CHAPTER TEN

222 6 0
                                    

CHAPTER 10: Friends?

Nakakainis! Sino nanaman ba kasi ang nga taong 'to? Lagi na lang ako nasasabak sa away, eh hindi naman ako basagulera. Duh!

Mahigpit kong hinawakan ang pouch na naglalaman ng mga pera. Pasimple ko itong inilagay sa bulsa ko para hindi nila makita.

"Anong kailangan niyo sa kanila?" Seryosong tanong ko sa mga ito.

Ngumisi lang sa akin ang isang kalbong lalaki. Mukhang siya ang leader ng mga adik na 'to. Tsk.

"Ate Arianna, s-si Emmanuel, siya 'y-yung kina.. kinakasama ni i-inay..." Kinakasama? Boyfriend? Agad akong napangiwi habang nakatingin sa mga lalaking nasa harap namin ngayon.

"Ikaw babae, ibigay mo na lang sa amin 'yong pera para walang gulo."

Tinaasan ko lang ito ng kilay at inirapan. Sa tingin niya ba basta-basta ko na lang ito inibigay? Of course no! Duh? Halos mamatay ako dahil lang sa pagkuha ng mga sampaguita dahil sa mga sagar tapos kukunin niya na lang ng basta-basta ang pera? Damn, this egghead man!

"Sa tingin mo ibibigay ko ang pera sa'yo? Manigas ka diyan, gago!" Napangisi ako nang makitang nainis ang mga ito sa sinabi ko.

"Humingi ulit kayo ng tulong sa mga kawal.." Mahinang bulong ko sa dalawa. Tumango-tango sila at nagsimula ng tumakbo.

"Oy, tumatakas 'yung dalawang bubwit!"

Agad na nalukot ang mukha nung kalbo dahil sa sinabi ng isa niyang kasamahan. Galit itong tumingin sa akin.

Plano ko talagang patakasin dito sina Serra at Seria para hindi sila madamay sa gulo. Siguro ngayon, ang iniisip nila ay tinakbo na ng dalawa ang pera.

Inihanda ko na ang sarili ko para makipaglaban. Huminga ako ng malalim at inalala ang lahat ng lesson ko sa martial arts. Hindi naman ako black belter pero magaling naman ako.

"Ikaw! Pinatakas mo sila. Siguro nasa kanila ang pera!" Galit ang mukha nito at parang nagiging pula na ang buong mukha.

Mahina akong mapatawa sa mukha niya. Damn, really? Nagagawa ko pang tumawa sa oras na 'to?

Mabilis na sumugod sa akin ang dalawang lalaki na payat ang pangangatawan. Mabilis kong inilagan ang suntok ng isang may mahabang buhok at hinuli ang braso nito. Hinila ko ito palapit sa akin at sinipa siya sa tiyan. Napadaing naman ito sa sakit. Umamba sa akin ng suntok ang isa pa kaya pinansalag ko ang lalaking may mahabang buhok.

Nagulat ito dahil sa ginawa ko kaya itinulak ko sa kaniya ang lalaki. Parehas silang natumba dahil don. Napatingin naman ako sa harap nang sumugod ang lalaking malaki ang pangangatawan at may hawak pang kahoy pamalo.

Mabilis kong inilagan ang atake nito at gumulong palayo. Saktong natyempohan ko ang isang bakal sa gilid kaya ginamit ko itong pansalag sa hampas ng lalaki.

Napaigik pa ako dahil sa lakas ng hampas nito.

Malakas kong sinipa ang tiyan nito kaya nabitawan niya ang hawak na kahoy. Mabilis akong umalis sa harapan nito at puwesto sa likuran nito. Akmang hahampasin ko na sana ito sa likod gamit ang bakal nang may pumigil dito.

"Huwag, ako na ang gagawa. Masyado kang maganda para manakit." Seryoso nitong kinuha ang bakal sa kamay ko at hinila ako sa braso papunta sa likuran niya.

Gulat lang ako habang nakatingin sa kaniya. Paanong nandito siya?..

"Xander..." Tulala ako habang nakatitig sa kaniya. Wait.. Bakit ba ako natutulala?

"Stay there." Wala sa sariling napatango ako. Iniling ko naman ang ulo ko at hinanap sina Serra. Wala pa sila dito..

Mabilis akong napalingon sa harap nang makarinig ng mga daing. The hell! Anong ginagawa niya?!

Before The Coronation Where stories live. Discover now