Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pintuan. Tumambad sa akin ang mukha ni Agape na puno ng pag-aalala. Napalunok ako ng napatingin siya sa akin.

"Arianna! What happened? Gabing-gabi na! Nasaan si lola Anasya?" Mariin akong tiningnan ni Agape. Damn, paano ko ba ito sasabihin?

Akmang magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto. Mula sa pinto ay pumasok si Leuros, hingal na hinagl ito. Mabilis itong lumingon sa amin at gulat ang mga mata nito nang makita ako.

Those eyes...

"Arianna, nandito na pala kayo!" Masaya itong lumapit sa amin pero agad ding nawala ang ngiti at inilibot ang tingin na tila ay may hinahanap. "Nasaan si lola Anasya?... Bakit hindi mo siya kasama?"

They both look at me. Confusion was written all over their faces. Oh God! What should I do?

"Arianna, please, nasaan si lola Anasya?" Pakiramdam ko ay nanunuyot ang lalamanun ko dahil sa pagmamaka-awa ni Agape. Nag-iinit na rin ang sulok ng mga mata ko.

"Arianna! Sumagot ka, pakiusap!" Halos mapatalon ako sa gulat nang sumigaw si Leuros. Puno ng galit at sakit ang mata nito.

Pero alam kong alam niya ang nangyari sa amin ni lola Anasya. Siya ang may pakana ng lahat ng iyon! Masama siyang tao!

Unti-unti akong nakaramdam ng galit. Ang mga pulang mata na nasilayan ko kanina, walang duda, siya ang lalaking iyon!

"Ikaw! Masama kang tao!" Galit kong sigawan si Leuros. Nakarinig ako ng pagsinghap ni Agape sa gilid ko.

"T-teka lang, s-sandali! Arianna, a-ano bang pinagsasabi m-mo?"

Binalingan ko si Agape na ngayon ay mukhang litong-lito na.

"Agape, kanina habang namumulot kami ng kahoy ni lola Anasya, sinugod kami ng maraming halimaw, at siya! Si Leuros ang may kagagawan nun!" Marahas kong dinuro si Leuros dahil sa nararamdamang galit.

Before The Coronation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon